Chapter 13

1.3K 35 0
                                    

"Kailan ka pa narito? Kailan ka pa umuwi?" sunod sunod na tanong ko, hindi ako makapaniwala na andito ka ulit.

"Kanina lang. Magpalit ka na ng damit mo amoy alak ka. I'll just spend a night here then alis na din ako bukas."

"Huh? Agad? What?!" gulat na tanong ko. Ganito ka nalang ba palagi? Dadating tapos biglang aalis?

"Lipat na ako sa condo ko baliw. Alangan mag stay ako dito palagi." paliwanag mo.

"Meron kang condo dito? Wait hanggang kailan ka dito?"

"Hanggang kailan ko gusto." sabi mo sabay wink. Hinawakan mo ang kwelyo ng damit ko saka hinalikan ang labi ko.

"Gahd I missed you. Magpalit ka na." sabi mo sabay tulak sa akin.

****
"Jen, sure ka ba na mag stay ka sa condo mo? You can stay here naman.. parang bahay mo na rin to." sabi ni Mama. Awaos mas mabait pa siya kay Jen.. sana all.

"Thanks Tita but it's okay. Since I'll have a job here soon. Nakakahiya naman po."

"A job?" gulat na gulat na tanong ko.
"Uh, yes."

"So you'll stay here for good?"
"Maybe." sabi mo saka ngumiti.

"Bilisan niyo na kumain at ihatid mo Lisa si Jennie sa condo niya."

"Yes Mama."

Hinatid kita sa condo mo, napagalaman kong malapit lang pala to sa workplace ko. Medyo natuwa ako at hindi ko sinabi sayo na malapit lang, dalawin nalang kita dito palagi.

"Sure ka kaya mo mag-isa dito?" tanong ko habang inaayos natin ang mga gamit mo.
"Oo naman.. Bakit sasamahan mo ba ko?"

Napalingon ako sayo at napangiti. Binalibag mo ako ng stuff toy.

"As if naman papayag si Tita." natatawang sabi mo. Bahagya akong nalungkot kasi totoo naman.

****
Sinamahan kita bumili ng iba pang gamit na kailangan mo sa katapat na Mall, buti nalang dito mo pinili bumili ng condo kasi accessible sa lahat.

"Will you be okay here?"
"Ikaw para naman akong bata."

"Umm, you have my number. Call me if you need anything."
"Alright. Thanks."

Palabas na ako ng pinto at kasunod kita para isarado ito. "Lock the door ha." bilin ko.

"Yes Ma'am."
Humarap ako sayo at ngumiti. "I'm glad you're here.. again.. I mean— for a long time."

"Sige na umuwi ka na late na." Natatawang sabi mo sabay tulak sa akin palabas.

"Are you sure ayaw mo ng kasama?" tanong ko ulit. Humalakhak ka saka inirapan ako. You pulled me closer and gave me a light kiss.

"Saka nalang.."
"Saka nalang? Kapag?" nagtatakang tanong ko.

"Kapag hindi ka na busy."
"Huh? Hindi ako busy."

"Hay nako Manoban sige na bye."
"Just kidding, see you tomorrow." sabi ko sabay wink.

"Tomorrow? You have work right?"
"Yes, but I wanna see you."

"Jeez, go home na mapapalo ka na."
"Oo nga eh. I'll go ahead."

****
Jennie POV

Napagpasyahan kong sa labas nalang kumain ng breakfast since tinatamad akong magluto, I have a meeting today for work. Maaga akong gumising para hindi ako ma late, ayokong nalelate.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil naandon ka at nakatalikod. May bitbit kang bulaklak at nakatingala at tila may sinasabi sa hangin. Parang baliw.

"Eheeem." sabi ko. Bigla kang lumingon at halatang nagulat.
"Ginagawa mo dito?" tanong ko.

Ngumiti ka ng pagkatamis tamis.
"Umm, wala lang." sabi mo sabay abot ng bulaklak. "Good morning."

"Good morning.. so bakit ka nga andito?"
"I... ano.. kumain ka na? Breakfast tayo."

"Ang aga mo. Di ka nagbreakfast sa bahay?"
"Hindi.. sabi ko kay Mama sabay tayo."

Napangiti ako dahil alam ko naman na gusto ng Mama mo na sabay sabay kayo kumakain. "Baliw ka. Tara na."

Naglakad tayo papunta sa malapit na coffee shop at kumain.

"Bakit may pa flowers ka pa? Monthsary ba naten?" tanong ko.

Halos maibuga mo ang soup na hinihigop mo nang marinig ang sinabi ko.

"H-Ha? Hindi.. wala lang yan." paliwanag mo.
"Ah, hindi ba.. sige." sabi ko nalang.

"Huy Lisa!!!" sigaw ng babae at lumapit sayo.
"Chewy?" tanong ko nang makilala ko kung sino ito.

"Jen??! Omg!!!" sabi nito at lumapit sa akin.
"Kumusta ka na? Hindi kita nakilala agad."

"Eto okay naman.. ikaw? Kailan ka pa umuwi??! Grabe ang ganda mo."

"Ehem.." nakalimutan yata namin na kasama kita.

"Ayyyy Hi Lisa, wala lang sabi ko na nga ba ikaw yan eh nakita kita kanina. Kasama mo pala itong si Jennie."

"Oo hehe.. saan ka ba pupunta?" alanganin na tanong mo.

"Papasok, bumili lang ako ng coffee. Siya sige na. Nice seeing you again Jennie. Bye Lisa, replyan mo kaya ako." sabi ni Chewy.

"Sige sige ingat ka, see you around!" sabi ko.
Tumango ka lang sa kanya saka marahan na ngumiti.

Nagtaka ako kung bakit ang tahimik mo bigla.
"Close kayo ni Chewy?" tanong ko.

"Ummm, kinukulit niya ko." sabi mo.
"Ahhhhh, type mo?"

Nanlaki ang mata mo sabay iling.
"Huh? No.. hindi."

"Okay good."

Hinatid mo ako sa building kung saan ako may meeting.

"Thanks sa breakfast at sa paghatid."
"Wala yon.."

"Saan kasi yung office mo?" tanong ko.
"Ummm.. dyan lang sa tapat." sabay turo mo sa building sa tapat.

"What??? So malapit ka lang?!"
"Uhhh, yes."

"Kaya pala ang lakas ng loob. Siya sige, salamat ulit." nagpaalam na ako sayo, nilapitan kita at hinalikan sa pisngi.

Nagulat ako sa sumunod na ginawa mo. Niyakap mo ako ng mahigpit.

"Alam mo minsan gusto kong isipin na may gusto ka sa akin.." Bulong ko.

"Maybe." mayabang na sabi mo.
"Maybe? Kala ko tayo na eh."

Bigla kang nataranta sa narinig mo.
"What???!?"

"Wala." sabi ko. Naglakad na ako papasok sa building at naiwan kang nakatulala sa labas.

****
"Oh bakit andito ka? Wala ka bang trabaho?" tanong mo. Hindi ko mapakali sa sinabi mo kanina kaya nagdecide akong magleave nalang at intaying kang matapos sa meeting mo.

"Hindi naman busy sa office today. Nag off nalang ako."
Kumunot ang noo mo at tinitigan ako. "Huh? Bakit?

"Gusto ko lang to clear things out, ano yung text mo sakin kanina?" kabadong tanong ko.
"Ano ba hindi mo gets doon?" sabi mo at nagsimula maglakad. Agad naman kitang hinabol at sinabayan. Pambihira paano ko ba sasabihin?

Nakailang hakbang na tayo nang bigla kang huminto at humarap sa akin.
"Oh ano? Hindi ka na magsasalita?"

"Gusto mo ba ko??" Kinakabahan na tanong ko.
"Oo. Hindi ba halata?"

Nagulat ako sa sagot mo. Parang lahat ng dugo sa katawan ko e umakyat sa ulo ko. Nilamig ako, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ano? Ano na?" hindi ako nakasagot agad. Napatingin ako sayo. Seryoso yung mukha mo, hindi ko alam tuloy kung anong sasabihin ko.

Nakatitig ka lang sa akin, I did too. Suddenly parang tayo nalang ang tao sa paligid. Ngumiti ka at niyakap ako. "Tell me you like me too." bulong mo.

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon