CHAPTER 17

6 0 0
                                        

Makalipas ang iilang saglit, nang tumigil na ang ulan ay kinuha na nga namin ang gamit namin at naglakad na kami pauwi. Naglakad kaming apat na nakangiti. Nakangiti kami siguro dahil sa naging masaya kaming apat kanina. 

Kahit na mukha man kaming parang mga bata na naliligo sa ulan, tingin ko ay isa yun sa magiging memorable sa amin. Pagpasok namin sa apartment ng kaibigan ni Rino na si Carlos at ang asawa niyang si Hiraya, napansin namin na medyo maayos-ayos at maluwag naman ang loob. 

Sabi ni Rino, "Sabi ni Carlos sa akin na may dalawang kwarto daw sila. Ang isa ay double bed ang kama, pero ang isa naman ay pang-single lang. Dalawa ang banyo nila, isa sa mismong kwarto nila at ang isa naman ay..." 

Luminga-linga si Rino, at pagkatapos niyang luminga, itinuro niya ang isang pinto na malapit sa may banyo. Sabi niya, "Doon, may isa pang banyo doon." Napatango naman kami sa sinabi ni Rino. 

Sabi ni Rino, "Mabuti nalang at medyo malaki ang apartment nina Carlos, kaya panigurado naman na kasya tayo at nandito ang mga kailangan natin para sa ngayong gabi." 

Sabi ni Cleo, "Oo nga, pero mabuti na nga lang at mabait sila at pumayag sila na makistay muna tayo kahit ngayong gabi lang. Kung hindi lang din kasi fully booked ang hotel na pinag-stay-an nila at kung hindi nga lang tayo hanggang isang gabi mag-stay ay baka kahit papaano ay doon tayo mag-stay." 

Napatango na lang kami bilang pagsang-ayon kay Cleo dahil halos lahat na rin kami ay halos antok at pagod na. Medyo gabi-gabi na nga rin kaya halos lahat na rin kami ay gusto na makapagpahinga. Sabi ni Cleo, "So, tabi kami uli ni Sophie ah, kaya..." 

Kiniss ni Cleo si Rino sa pisngi, at pagkiss niya kay Rino ay ang sabi ni Cleo, "Mauna na kami ni Sophie na pumasok ng kwarto para maligo at makapagpahinga." Nginitian siya ni Rino at ang sabi ni Rino kay Cleo, "Okay, sa may kaliwa yung double bed kaya doon nalang kayong dalawa ni Sophie." Tumango si Cleo at nginitian niya si Rino, sabi niya, "Okay, good night, good night sa inyo ni Gian."

 Sabi ni Rino, "Good night din, good night din sayo Sophie." 

Nginitian ni Sophie si Rino at nagsulat at binasa naman namin yun: "Good night din, at good night din sayo Gian." 

Pagbasa ko yun at pagbasa ni Rino sa pangalan ko, napatingin siya sa akin at napangiti. Nanatili lang akong nakatingin kay Sophie. Nang hindi ko na namalayan na nanatili lang akong nakatingin kay Sophie, tinapik ako ni Rino. 

Sabi niya pagtapik niya sa akin, "Uy, good night daw sabi ni Sophie." Nang mapansin ko naman na nanatili lang akong nakatingin kay Sophie, sabi ko, "A-ah, s-sorry, good night din, good night din sa inyo." Napahawak na lang ako sa batok ko at napangiti dahil sa hiya pagkasabi ko nun kay Sophie. 

Napangiti na lang sa akin si Sophie pagkatapos nun, kaya pagpasok naman nila sa loob, napaupo na lang muna ako sa may sofa. Pag-upo ko doon, nanatili akong tahimik. Sabi ko sa isip ko, "Okay ka lang ba Gian? Bakit hindi ka agad nakapagsalita kay Sophie kanina?" 

Maya-maya pa, habang nanatili lang akong tahimik, nakaupo at napapaisip, lumapit sa akin si Rino at nag-abot ng tuwalya. Sabi niya, "Brad, towel mo oh, nagpaalam naman na ako kina Carlos tungkol sa gagamitin natin kaya ito oh, hiramin mo muna para sa pagligo mo." Narinig ko ang sinabi ni Rino pero hindi ako lumilingon sa kanya at nanatili lang akong natutulala sa isang direksyon. 

Sabi ni Rino, "Brad? Gian? Okay ka lang?" Tinapik niya uli ako, at pagtapik niya sa akin, tsaka lang ako natigil sa pagkatulala. Paglingon ko kay Rino, sabi ko, "A-h, huh?" 

Sabi ni Rino, "Towel mo." Napatingin ako sa pagkakaabot niya ng towel sa akin, at pagtingin ko doon ay agad ko naman itong inabot. Sabi ko, "Thank you." 

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now