Chapter 19

1.6K 41 1
                                    

Inayos ko ang sarili ko at bumalik sa loob. Pagdating ko ay inabutan ko si Irene na kausap ang isang ka batch namin.

"Hi Lisa." sabi ni Joy. Isa siya sa kaclose ni Irene at Jennie way back then. Ang laki ng pinagbago niya, dati siya ang isa sa pinakamaliit sa klase bukod kay Jennie pero ngayon parang halos mas matangkad pa siya sa akin at ang puti.

"Hi Joy! Kumusta na?"

We had a little catch up at maya maya nagpaalam na ito, napansin kong wala na si Jennie at si Kai.

"Saan ka galing bakit ang tagal mo?" tanong ni Irene.

"Nag cr ako tapos nakita ko si Byul napakwento nagpaalam na nga ako sabi ko magagalit ka." paliwanag ko, don't get me wrong totoong nakita ko si Byul pagkalabas ko sa cr at kinorner ako ni gago.

"Ah. Umalis na sina Jennie at Kai, sabihin ko nalang daw sayo."

"Aga naman.. Ikaw ayaw mo pa umuwi? We can go home if you're tired na.." bulong ko sayo. Alam kong pagod ka na rin naman.

"No, it's okay. Hindi mo ba tatapusin program?"
"Hindi na siguro.. tara hatid na kita."

Nagpaalam ako sa mga kaklase ko na mauuna na dahil pagod ka na. Naiintindihan naman nila, magkahawak kamay tayong naglakad palabas ng venue. I'm still thinking about what happened to me and Jennie kanina sa CR. I can't help it, I miss her so much.

"Anong iniisip mo?" tanong mo pagsakay sa kotse.
"Huh? Wala.." sagot ko.

Ihinatid ko si Irene sa bahay niya at nagstay saglit para mag coffee. After an hour nagpaalam na din ako dahil gabi na.

Iniisip pa rin kita habang driving ako pauwi. At the same time iniisip ko rin si Irene, we don't have anything between pero sabi ko sa kanya let's enjoy each other's company.

Binuksan ko ang gate at ipinasok ang sasakyan. Halos idrag ko nalang ang sarili ko papasok sa bahay. It was dark inside, nakakabingi ang katahimikan. Umuuwi ako dito every now and then, ayoko naman kasi pabayaan to.

Dahan dahan akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto, nasa kalagitnaan na ako nang may marinig ako.. Napahinto ako at napatingin sa paligid, sa pagkakaalam ko kag-isa lang ako dito pero mag naririnig akong tulo ng tubig.. shower?

Napalunok ako. Ilang araw lang ako hindi umuwi bakit ganito na dito?

"Lord wag ka naman manakot, duwag ako eh. Bakit may tumutunog."

Nanginginig ang tuhod ko, hindi ko alam kung tatakbo ba ako o sisigaw. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko para umakyat dahil sa sobrang takot.

"Putangina heart andito ka ba?"

Nilakasan ko ang loob ko at umakyat, iniisip ko din kasi baka naman nag loose lang yung lock nung shower, kung hindi ko papatayin baka bumaha sa kwarto. Bubuksan ko na ang pinto nang tumigil yung tunog nung shower.

"Putanginaaaaa." bulong ko. Ilang minuto akong nag intay kung maririnig ko ulit ang tunog pero nawala na ito tuluyan.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at nagulat ako sa nakita ko.

"Jennie?" Kahit nakatalikod ka alam kong ikaw yan. You're wearing a robe, kakalabas mo lang yata ng shower dahil basa pa ang buhok mo.

Napalingon ka at napakunot ang noo.
"Bakit ka andito??!" galit na sabi mo.

Nawala lahat ng takot na naramdaman ko kanina, I was looking at you just like before noong magkasama pa tayo. Ikaw palagi ang nauuna maligo kapag papasok tayo sa office dahil naiiwan ako sa baba para magligpit. Ganitong ganito pag akyat ko sa kwarto tuwing umaga, aabutan kitang nagbibihis.

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon