Chapter 13: Kim Jongdae
BAEKHYUN
"Yah Baekhyun! Aattend ka ba ng Prom Night?" Tanong sakin ni Sehun. Ewan ko ba dito kung bakit halos araw araw napunta dito sa bahay. Alam ko na may gusto siya sakin pero hindi ko siya kayang gustuhin. Kung hindi ko lang mahal si Chanyeol, baka siya yung nagustuhan ko. Mahirap naman lokohin yung sarili diba? mas lalo lang masasaktan si Sehun pag pumayaga ako na makipagdate sakaniya.
"Hindi siguro, mas okay na ko dito sa bahay."
"AATTEND KA OKAY!?? KAHIT AKO NA BAHALA SA SUSUOTIN MO OR KAHIT HATID SUNDO KITA!" Sigaw niya at napangisi ako. Kahit kailan talaga si Sehun, akala mo talaga manly pero pag nakilala o nakasama mo na, para siyang 5 years old na bata.
"IHHH SIGE NA BAEKHYUN UMATTEND KANAAA!" Nakangusong sabi niya. Napailing na lang ako at napatigil siya nang may nag doorbell. "May ineexpect ka bang bisita bukod sakin?" Napaisip ako at umiling. Wala naman, simula kasi kagabi. Umuwi na lang ako. Umiyak hanggang sa di ko namalayan na nakatulog ako sabay dating ni Sehun. Ang aga niya nambulabog.
"HELLO?!!!! OPO!!!! SI BAEKHYUN PO!!!!??? HELLLOOOO!!!!!!" Napakunot ang noo ko. Parang familliar yung boses na yun.
"TAO PO!!!! MERALCO PO!! MAY TAO PO BA RITO!!!! BUMBAY TO! ASAN NA HULOG MO!"
Si Jongdae?
"HOY WAG KA MAINGAY!" Napatingin ako kay Sehun na pinagbuksan si Jongdae. Napataas ang kilay ni Sehun nang biglang dumaretcho papasok si Jongdae at binangga pa siya sa balikat at sabay upo ni Jongdae sa tabi ko at yumakap sakin. Anong nangyayari???
"YAH!" Sigaw ni Sehun. "OH BAKET?! PUMASOK AKO KASI MAKAPAL MUKHA KO AT SADYA KO SI BAEKHYUN!" Sagot naman ni Jongdae at natawa ako.
"So ayon Baekhyun, nandito pala ako para-"
"Magbayad?" Tanong ko at umirap siya. "Umutang! Huhuhu. Alam ko na may utang pa ko sayo pero kasi buntis yung asawa ko eh-"
"ASAWA??????" tanong ko. Tumango siya. "Oo, asawa ko. Buntis. Ano ulit ulit? May magtatanong pa ba?" Napatingin siya samin ni Sehun. "Good, so ayun buntis kasi asawa ko at wala pa akong sahod pang pa-check up." Malungkot na sabi ni Jongdae.
"WAG KA MANIWALA DYAN BAEKHYUN SINUNGALING YAN BAKA SCAMMER YAN! MUKA SIYANG BATA TAPOS SABIHIN NIYA MAY ASAWA SIYA???!" Ani ni Sehun. Ba't ba nakasigaw tong batang to.
"ANONG SCAMMER! KAHIT SUMAMA PA KAYO!!" isa pa tong nakasigaw. nakakarindi na. "Pero thanks for the compliment, muka nga akong bata hihi." May siraulo neto.
--
Pumunta kami sa Isang bahay may kalayuan pero, napansin ko na may mga box sa gilid mukhang lilipat sila.
"Pasensya na kayo sa bahay namin, pinapalayas na kasi kami dito eh. Hindi ko na rin mabayaran yung upa kasi may kamahalan." Sabi ni Jongdae. Nang makapasok kami sa loob, nanlaki yung mga mata namin ni Sehun nang makita namin kung sino yung asawa niya.
YOU ARE READING
the billionaire's darling • chanbaek
Fanfiction[COMPLETED] This fanfiction contains matured content. • MPREG • CHANBAEK - SEBAEK • LANGUAGE: FILIPINO • IF YOU ARE LOOKING FOR AN ENGLISH VERSION KINDLY CHECK MY WORKS THANKS! ● BOYS LOVE / BXB / YAOI / R18 BC: THKRSTN/firelightus