Chapter 16

1.3K 32 0
                                    

"How are you?" tanong mo. Parang ilang tao na ang nagtatanong sa akin nito, paulit ulit.

"I'm okay. Para kayong ewan, ang tagal na non."

"Oh bakit ka defensive?"
"Chahee, ano ba."

"Bakit ka ba naiinis? Nagtatanong lang naman ako.. defensive ka agad wala pa naman akong sinasabi kinakamusta lang kita."

"Alright."
"Kinukulit ka pa rin ba?"

Napatingin ako sayo at napatigil sa pagkain, umuwi ka dito para dalawin ako. You really know when to come.

"Nagdadrama.."
"Jen, hindi ba you're being unfair to Lisa? Have you heard her side? Hindi sa kinakampihan ko siya ha, ang sakin lang sana pakinggan mo man lang yung paliwanag niya."

"Kitang kita ng dalawang mata ko kung anong nangyari." inis na sagot ko.

"But everything is never as it seems. What if it's the other way around? What if she got played?"

"And what if totoo yung nakita ko? What if I got played?"

"Kaya nga what I'm saying is makinig ka naman sa paliwanag nung tao."

How many times I tried to call her para sabihin na I miss her? How many times I want to tell her na I still love her? But then biglang mag fflashback yung nangyari. Biglang masakit ulit, hindi nawala yung sakit eh. For someone na walang ibang minahal kundi ikaw, that's tragic and traumatic.

Nakakatakot. Kahit gusto kong pakinggan yung paliwanag mo natatakot pa din ako. Kasi baka mamaya totoo yung pinaniniwaan ko. Baka mamaya magsinungaling ka lang para makuha ulit ako.

"Mahal mo pa ba?"
"Hindi naman agad agad nawawala yon.. but I'm done. Ayoko ng ganon."

"Alright then."

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon