Chapter 7

1.5K 44 0
                                    

"Thanks for tonight!" masayang sabi mo. Napangiti ako at tumango.
"Ganito ka ba talaga?" tanong mo.

"Huh? What do you mean?"
"Ganito, tahimik. Natatandaan ko before ang daldal mo, tapos ngayon ayan mahiyain ka na."

"Ikaw nga masungit pero ang bait mo ngayon di naman ako nagtatanong." pabirong sabi ko.
Tumingin ka sa akin at tinaasan ako ng kilay. Napatikom ang bibig ko, wrong joke ata yung sinabi ko mukhang nainis ka.

"Hindi naman ako masungit dati ha?" 
"Masungit ka, kulang nalang awayin mo lahat ng nakakasalubong mo." natatawang sabi ko.
"Hindi ako masungit." sabi mo sabay simangot.

Nagpipigil ako ng tawa, bakit ba kasi hindi mo iadmit na masungit ka naman talaga?
"Masungit nga." ulit ko pa.

"Ah, sige bahala ka na." sabi mo akmang bababa sa sasakyan.
Hinawakan ko ang braso mo para pigilan ka. "Huy teka saan ka pupunta?"

Napatingin ka sa kamay ko, bigla kong binitawan ang braso mo dahil na conscious ako bigla.
"Sige na nga hindi ka na masungit, saan ka ba pupunta bakit ka bababa?"

"Ice cream tayo." pag-aya mo.

Pambihira akala ko naman nainis na. Naglakad tayo papunta sa isang convenience store, medyo late na rin nang nakauwi tayo. Pagdating sa bahay ay nagulat ako dahil nakalabas ang maleta at bag ng Tatay ko.

*** 
"Oh andyan na pala kayo." sabi ni Papa.
"Pa? Saan pupunta?? Bakit nakalabas 'tong maleta niyo?" nagtatakang tanong ko. 

"Hindi ba sinabi ko na sayo na aalis kami ng Mama mo at magbabakasyon? Sinasama kita sabi mo may trabaho ka at hindi pwede magleave."

Oh shit oo nga pala, nawala sa isip ko.
"Enjoy kayo doon Tito." sabi mo.

"Pa? Paano si Jennie? Wala siyang kasama dito? I mean, kapag nasa work ako." Bigla akong nagpanic, hindi naman yung wala kang kasama dito kapag nasa opisina ako yung issue, ang inaalala ko e ilang araw na tayo lang dalawa ang andito sa bahay.

"Nag-usap na sila ni Mama mo, okay lang naman daw kay Jennie.. Diba 'nak?" tanong nito sayo, aba anak ang tawag?

"Yes Tito okay lang po, meron din naman akong mga lakad with friends." sagot mo.
"Bibigyan ko nalang ng susi si Jennie in case na umalis siya.

Nanlumo ako bigla. Anong gagawin ko? Una, I can't cook. Pangalawa, hindi ako marunong maglaba pero may laundry naman. Pangatlo, mapipilitan akong kausapin ka palagi since tayo lang dalawa ang andito. 

"Pa sure na ba yan?" kabadong tanong ko.
"Lalisa para kang ewan ha, mag-ingat kayong dalawa ni Jennie dito. Maglock ng pinto, alisin sa plug yung mga nakasaksak bago umalis. At, mag-iingat sa pagddrive anak ha." bilin nito. 


***

Madaling araw umalis sina Papa, hindi ko na namalayan dahil sa antok. Nagriring ang alarm sa phone ko. Pucha may pasok nga pala. Dali dali akong tumayo, papasok na sana ako sa banyo nang maalala kong may kasama nga pala ako dito, at wala ka sa kama.

Bumaba ako para silipin ka, I saw you at the kitchen wearing Mom's apron habang nagluluto.
Nakatalikod ka, nakapusod ang buhok na may mangilan ngilan na hibla ng buhok na nakawala sa pagkakatali. You are wearing an over sized shirt na hanggang kalahati ng legs mo. I wonder what's underneath.. Wait? Meron ba? Napakagat labi ako sa naisip ko, dahan dahan akong umakyat pabalik sa kwarto para maligo.  

Paglabas ko ng kwarto after magprepare ay dire-diretso akong lalabas na sana ng pinto pero tinawag mo ako.

"Lisa." 
"Hmm?" tanong ko.

"Hindi ka ba muna kakain? Nagprepare ako ng breakfast." sabi mo.
"Ah.. eh.." sa totoo lang nagugutom na ako pero nahihiya ako sayo dahil nag abala ka pa magluto. Hindi ka naman required na gumising ng maaga at pakainin ako.

"Tara na bago pa lumamig to." pag-aya mo.
 
Umupo ako sa katapat na upuan at ibinaba ang gamit ko. "Bakit gumising ka pa at nagluto, pwede naman tayo magpadeliver." sabi ko.

"Hindi masarap yon." sabi mo naman. Napangiti ako.
"Oh bakit ka nakangiti?" tanong mo.

"Wala, so sinasabi mong masarap itong luto mo kaysa sa food na ipapadeliver?" tanong ko.
Tinaasan mo ako ng kilay saka ngumiti. "Bakit? Hindi ba masarap?" tanong mo, tanong pero yung tono may halong pananakot. Tanong na mukhang ang dapat kong isagot e ayon sa gusto mo. Nakakatakot.

"Masarap ka-" nabigla ako sa nasabi ko.
"Hah?" 
"Ay masarap luto mo." sabi ko sabay inom ng tubig. 

Pagkatapos kumain ay tumayo ako para ligpitin ang pinagkainan natin.
"Ako nalang dyan, baka ma-late ka." sabi mo.

Napatingin ako sa relo sa braso ko. "No, okay lang." sabi ko at iniligpit na ito. Nang matapos akong maghugas ng plato ay nag ayos lang ako saglit at papasok na pero tinawag mo ulit ako.

"Lisa."
"Ohh?" 

Iniabot mo ang paperbag. Sinilip ko ang laman nito.. Sandwich. Napatingin ako sayo.
"Wala lang, naisipan ko lang gumawa kanina." sabi mo. 

"Thank you." 

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon