EPILOGUE

3.3K 56 4
                                    

"Ako napapagod na sa inyong dalawa ha, tama na ang kakalipat bahay ikakandado ko na itong gate niyo para wala na maghihiwalay pakiusap." sabi ni Chahee.

"Napapagod ka na ba?" tanong mo sa kanya.
"Oo, ayoko na nag aaway kayo please lang pati ako nasstress." sagot nito.

"Hindi na Ma'am, sige na drive safe." sabi ko naman. Itinaas nito ang bintang ng kotse saka umalis. Inilock ko ang gate habang ikaw nagtitingin ng halaman sa garden.

Ipinalupot ko ang braso ko sa bewang mo at niyakap ka mula sa likod.

"Namatay na pala yung ibang halaman dito." malungkot na sabi mo.

"Hmm, pa ayos nalang natin ulit." sabi ko sabay halik sa leeg mo.

"Teka, paano mo nakuha ulit itong bahay?" nagtatakang tanong mo.

"Uhhh, hindi ko naman binenta."

Humiwalay ka sa pagkakayakap at tinaasan ako ng kilay. "What? Eh ano yung pinadala mo sa akin na pera? Sabi mo yun yung pinagbilhan."

"Pera ko."
Hinampas mo ako ng malakas sa braso dahil sa inis. "Siraulo ka talaga!!"

"Bakit ko ba kasi ibebenta to, eto nalang ang meron ako." malungkot na sagot ko.

"Diba una palang yan na reason mo kung bakit mo ako kinausap ulit? Meaning gusto mo talaga siya ibenta." sabi mo saby irap.

"Gusto ko lang naman makausap ka ulit at alam kong hindi ka papayag." sagot ko.

"Papansin ka talaga no? Oh anong napala mo?"

Nagkamot ako ng ulo at umiling uling. "Wala nga eh."

"Lalisa Manoban hay nako kung ano ano ginagawa mo sa buhay mo!"

Niyakap kita ng mahigpit. "Kaya nga siguro hindi ako okay kapag wala ka, hindi ko alam ginagawa ko eh." bulong ko.

Niyakap mo ako ng mahigpit. "Hindi na ako aalis, hindi na kita iiwan." sabi mo.

"Talagang hindi, mahal kaya ng divorce." natatawang sabi ko.

"Ikaw puro ka kalokohan talaga. Tara na nga sa loob."

"Mahal mo naman.. sige tara na gumawa ng baby.." bulong ko.

"Isa!" inis na sabi mo saka ako kinurot.
"Aray! Baby naman! Ayaw mo ba.."

Hindi mo na ako nilingon at tuloy tuloy na pumasok na sa bahay.

Jennie and I went through a lot bago kami makarating dito, just like a normal couple e sobrang daming pinagdaanan. Kala ko nga hindi ko na makakatuluyan to, muntik na ikasal kay veve boi. Pero siguro ganon talaga no? Kapag para sayo, para sayo. Kahit bwisit na bwisit ka na, kahit feeling mo ang gulo gulo na, kahit gusto mo nalang mahiga o maging halaman— sa kanya pa rin ang bagsak mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon