Chapter 23 - One year later

1.7K 32 1
                                    

"So... kailan mo ako sasagutin Nini?" tanong mo. Napatingin ako sayo, we're having dinner at kanina ka pa nagpapacute.

"Siguro kapag ano.. kapag seryoso ka na."
Napakunot ang noo mo at ngumuso ka. Napakacute. "Seryoso naman ako, sadyang clown lang ang mukha ko."

"Di ah, pogi mo nga eh."
"Ha? Teka ulitin mo." inabot mo ang cellphone mo at itinapat ito sa akin.

"Anong ginagawa mo?" sabi ko.
"Record ko lang sinabi mong pogi ako."

Natawa ako. This is you, casually making me laugh since day 1.

"Hindi ko na sasabihin ulit bahala ka."
"Pero sinabi mo diba?"

Tumango ako at ngumiti.

****
V and I met sa isang photography class kung saan isa siyang part time instructor. Since wala akong magawa at kaysa magmukmok nag enroll ako sa photography class.

He's been a gentleman and nice to me since day 1. Palagi siyang nagpapatawa, sabi niya nga nung una nakaka intimidate daw ako dahil hindi daw ako ngumingiti, kaya pala palagi siyang nagjojoke sa class para matawa ako at mapansin ko siya.

After non, he messaged me. Since tapos na ang class after a month, gusto niya daw maka close ako kaso wala na chance na makausap niya ko. Noong una hindi ko naman pinapansin, pero sobrang kulit niya. Yung kulit na hindi nakakainis, yung kulit na cute.

Ilang buwan na rin mula noong nag usap kami ni Lisa, hindi na siya umuwi. Naalala ko sabi ko sa sarili ko kapag umabot to ng isang taon tama na. I saw that she's happy with Irene now, baka nga wala sa akin yung hinahanap niyang happiness. Baka nga phase lang yung meron samin since hindi naman kami nagkaroon ng ibang karelasyon even before.

"Baby anong iniisip mo?" tanong ni V.
Ginulo ko ang buhok nito at pinisil ang pisngi.

"Iniisip ko kung paano mo ako nauto."
Napangiti ito at itinaas ang kamay.
"Ang pogi ko that's why." mayabang na sabi nito.

"Oo nasobrahan lang sa kayabangan."
Ngumuso ito at tumalikod. He's month older than me pero feeling ko I'm years older than him. Niyakap ko ito mula sa likod.

"Hindi mo alam kung gaano ako ka thankful kasi pinapasaya mo ako everyday."

Humarap ito at hinawakan ang mukha ko.
"You deserve everything Jen." sabi nito at hinalikan ang labi ko.

****
LISA POV

It's been what? One year? Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, alam kong maayos ang usap natin bago tayo hindi mag-usap before. Na just give me time but I ended up dating Irene. But I am not sorry for doing that, never felt sorry for choosing what makes you happy at nung mga oras na yon alam kong si Irene yung makakapag pasaya sa akin.

"Hi." bati mo. Nagulat ako, ang ganda mo lalo. Eto ba yung look na naka move on na at masaya na sa buhay?

"H-Hello.. have a seat." sabi ko. Ngumiti ka at umupo sa tapat ko. Nag order ako ng food bago tayo mag-usap. After discussion bigla kang nagbiro.

"So deal na to ha?" natatawang sabi mo.
"Excited ka na ba umalis?" tanong ko.

"Um, not really.. ayoko lang may unsettled business.." sagot mo.

Natahimik ako.

"Anyways, call me kapag may problema. I have to go na." paalam mo.

"Okay.. sige.."
Tatayo ka na sana pero tinawag kita.
"J-Jennie.."

"Huh?"
I took a deep breath. "I'm sorry for everything.. ano... wala lang.. I just want to say I'm sorry sa lahat lahat.. and thank you, I'm glad you're doing great and happy now. Deserve mo yon."

Napangiti ka. "Deserve natin to be happy. No need to say sorry.. Thank you din.. Until we meet again."

Tumayo ako para ihatid ka sa sasakyan mo.
"Ganda ng car mo ha." Biro ko pa.

"Baliw, hindi naman." sagot mo. Bago ka sumakay ay ngumiti ka at niyakap ako.

"I am proud kung ano ka ngayon Lisa. I will always be proud of you. Mag-iingat ka palagi." Bulong mo. Hindi ko alam pero biglang parang may tumusok sa puso ko, may masakit.

"Jen, deserve mo maging masaya. Baka sa susunod na habangbuhay pwede na ulit tayo. For now, isipin mo palagi yung sarili mo. Unahin mo yung sarili mo before anyone else."

We gave each other one final hug bago ka sumakay sa kotse mo.

Biglang nag ring ang cellphone ko, agad ko itong kinuha sa bulsa ko at sinagot.

I: Baby nasaan ka na?
L: Pauwi na baby.
I: Okay good, drive safe.
L: Irene...
I: Wow, first name basis.
L: Wala lang, mahal na mahal kita. Pauwi na ko.

Siguro ganon talaga no? Minsan naka set sa isip mong gusto mo na makasama ang isang tao habang buhay but certain circumstances happen na hindi mo inaasahan na makapagpapabago ng buhay mo. Biglang mapupunta sa hindi mo inaasahan na direksyon, bigla one day magigising ka na yung happy ending na gusto mo hindi na mangyayari pero hindi ibig sabihin hindi ka na sasaya ulit.

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon