PROLOUGE-INTRO
THE STRANGER TURNS OUT TO BE MY FIANCEE?!
PROPERTY OF @IAMSUPERAA/ADA
ALL RIGHTS RESERVED 2012-?
KRIS' SIDE STORY
May mga pagkakataong ang mga taong di natin inaasahan na may pakialam sa atin ay yung mga tao pang tunay at totoo ang pagmamahal saten.
Sa mga pagkakataong walang-wala tayo, sila yung nandyan para dumamay at tulungan ka sa mga problema mo.
Dahil sila ang nandyan, di mo mapipigilan ang bugso ng damdamin mo, mahuhulog ka at iibig sa taong yon.
Pero mahirap, dahil sa taong yon, di mo alam kung yung pag-aarugang ibinibigay nya sayo ay dahil gusto nya at mahal ka nya, o ginagawa nya lang yon dahil yun ang responsibilidad na di nya maaaring iwasan.
****************************************************
"Ano?! Anong engaged tayo?! Diba sa mayaman lang yun? Ni hindi nga ako mayaman, eh. Tapos engaged pa banat mo?! Wag mo kong gawing tanga!" Sa sobrang inis ko eh lumapit ako at sinampal ko sya. Tong lalaking to. Oo nga Gwapo ka pero it doesn't mean na bibigay ako dyan sa pakulo mo! Andami kong sinakripisyo para lang mahanap ka tas ayan ang isasalubong mo saken? Kahit pa na sabihin nyang nagjo-joke lang sya, eh aba! Hindi nakakatuwa yung Joke nya no!
"Kung ayaw mong maniwala, eto. Basahin mo." Sabi netong gwapong nilalang sa harap ko, may inabot sya saking papel tas hinahaplos-haplos nya yung pisngi nya na sinampal ko. Kinuha ko yung sulat at binasa ko. Galing sya sa Papa ko.
Krisanto Fuentes,
Alam kong kalabisan na tong hihilingin ko, pero alam kong malapit na kong mawala at hindi ko alam kung anong maaaring mangyari sa anak ko sa oras na wala na ko. Kung pede sana ay ikaw ang mag-alaga sa kanya, at kung maaari din ay magpakasal kayo. Di kita pinipilit, na sayo pa rin ang desisyon. Pero alang-alang sa kinabukasan ng anak ko, sana'y tuparin mo ang huling kahilingan kong ito. Tatanawin ko itong malaking utang na loob, babayaran na lamang kita sa kabilang buhay.
Juliano Javier
PAPA, ANOOOOOONG GINAWA MOOOOOOOO?!
************************************************************
Eto na ang aking second story here sa wattpad~! Sana supportahan nyo din.
I hope you'll add my story to your reading list; please Vote, Comment and Become a Fan!
YOU. YES, YOU! YOU'RE THE BEST! ~ <3
BINABASA MO ANG
The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]
Teen FictionAnong gagawin mo kung isang araw ay mauulila ka at malalaman mo nalang na ipinagkasundo ka ng Tatay mo sa di mo kilalang lalaki? At hindi lang sya basta bastang lalaki, isa syang gangster! Sundan ang storya ni Monique habang nadidiskubre nya ang iba...