Xienna's POV
Tamad akong naka-sandal sa kina-uupan ko, Aish.
Kaming lima. Ghionna, Serge, Khyler, Diego and I.
Kami ang naka-duty sa booth namin ngayon. Kami na ang nauna dahil totoong armas ang gagamitin namin ngayon.
Bukas naman ang mag-hahandle ay ang iba. And kami ay free time ng magliwaliw.
Narinig ko naman ang pito nila at senyales na magsisimula na ang opening booth.
Pataasan kami ng listahan ng mga taong pumasok o nag-try ng booth sa bawat section.
Si Diego ang incharge sa patikim na pag-tapon ng mga patalim. Si Ghionna naman ang pangalawa. Pataas ng pataas lang. At ako naman ang nasa pinaka dulo ng stage. Which means, may mapag-lalaruan ako. Sounds fun!
"First player, Eduard Sentille." sabat naman ni Jerome sa mga ear piece namin. Kaya alam namin kung sino at kung nasaan na ba ang player.
"Dagger ang panangga. First stage, he's on!"
This man, ano namang naiisip nito at pumunta dito? Ang alam ko madami ang naka-pila sa labas at nag-hihintay na magsimula na kami. So, s'ya ang nauna. Ibig sabihin kanina pa s'ya? Ay waw, 'di sumuport sa booth nila.
"Xienna, last stage na s'ya. Mahusay pala itong kaibigan mo." -Kuya Serge.
Hindi na ako nag-salita at hinihintay na mahagip s'ya ng camera ko at para mapakawalan ko ang mga patalim.
Ngayon ko pa lang makikita kung paano s'ya gumalaw, so let's see kung paano ka gumalaw. Alam ko namang ninja 'yan at kabilang doon sa mga tinakasan ko dati. Pero ang hindi ko alam ay kung bakit n'ya ako tinulungan.
Pero, tapos na naman 'yon.
Nakita ko na s'ya at pina-ulanan ko agad s'ya ng mga shurikens. 'di na 'ko mag-iingat sa kan'ya. Sanay na naman 'yan, magkasugat siya kung magkakasugat. Basic.
Nakita ko namang napa-mura ito ng madaplisan ko sa braso.
"Milady? Ikaw 'yan 'no? Ikaw lang ang nakaka-daplis sa akin." narinig ko ang mga sinasabi n'ya habang umiiwas ito.
Hindi ako sumagot dahil hindi din naman n'ya maririnig. Baliwala lang. Ngumisi lang ako ng ngumisi.
Ang sunod kong ipinaulan ay ang dagger. Mas naging maliksi ito at alerto. Alam n'yang hindi na laro ang ginagawa ko, alam n'yang sinasadya ko na. Magaling, E.
Sunod naman ang mga kahoy na naka-harang sa dinadaanan n'ya. Kailangan n'ya itong lagpasan.
Pinag-sisisipa n'ya lamang ito at nakarating na s'ya sa huli kong patibong. Ang halos dikit na dikit ang mga bakal na kakasya lamang ang isang tao. Kapag dumikit s'ya ay makukuryente. May naka-lagay naman na instruction. Pero dahil nasa ibang level ang galing n'ya, he figure it out easily.
"Success." -Cleo. Tinignan ko ang camera sa labas at nakita ko namang ang haba talaga ng pila at nagulat sila at nagtataka siguro kung anong nangyari sa braso ni E.
Curiosity will hunt them. Come on, play with us.
"Bakit may sugat 'yon?!" -Ghionna.
"Akala ko ba walang masasaktan?!" -Diego.
"Anong ginawa mo, bunso?" -Kuya Serge.
"Relax, ang ingay n'yo. Don't worry about him. He's fine."
"Second player, Aux Savero."
Huh? Anong ginagawa ng mga 'yan dito? Nang marinig ko ang pangalan ng lalaking 'yon. Tumingin ulit ako sa camera sa entrance. Aba ang mga gago, sunod-sunod sa pila.
Section A sila pero nasa section B na booth? Mahuhusay na bata.
Tuloy tuloy na ang pagpapatuloy namin. Bali kapag natapos na ang isa sa isang stage may bagong papasok na para continious na at mabilis.
Nakarating na sa'kin si Aux. Ganoon din ang ginawa ko, bahala silang masugatan d'yan.
May daplis din ito sa braso at napa-ngisi na naman ako.
"My lady, dito ka pala naka-assign. Nice idea, by the way." umiiwas ito sa mga pina-ulan ko. Nakalampas na ito at tuluyan ng natapos. Sumunod naman si Wage.
Nakita kong may sugat na agad ito, nako nako. Si Ghionna talaga, gigil na gigil eh. Napag-hahalataan.
I take easy on them na, sinigurado kong wala ng matatamaan ng mga patalim at ang haharapin nalang nila ay ang bakal na may kuryente.
Natapos ang araw ng may nasa higit na dalawang daang lumahok sa booth namin. Tumayo na ako at pinatay na ang mga machine na kumokontrol sa pag-labas ng mga patalim.
Nag-unat pa 'ko dahil nangangalay ako kaka-upo. Sa wakas!
(Fast forward po tayo sa ikalawang araw ng foundation day.)
"Oy! Doon tayo sa booth nila panget!" -Ghionna.
"Sounds great!" -Diego.
"Alin 'yong booth?" -Ghionna.
"Hindi 'yong panget." -Diego.
Tumawa naman sila at nag-apir pa. Mga kalokohan talaga eh.
"Ano kayang booth nila?" -Kuya Serge.
"Pero 'yong atin, woah! Xienna, success ang idea mo!" -Khyler.
Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanila at nag-simula ng mag-lakad patungo sa tinutukoy nila.
Daldalan lamang sila, at ang kalat at punong puno ng studyante ang bawat sulok ng paaralan. Pero syempre, madami ang naka-pila sa booth namin.
Nakarating na kami at mukhang horror booth ang kanila. "Boring."
"Parang hindi naman. Tara pasok tayo dali!" -Ghionna.
"Siguraduhin mo munang 'di ka sisigaw." -Khyler.
"Oo na, 'di ako sisigaw. I swear." -Ghionna.
"Ulol. Asa."
"Yah! Dali na kasi! Syempre dapat may sigaw sigaw din para support sa kanila na kunyari nakakatakot talaga. Ganoon lang 'yon. Pinuri nila atin, so ganoon din tayo. Give and take." -Ghionna.
"Give and take, give and take ka d'yan. Eh, bakit hindi nalang ikaw ang pumasok d'yan mag-isa?" -Kuya Serge.
Nakita ko namang nangunot ang noo ni Ghionna at bahagyang nanginig pa 'ata.
"Ayoko nga! Eh bakit ba ayaw n'yong pumasok? Takot kayo 'no? Ano? Weakkkkkk!" -Ghionna.
"Tara na, mag-babangayan na naman kayo d'yan. Nakakarindi."
At 'yon na nga, pumasok na kami.
Sa loob ay sobrang spooky at creepy. Pero, walang talab sa akin. Kinda like the design, parang gusto ko tuloy i-design sa kwarto ko. Cool!
Nang humakbang kami ay palakas ng palakas ang tunog na parang ewan. Kumakanta eh wala naman sa tono.
Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Diego, kaya naman napa-tingin ako sa gawi n'ya at naka-tulog 'yong naka-costume ng multo. Sinuntok ba naman.
Napa-iling nalang ako. Kaya ayokong pumasok kasama sila eh. Mas nakakatakot at nakakagulat pa ang mga boses nila eh!
Napa-takip na lang ako sa tenga at nag-lakad. Bahagya pa akong nauuna sa kanila. Ang babagal.
Naramdaman ko namang may bumubulong sa tenga ko, "I will kill you, I will hunt you, I will eat you~"
Sa inis ko ay nahampas ko ito at napa-lakas 'ata. Opps! My bad. Nakakarindi na kasi ang boses ng mga kasama ko tapos sasali pa s'ya.
"Putangina, ang sakit pakinggan ng boses mo."
BINABASA MO ANG
OPPOSITE: We Are Enemy
ActionUp and Down. Right and Left. Love and Hate. Kill and Spare. Totally opposite, is there a chance to make it together? OPPOSITE: We Are Enemy •MAGIC SERIES #3 COMPLETED. ©All Rights Reserved.