Chapter 21

1.3K 36 0
                                    

I woke up with a heavy feeling on my chest, anong nangyari? Is that even real? Panaginip lang ba yung nangyari? Napatingin ako sa sarili ko, fully clothed. Tinignan ko ang kwarto pero wala ka.

Panaginip lang ba yon? Napahawak ako sa ulo ko habang nirerecall yung nangyari. We had sex and after non you left me with a word na what happened was just a pure sex, nothing more.

"Gosh this isn't happening.." bulong ko.
"Panaginip lang yon Jen, mahal ka pa rin ni Lisa.."

Agad akong tumayo para puntahan ka sa guest room pero pagbukas ko ng pinto wala ka na, nakaayos ang higaan. Chineck ko pa kung nasa cr ka pero wala talaga.

"Lisa nasaan ka." I said.

Tumakbo ako pababa ng hagdan para tignan ka sa baba and right there.. I saw you habang nagluluto ka, nakatalikod.

You never really prepared food for us dahil hindi ka marunong, siguro yung ibang madali kaya mo pero most of the time kung hindi undercooked e overcook.

Naalala ko yung panaginip ko kagabi, agad akong bumaba at niyakap ka mula sa likod. Halatang nagulat ka sa ginawa ko.

"J-Jen.. are you okay?" tanong mo. Hindi ako sumagot, napansin ko nalang na humihikbi na ako.

You switched off the stove at hinarap ako.
"Wait, why are you crying?" I didn't answer, nakayakap lang ako sayo.

"I'm sorry.." bulong ko.
"About saan? Are you okay? Bakit ka ba umiiyak?"

"I don't care what happened to you and chewy that night, I don't care kung may ginawa ba kayo. I want you back. Hindi ko na kaya." sabi ko habang umiiyak.

"Kaya mo lang sinasabi yan kasi threatened ka kay Irene." sagot mo.

"No.. I just realized I was too harsh and closed minded.. hindi ko na naisip yung nararamdaman mo."

You gently removed my arms at humarap. Pinahid mo ang luho sa pisngi ko.

"I forgave you long time ago even tho hindi ka nakinig sa akin.. nothing happened that night, I got played." paliwanag mo.

Niyakap kita ng mahigpit. "I'm sorry.. sobrang sorry.."

"Okay na yon Jen. Huwag ka na umiyak.. lately naisip ko, maybe you don't love me enough to let me go that easy."

"No..no.. You know I love you so much right? Hindi ko lang matanggap na magagawa mo sakin yon." sagot ko.

You cupped my face at tinitigan ako.
"Sssssh... don't cry na."

"Do you still love me?" tanong ko.
"Of course.. but.."

"But what?"
"Jennie kase.. I was thinking if we.. I mean.. we stay as friends for now." malungkot na sabi mo.

"Why? Ayaw mo na ba sakin? Sabi mo mahal mo ko? Ayaw mo ba ako maging girlfriend?" sunod sunod na tanong ko.

"Hindi sa ganon.. pero.."
"Pero ano??!"

"Nawala ko yung sarili ko sayo, Mahal kita oo.. but I don't think I love you enough to be with you again after what happened. Naubos ako eh."

"Akala ko ba okay na?"
"Jen, I might be okay but I'm not fine at all.. okay na sa akin yung nangyari.. promise okay na."

"Hindi kita maintindihan."
"Give me time okay?"

"Anong assurance ko na babalik ka pa sa akin?"

Napahinto ka, tila hindi mo maisip kung anong isasagot mo sa tanong ko. Ano nga bang assurance ang maibibigay mo?

"Let's just... go with the flow.. I guess." sagot mo.

"Hindi ba pwedeng tayo nalang ulit? I'll make it up to you promise. Baby please anong gusto mo? Sabihin mo." pagsusumamo ko.

"Sssssh, you don't have to beg."
"Ang sakit sakit Lisa."

Niyakap mo ako ng mahigpit. "Mahal na mahal kita Jen.. sobra. Pero hindi to magwowork sa ngayon. I'm sorry.."

Hinalikan mo ako sa labi saka ipinagpatuloy ang niluluto mo. Halos hindi na tayo nag usap habang kumakain, nag ayos tayo at nag paalam ka na uuwi na.

"Are you sure dito ka mag stay? Alone?" tanong mo.
"Don't mind me. Okay lang ako." sagot ko naman.

Sinundan ko ng tingin ang sasakyan no hanggang sa mawala na ito.

"Hihintayin kita umuwi." bulong ko.

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon