Chapter 12

1.2K 33 1
                                    

Tatlong linggo mula nung umalis ka. Ilang beses ko na ba sinubukan na magsend ng message sayo para sabihin na namimiss na kita? Ilang beses ko ba pinipigilan ang sarili ko na huwag kang tawagan? Kasabay ng kalungkutan yung katotohanan na ikaw mismo ni hindi mo man lang ako kinumusta pagkatapos, umalis ka na parang walang nangyari.

"Oyy si tanga malungkot na naman." pang aasar ni Jisoo.

"Ilang linggo ka na ganyan par, para kang tanga. Broken hindi naman naging kayo." sagot naman ni Seulgi.

Gusto kong matawa sa sinasabi nila, totoo naman. Bakit nga naman kasi ako nag iinarte at nalulungkot kasi namimiss kita? ni ikaw nga hindi mo makuhang magsend man lang ng message sa akin.

"Tangina niyo naman e nakakalungkot lang, syempre nakasama ko yung tao."

"Sundan mo kaya sa America?" sabi ni Seulgi.
"Alam mo ikaw Seulgi, ang dami mong sabe puro palpak naman." inis na sabi ni Jisoo.

"Alam mo focus mo nalang sarili mo sa ibang bagay.. Si Chewy! diba may gusto sayo yon at panay chat pa nga."

"Tangina ang gagaling niyo talaga mag suggest e no parang tanga." inis na sabi ko.
"Or sadyang ayaw mo sa iba, kay Jennie mo lang gusto."

"Ewan ko sa inyo mag inuman na nga lang tayo daming sabe."

****
"Sure ka kaya mo umuwi?" paninigurado ng dalawang kumag habang nasa parking lot kami ng condo nila. Alas dos na ng madaling araw, sabi nila ay dito na ako matulog pero hindi pwede baka hindi na ako makauwi sa bahay kasi magagalit si Mama.

"Hindi pwede tangina niyo nasa wisyo pa ko. Sige na umakyat na kayo." sabi ko sabay start ng engine.

"Ingat ka ha."

Nagdrive ako pauwi. Pagdating sa bahay, hindi ko na ipinasok sa loob ang sasakyan ko para hindi na mag ingay pa. Hassle kasi kung bubuksan ko pa yung gate baka magising pa si Mama at bungangaan pa ko. Dahan dahan akong pumasok sa main door at umakyat sa kwarto ko.

Pagpasok ko ay may babaeng nakahiga sa kama ko. Sus si Mama, iniintay siguro ako nito umuwi. Hindi ko na binuksan ang ilaw, hinayaan ko nalang na lampshade nalang ang nakabukas. Hinubad ko ang jacket ko at sabay humiga at niyakap si Mama.

"Hmmmm.."

Napadilat ako, tangina bakit iba ang amoy ni Mama? Bakit mahaba ang buhok? Bigla akong kinabahan. Sino tong babae na to?

Dahan dahan kong inabot ang switch para sa ilaw sa may tapat ng headboard. Nanlaki ang mata ko nang makita kita.

"J-Jennie?" kumurap kurap ako. Tangina lasing na ba ko? Naghahallucinate ba ko?

Nagising ka at tinitigan ako. Bumangon ka at ngumiti saka yumakap sa akin. Napatulala nalang ako. Tangina lasing ba ko?

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Hindi mo ba ako namiss?" bulong mo. Para akong binuhusan ng tubig. Niyakap kita pabalik.

"Ano hindi ka na magsasalita?"
Napatitig ako sayo, napakaganda mo talaga at sobrang namiss kita.

"I missed you." yun ang lumabas mula sa bibig ko.
"Halata nga, ayaw mo nga ako kausapin." sabi mo na tila nagtatampo.

"H-Hindi naman..."
"Saan ka ba galing? Nambabae ka ba?"

"H-Hah? Hindi.. ano.. ah.. galing ako kina Jisoo.. tumambay lang, uminom ng konti."

"Nagpakabait ka ba habang wala ako?"
"Huh? Oo naman."

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon