#22

668 32 5
                                    

Chapter Twenty Two: Someday




LUHAN







"Doctor Lu!" 





Halos mag dadalawang linggo na kong nagtatrabaho dito sa hospital, nakahanap na rin ako ng bahay. Malapit lang din sa tinitirahan nila Jongdae, tutal malapit na rin naman manganak si Minseok naghahanda na rin kami. Sensitive mag buntis si Minseok, lalo na kasali siya sa mga lalaki na pwede manganak. 





Matagal na kaming magkakilala ni Minseok, bukod sa parehas na may business yung pamilya namin. Nagkakilala kami sa China noong mga bata pa kami. Magbusiness partner yung Dad ni Minseok at ang Dad ko. Kaya naging magkaibigan na rin kami. 





"Doctor Lu! Hello? Naririnig mo ba ko?"
Napatingin ako sa isang doctor na matagal na dito. Senior ko siya actually. "Ah ano yun Dr. Xiao Tong?" Natawa siya, siya nga pala si Dr. Xiao. Galing din siyang China. Kilala niya ako pero siya hindi ko kilala. Nakita niya na ako sa isang seminar sa Guangzhou. Hindi ko siya maalala pero, siya parang kilalang kilala niya na ko. 





"Tulala ka nanaman ha! Nga pala, hindi ba si Park Chanyeol yun?" Turo niya sa isang lalaki na may kausap na Doctor. "Sinong Park Chanyeol?" Tanong ko. Wala akong alam dito sa Seoul, hindi rin ako masyadong mahilig sa Social and such. "Duh, hindi mo kilala? Park Chanyeol! Korea's number one billionaire! May ari ng Park Corp!" Nanlaki ang mata ko at tinignan ulit yung lalaki. 





"Ganun? Anong ginagawa niya dito?" Walang kwentang tanong ko, natawa si Xiao Tong. "Anong ginagawa ng billionare dito? Baka naman nag pa-check up? Pero isipin mo baka nga may personal doctor yan no? Pero hindi rin natin alam." Natatawang sabi niya. Hanggang sa tumunog ang beeper ko. Agad kong kinuha ang gamit ko  at pumunta sa pasyente ko. 






Habang papunta ako sa kwarto ng pasyente ko may nakabangga akong lalaki. "NO RUNNING IN THE HALLWAY-Sehun?" Napakunot yung noo ko nang makita ko siyang nakayuko, pero may luha yung mga pisngi.






"Sehun? Anong nangyari?" Lumapit ako sakaniya pero aalis na sana siya nang bigla kong hawakan yung braso niya. Bakit ko ba ginawa yun?   

the billionaire's darling • chanbaekWhere stories live. Discover now