Chapter 1

3.1K 45 0
                                    

"Lisa!! Ano ba napakatagal mo andyan na yung service!!" sigaw ni Mama. Bakit ba kasi highschool na ako e meron pang service, pwede naman mag commute nalang.

"Eto na Ma."
"Napakabagal mo kasing kumilos! Anong oras ka na naman ba natulog bata ka?"

"Ano na naman gulo to?" sagot ni Papa.
"Paano itong anak mo." gigil na gigil na sagot naman ni Mama.

Nakita ko kung paano niyakap ni Papa si Mama. Agang aga nakakaumay.
"Ma, wag mo naman pinapagalitan yung paborito kong anak." paglalambing nito.

"Pa, isa lang akong anak mo." sagot ko naman habang itinatali ang sintas ng sapatos ko.

Lumapit si Papa at tinulungan ako na itali ito.
"Papa highschool na ako, bakit ba binebaby niyo pa ko."

"Ayaw mo ba non? Baby ka ni Mama at Papa. oh ayan, sasabihin mong bakit ka binebaby e pagtatali lang ng sintas mo hindi mo maayos ayos" Sabi nito.

"Papa naman eh, pwede bang next school year hindi na ako magservice?" paglalambing ko.

"Ay nako magtigil ka baka kung mapano ka pa sa daan." sabat naman ni Mama.

"Bakit? Ayaw mo naman sumabay kina Tito Arthur mo?" tanong ni Papa.

"Hindi naman. Kaso ang aga ni Tito Arthur magsundo." giit ko. Eh totoo naman parang palaging 30 minutes early ako sa school.

"Ayaw mo non hindi ka nalelate."
"Pero Papa."

Napatingin si Papa sa kusina kung saan nakatalikot at nagluluto si Mama.

"Sige, subukan mo mag commute next week. Tignan mo kung magugustuhan mo ha, kapag hindi balik tayo sa dati. Ako na bahala sa Mama mo." bulong nito.

"Yey! Thank you Papa!" sabi ko sabay yakap.
"Sige na pumasok ka na."

Naglakad ako palabas ng bahay. Si Tito Arthur ay kaibigan ni Papa, nakatira siya sa kabilang kanto ng subdivision. Bale nagseservice siya sa mga bata dito tuwing umaga at hapon. Ang alam ko ay wala siyang asawa at anak.

Sumasakay ako sa harap ng sasakyan niya, ayoko kasi katabi yung mga bata na magulo. Kasi isipin mo naman, high school ako pero yung mga ka service ko elementary.

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako dahil may bata na nakaupo.

"Ayyyy."
Napatingin ang babae sa akin saka umirap.

"Good morning Lisa." bati ni Tito Arthur.
"Morning Tito." sagot ko naman.

"Jennie anak, okay lang ba tabi kayo ni Lisa?"
Anak? So meron pala anak si Tito Arthur?

"Dad, ang sikip dito." maarteng sagot nito.
"Ay, Tito sige okay lang dito nalang ako sa likod."

Van ang sasakyan ni Tito, pwede naman dalawahan sa harap pero yung anak niya ayaw ng may katabi?

Tahimik akong naupo sa likod. Pasimple kong sinilip si Jennie. Maliit ang mukha nito at singkit, maputi at sa tingin ko ay maliit siya.

Maganda naman pala itong anak ni Tito Arthur kaso lang mukhang napaka arte.

"Lisa, anong grade mo na nga?" tanong ni Tito.
"Grade 9 na ako Tito, kinakalimutan mo naman eh." pabirong sabi ko at natawa si Tito.

Lumingon si Jennie sa akin saka tinaasan ako ng kilay. Luh? Anong ginawa ko sayo? Napatahimik ako bigla.

"Dito na mag-aaral itong si Jennie ko eh, Grade 9 din siya." kwento ni Tito. So ka age ko lang pala to?

"Ah, Goodluck Jennie." sabi ko. Ni hindi man lang ito tumingin o ngumiti.

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon