Chapter 18: Surprise
--
"At bakit hindi ka umuwi?" Agad na tanong ni Minseok.
"Buntis kana no?!" Nakapamewang na sigaw ni Jongdae.
Napangisi si Baekhyun at agad na napaupo sa sofa. Agad namang tumabi si Minseok at Jongdae sakaniya. Malamang, chismis.
"Anong nangyari?" Tanong ni Minseok.
"Mag kwento ka dali!" ani ni Jongdae. Napairap si Baekhyun at bahagyang natawa.
"Mga reporter ba kayo? sorry ah, may bayad kasi Talent Fee ko---Erey!" Napasigaw si Baekhyun nag bigla siyang tapikin ni Jongdae. "ANO NGANG NANGYARI!?" Sigaw ni Jongdae at napatakip ng tenga si Baekhyun.
"Secret walang clue, tae mo kulay blue." Pang aasar ni Baekhyun. Napangisi si Minseok dahil kulang na lang mag lumpasay si Jongdae.
"Nga pala, si Sehun?" Pagiiba ng topic ni Baekhyun at napatahimik ang dalawa. "Si Sehun?" Ani ni Minseok. "Ah...Si Sehun-"
"NAGLAYAS NA! NAG PUNTA SA MALAYO KASI AYAW NIYA NA SAYO!" Bulyaw ni Jongdae, napabuntong hininga si Baekhyun. Halos mapatayo siya nang biglang namatay ang ilaw at napatingin siya sa may pintuan.
Nakita niya si Sehun na may dala-dalang cake. Nang bumukas ang ilaw napangisi si Minseok at Jongdae. Habang si Sehun naman ay nakatingin kay Baekhyun. Agad na tumayo si Baekhyun at lumapit kay Sehun.
"Happy Birthday...Baekhyun." Halos maiyak si Baekhyun dahil siya mismo ay hindi maalala na Birthday niya ngayon. Ngumiti siya kay Sehun, Jongdae at Minseok.
"Sana...matagpuan na ni Sehun yung para sakaniya..." Wish ni Baekhyun at sabay hipan sa kandila. Pumalakpak naman si Minseok at Jongdae, nang mailapag ni Sehun ang cake ay agad siyang niyakap ni Baekhyun. Isang yakap na sobrang higpit.
"S-Sehun...sorry..." Isang hikbi ang narinig ni Sehun habang yakap yakap siya ni Baekhyun, "Sorry kung hindi man lang ako nakapag sabi sayo." Umiiyak na sabi ni Baekhyun habang yakap yakap niya si Sehun.
"Sorry...kung nasasaktan kita..." Narandaman ni Baekhyun na niyakap siya ni Sehun pabalik.
"Hyung..." Hinawakan ni Sehun ang mukha ni Baekhyun at dahan dahang napangiti habang pinagmamasdan ang mukha ni Baekhyun, para kay Sehun maganda pa rin si Baekhyun kahit na umiiyak.
"I'm sorry for causing you trouble...You know I love you, right? and It's hard for me to see you with Chanyeol but I want you...to be happy, and I also know that everything will be fine...Just...let me love you until I get tired of chasing you." Baekhyun burst out of crying and Sehun just hugged him with a smile.
YOU ARE READING
the billionaire's darling • chanbaek
Fanfiction[COMPLETED] This fanfiction contains matured content. • MPREG • CHANBAEK - SEBAEK • LANGUAGE: FILIPINO • IF YOU ARE LOOKING FOR AN ENGLISH VERSION KINDLY CHECK MY WORKS THANKS! ● BOYS LOVE / BXB / YAOI / R18 BC: THKRSTN/firelightus