Black's POV
Hinila ng tatlong babae si Xiena sa isang gilid kung saan walang masyadong tao at nadaan.
"Well, well, well. Who do we have here?" napalingon ito sa nagsalita, ito siguro ang lider. Nagtataka s'ya kung bakit at anong dahilan ng paghila sa kaniya dito. Ngunit sa halip na ipakita ang emosyon na iyon, naging blangko ang mga mata n'ya. Napaka-lamig.
Marahas n'yang binawi ang braso n'ya mula sa pagkakahawak ng dalawa pang kasamahan nito. Isa-isa n'yang tinignan ito, dumaan ang takot sa sistema nila ng makita ang mga mata nito, na dagli ring nawala.
"A-anong tinitingin-tingin mo d'yan?!" nais na matawa ni Xiena dahil sa gawi nitong pilit na itinatago ang takot. Tss.
"Epal kayo?" at tinitigan n'ya ang nasa gitna, na obviously ang lider sa kanila. Napansin n'yang s'ya kasi ang sinusunod ng kasama n'ya pa.
"What did you say?!" matinis na sigaw nito't kaya ang sakit sa tenga. Kinulukot ni Xiena ang tenga n'ya dahil sa irita.
"Mga bingi."
"Sinong bingi?!" 'Stupid.' tanging salitang nasabi n'ya sa utak n'ya. Napa-irap na lamang s'ya sa mga babaeng nasa harapan n'ya.
"Ayusin mo 'yang mata mo kung 'di dudukutin ko 'yan." pagbabanta nito sa kaniya at doon na siya tuluyang natawa.
"You sure you can?" pang-aasar n'ya at tagumpay naman. Dahil yung mga mukha nila ay parang nilukot na tuwid na papel.
"Watch your mouth."
"Tanga, mukha bang kaya kong tignan ang bibig ko? Try mo."
"Stupid."
"Maka-stupid, 'di ako salamin."
Akmang sasampalin s'ya nito ng sanggain at hawakan n'ya ang kamay nito, "Sasampalin mo 'ko? Baka pag-sisihan mo. At bago dumapo 'yang madumi mong kamay, ano munang rason kung bakit n'yo ako hinila?" mahinahong wika nito na nagpanginig ng bahagya sa tuhod ng tatlo.
"Bakit ko naman sasabihin?" sigaw ng isa.
"Tanga." hasik naman n'ya. Binatukan naman ng isa yung nagsalitang babae kanina. "Bobo."
"Bakit ikaw hindi ba?!"
"Fucking shit, can you two just shut up!" inis na sabi ng babae sa gitna bago muling tumingin kay Xiena.
"Layuan mo si Aux." diretsong sabi nito kay Xiena na nag-pangisi naman sa kaniya.
"Why would I?"
"Bitch. Ayusin mo sinasabi mo, you don't know me."
"And again, I am not a mirror. Ikaw ang umayos dahil konti nalang papatol na 'ko sayo." seryosong wika nito bago umalis sa harapan nila't pumila na upang magawa ang pinag-uutos ng bwisit n'yang subject.
'Bwisit na buhay.'
Xiena's POV
"Carbonara, Mango Pie, Orange Juice at donut." order ko, aba malay ko ba sa gusto ng lalaking 'yon. Eh wala namang sinabing eksaktong pagkain. Kaya bahala s'ya.
Kinuha ko na ito't inobserbahan ang paligid upang hanapin kung nasaang gawi ba ang gago.
Nang makita ko ay napairap na lamang ako. Tss. What a day. Just fucking great. Bullshit.
Nilapag ko na ang pagkain sa lamesa dahilan ng mapatingin sila sa gawi ko, "Ayan na, Mr. Savero."
"Wait, what?! Ikaw na naman?!" napunta ang atensyon ko sa babaeng sumigaw, and hell yeah. Yung malanding impokrita kanina.
"Kilala mo kapatid ko, Xiena?" mula sa kan'ya napunta naman ang gawi ko kay Raze na nagsalita.
'Di ako makapaniwala, "Kapatid mo yan?" at sabay turo pa sa babaing iyon. Tinanguan n'ya lamang ito ng makaramdam ako ng buhos ng malamig na likido.
Nagitla ako sa lamig. Shit. Naramdamang ko namang akmang lalapit ang mga kasamahan ko na sina Serge ng tignan ko nang masama upang mapatigil sila. At saka ko binaling ang atensyon at ulo ko sa babaing ito. Tinignan ko s'ya ng malamig.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan n'yang hanggang ulo mukhang paa. Wala akong binitawang salita kahit na isa at nakipag-titigan lang sa kaniya. "W-w-what d-do you t-think y-you a-are doing?!" nauutal na hasik nito't umiwas ng tingin. Napa-irap nalang ako't napa-pikit upang pakalmahin ang sarili. Jeez.
Nagmulat ako at tinignan ang gawi ni Aux, na bahagyang nalamon na. Kagaling naman talaga. Tss.
Alam ko na rin namang nakain na s'ya kaya't napagpasyahan ko ng lumayas dito upang pumunta sa palikuran at magbihis. Ngunit bago 'yon, tinitigan ko ulit ang babaing ito ng nagbabanta bago tuluyang umalis.
Aux's POV
Ang ingay nila. Akalain mo 'yon, hakot gulo't away din pala ang babaing ito. And worst, kapatid pa talaga ni Raze.
Kinuha ko na lamang ang pagkaing binili n'ya, sayang naman. 'Di ko alam kung anong tawag sa mga ito pero nilantakan ko nalang.
Naramdaman ko namang umalis na siya at tapos na ang eksena. Napa-buntong hininga na lamang ako sa 'di malamang dahilan.
"Oh my god, Aux? Bakit mo kinakain 'yan? Baka nilagyan ng lason 'yan!" napapikit naman ako, I hate her voice. Too noisy to take. Damn.
'di ko nalang s'ya pinansin at tuluyan sa pagkain ng higitan n'ya ito.
Sa inis napatayo ako't sinamaan s'ya ng tingin. Wala ako sa mood ngayong araw, dadagdag pa ba s'ya. Stupid fucker.
Naramdaman ko namang nagitla silang lahat pero 'di ko na lamang pinansin at sa halip ay pumunta ako sa garden.
Habang naglalakad parang nangangati ako, kaya't napatingin ako sa sarili ko.
The hell?! Namumula ako't namamantal! Shit, may mangga ba ang pinakain sa akin ng babaing 'yun?!
Nagmadali akong pumunta sa isang upuan at naupo't sumandal. Shit, shit, shit. Nanghihina ako.
Ngayon nalang ulit ako nagka-ganito, noong sampung taong gulang ng huli kong maranasan ito. Allergic ako sa Mangga at nagkakaroon ng itchy reaction ang balat ko't nahihirapan akong huminga.
Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa't tatawag sana kay Wage ng hindi nito sagutin. Putangina, naka-silent na naman ang telepono n'on. Bullshit.
Lalo akong nahirapang huminga, pero sinubukan ko paring tawagan ang kay Frethz naman--- kaso naalala kong naiwan nga pala n'ya ang cell phone n'ya. Bwisit.
Tatawagan ko na sana si Raze ng manlabo't mahilo ako at dagdagan mo pa ng hirap na hirap na talaga akong huminga.
Bullshit.
Pero bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, isang bulto ng babae ang nahagip ng mata ko.
"Oh my god? Mr. Savero?"
BINABASA MO ANG
OPPOSITE: We Are Enemy
ActionUp and Down. Right and Left. Love and Hate. Kill and Spare. Totally opposite, is there a chance to make it together? OPPOSITE: We Are Enemy •MAGIC SERIES #3 COMPLETED. ©All Rights Reserved.