Aux's POV
"...Happiest 25th anniversary sa unibersidad natin! Let the fun begins! Enjoy, students." Panapos salita ng principal. Tapos na ang opening ceremony.
Dito sa gym nagtipon-tipon ang lahat ng studyante dito at sa makakalaban naming kapatid ng paaralang ito pero kaaway sa mga larangan. May distansya sa bawat isa, tila may isang linya na pilit na pinaghihiwalay kami. Sa kanan kami at sa kaliwa sila. Itim ang color coding namin at ang sa kabila naman ay puti.
Dilim at Liwanag. Iniisip n'yo bang matatalo kami dahil sa amin ang dilim at sa kanila ang liwanag?
Nah-ah-ah.
Hindi lahat ng liwanag nag-wawagi, pantay lamang ang lakas at kakayahan. Nasa sa iyo na 'yon kung mananalo o matatalo. Depende sa inilaan na oras upang mag-sanay o sa likas na kakayahang mayroon ka. Without darkness, the star will never able to show itself. Vise versa.
Tumungo na kami sa bandang unahan upang puntahan sila Xienna at Ghionna. Hiwalay ang lalaki at babae. sa unahan sila sa likod kami.
Naka-salubong naman namin si Ghionna at nangunot ang noo ko nang hindi matagpuan ng mata ko ang tunay na hinahanap nito. "Where's Xienna?"
"Bakit? Miss mo na, dude?" sinamaan ko naman ng tingin si Raze ng pabiro ako nitong sikuhin.
"Hindi mo pa alam, Aux?" Tanong naman ni Ghionna, "Hindi sinabi sa inyo nila Diego? Khyler?"
"Oy, 'wag mo 'ko samaan ng tingin. Sinabi ko, sadyang 'di lang nakikinig 'yan." Khyler.
Akala ko kasi nag-dadaldalan lang sila kanina, at knowing me. I don't pay attention.
"Sabihin n'yo na lang. Nasaan s'ya?"
"Maglalaro ng Archery." Diego.
"Maglalaro? her sport is chess. At bakit naman?" Lalo pang kumunot ang noo ko.
"That girl, the head of Archery named Shendy. She asked Xienna if she can play the role of sick member of hers. They needed to be completed para makalaro." Serge.
Tumango- tango na lamang ako. Bakit kailangang si Xienna pa? Sa dinami-dami ng pwedeng lumaro at gumamit ng archer. May binabalak ba si Shendy? Kung may masama mang mangyari sa lady ko, wala akong sasantuhin sa kahit na sino. Babae man o lalaki, kung magpapakumbaba ako sa isang babae. Nasaan ang equality diba? Kaya same same lang.
Sabay ang laro namin sa kanila, so hindi n'ya ako mapapanood? Ang daya.
Hmp!
"Tara na, Savero. Kung matatapos tayo ng maaga maaari pa tayong pumunta sa Archery." Lumingon naman ako upang makita ito, Sentille.
"Alam mo, Eduard?" Ghionna.
"Nasa akin ang lahat ng list, so." Sentille.
"Tss." Nauna na ako sa Firing room at doon gaganapin ang laro namin. Kung saan ang practice room ng bawat sport, doon din gaganapin ang laro.
Inip naman akong pinaglalaruan ang patalim sa kamay ko, ito ang lagi kong dala. Kanina pa kasi kami naka-tipon dito pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakakapag-simula.
Imbes na nagpuputukan na at mapabilis ay nakatunganga kami ditong naka-upo. Sampung minuto. Sampung minuto pa, aalis na ako dito pupunta ako sa Archery. I don't want wasting my freakin' time.
"Hello? Firing are canceled for now, we'll continue tommorow. Ang mga gagamiting baril ay kasalukuyang tinetest pa, may nakuhaan kasi kaming isa na nung ginamit ay bumaliktad ang bala. So, you may take your break." Sambit nung isang nag-hahandler sa amin.
Bumaliktad ang bala? Tanga 'ata ang gumamit. Imposible namang bumaliktad ang bala kung gagamitin mo ito ng maayos. Anong baril ba ang gagamitin namin? Hindi kaya 'yong baril na rare at iilan lamang ang maalam gumamit? Tss.
Hindi na lamang pa ako nag-salita sa kanila. Mas mabuti narin 'yon para maka-punta ako sa laro ni Xienna.
Nang maka-punta naman ako ay nag-sisimula pa lamang ang laban.
Mayroong anim na participant ang bawat team, maglalaban laban iyon. At tutungo ang mananalo sa susunod na level. Ang matitirang dalawa sa bawat participant nang paaralan ay ang lalaban sa kabilang paaralan. Ganoon lang.
Nandirito ako sa may bandang likod na nakatayo pero kitang kita ang buong laban.
Napangiti naman ako ng walang kahirap-hirap na ipinanalo ni Xienna ang laban. Ngayon ay ang natitira na lamang ay dalawa---
Kasama n'ya si... Si Shendy.
Xienna's POV
Elimination round, kaming dalawa na lamang ni Shendy ang maglalaban upang mapag-desisyonan kung sino ba ang lalaban sa kabilang unibersidad at malaman kung sino ang nag-tagumpay.
Simula pa ng magtungo ako dito, ramdam ko ang mga tingin ng lahat at nagtataka kung ano ang ginagawa ko at may hawak akong archer.
Pumwesto na kami, at nag-katinginan kaming dalawa. Nakita ko naman ang pag-ngisi nito bago naunang mag-pakawala ng isang palaso, 10 points.
"Hindi ako nag-kamali ng kinuha, you are really this good." Hindi ko ito binigyan ng tingin at saka humugot ng isang palaso at ini-aim na ang target.
"Don't try hard, okay na ang ginawa mo. So, pwede ka ng mag-patalo." Napa-ngisi din naman ako sa iwinika nito at saka pinakawala ang palaso, perfect 10. Bull's eye, rinig ko naman ang pag-sigaw nila sa pangalan ko.
"Are you feeling threaten now?" At 'saka ako napatingin sa gawi nito.
"What did you say?" Kunot ang noo nito at hindi makapaniwala sa narinig.
Habang nakuha ito ng palaso, "Sigurado naman akong hindi ka bingi."
"Ako? Mate-threaten sa'yo? Not in a times, this is not your game. It's mine and ako lang dapat ang manalo. So better back off, Xienna Vigre."
Nag-pakawala na ito ng palaso, 9 points. Lalo akong napa-ngisi, kinakabahan s'ya sa presensya ko. Ako naman ang humugot ng isang palaso at nag-aim ng target. "That's bad. Are you sure that you are not? Simula ng tumuntong at naisali ako sa labanang ito, this is my game. Hindi ko 'ata nasabi sa iyo na once I started it, i will definitely finish it." Bull's eye.
Sa round na ito, tatlong stages lamang ang magaganap. At ngayon na ang last. Napa-lingon ako dito at katulad nga ng inaasahan, masama ang pinupukaw ng tingin nito. Ngayong nakikilala ko na ang tunay na ugali n'ya, she's unbelievable. Sanay s'yang lahat ng gusto n'ya ay nakukuha n'ya, sanay s'yang kaya n'yang manipulahin ang mga bagay na naka-palibot sa kan'ya. But, that's too bad. 'di ako ganoon at nagkamali s'ya ng nilapitan at subukang kontrolin. Kindness is not always true, it may be that strong in the outside. But, in the inside there are too much complaining about a shit.
Pumikit ito bago magpakawala ng isang palaso. Bull's eye naman ang nagawa n'ya. Nag-hiyawan ang paligid at humarap ito sa akin. Ngumisi ito. "Huwag kang masyadong mabilis, 'di pa tapos ang laban. Lamang ako ng isang puntos. Magdasal ka na lang na pumalya ako." Ngumisi ako at nag-pakawala ng isang palaso habang naka-tingin sa kan'ya. Nakita ko naman ang gulat, mangha, inggit at galit nito.
"Too bad, pabor 'ata sa akin ang lahat."
BINABASA MO ANG
OPPOSITE: We Are Enemy
ActionUp and Down. Right and Left. Love and Hate. Kill and Spare. Totally opposite, is there a chance to make it together? OPPOSITE: We Are Enemy •MAGIC SERIES #3 COMPLETED. ©All Rights Reserved.