Opposite 32: My friend.

72 8 0
                                    

Aux's POV

Nag-aayos ako ng gamit ko at pati na din gamit ni Xienna. Bawalan ko mang pumasok 'yon ngayon at hindi maglaro. Kahit naman unting panahon lang ng nagkakilala kami, alam ko na ang ugali no'n. Well I just know.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng may magsalita, "Hoy, Aux. Nasa unit mo pala ako, wala akong damit so punta muna akong---" pinutol at napa-lingon ako dito. nagulat ako sa suot nitong naka-twalya lang.

Agad kong niyakap ito patalikod upang itago sa mga mata ng gago kong mga kaibigan. Kung maka-tingin ba naman, ang sarap dukutin ng mga mata. Jeez.

Humaba ang usapan hanggang sa umakyat na muli ito sa kwarto ko upang mag-bihis.

Nang mawala ito sa paningin ko, nilingon ko ang mga lalaki sa gilid ko. Sinamaan ng tingin. Nakita ko namang napa-lunok ito, lalo na si Raze. Eh, alam n'yo namang matindi ang mga mata n'yan at babaero.

"Ralax, dude. Mukha ka ng mangangain ng buhay." Diretso pero alam ko namang kinakabahang sabi ni Frethz.

"Hindi ako nangangain, pumapatay ako." at binigyan ko s'ya ng isang seryosong tingin.

"Hehehe, sorry na dude." -Dellio.

"Hindi mo kami masisisi, ang hot kaya---- sabi ko nga titigil na." -Raze.

"Sila Diego din naman eh." -Frethz.

"Aba nanisi pa ang gago." -Diego.

"Kahit pa buong araw 'yong naka-twalya, ok lang. Hanggang tingin lang naman." -Khyler.

" 'saka kung subukan n'yo mang lumapit, sigurado akong wala na kayong hininga." -Serge.

"Pero Aux, aminin. Naka-chansing ka nung yumakap ka." Napalingon naman ako kay Ghionna.

"Oo nga, ano may nabuhay ba?" -Raze.

"Kailan kami magiging Tito at Tita?" -Wage.

"Mga gago. Manahimik kayo. Hawakan ko man 'yon, okay lang. Akin naman talaga s'ya. Kaya subukan n'yo lang. Alam n'yo na mangyayari sa inyo."

"Wewz, possesive si Dude." -Dellio.

"Pwede pa naman siguro namin s'yang ligawan o lapitan 'no? Wala pa namang kayo." -Raze.

Inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at unti-unting humakbang patungo sa kan'ya.

"Oy! Joke lang naman eh!" -Raze.

"Patay ka." -Diego.

"Ihanda na lamang namin ang libingan mo." -Serge.

"Oo nga? Anong magandang kulay?" Frethz.

"Itim na lang, para cool." -Wage.

"Mga walang kwenta. Tulungan n'yo ko mga gago--- Hehehe." Hinawakan ko ang kwelyo nito at tinitigan ng matagal.

"Tss." Kung 'di ko lang kaibigan 'to, kanina ko pa napatay ang mokong na ito.

Binitawan ko na s'ya at umakyat na sa kwarto. Dahil baka naguguluhan na yung babaeng 'yon.

Kumatok ako ng tatlong beses, mahirap na at baka may makita ako. Ehem.

Walang sumagot, kaya kumatok muli ako. At wala pa ding tumutugon. Pumasok na ako at inobserba ang paligid.

Wala ito, kaya nagtungo ako sa damitan ko at napansing bukas ang lagusan ko.

Nanlaki ang mata ko at agad na nag-tungo doon. Napa-hinto din ng makita ko si Xienna na naka-talikod lang at walang ginagawang anumang kilos o ingay.

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon