Aux's POV
Napa-iling na lamang ako ng bumabalik sa aking isipan ang mga senaryo ng kahapon, ang kwentuhan at kulitan ng dalawang grupo. Ang The Brute at ang The Guardians. 'Di 'yan joke, 'wag kayo tumawa. Syempre Joke lang, alam ko namang 'di kayo tumawa.
Sandali nga, pati ako naguguluhan. Ang gwapo ko kasi, pa'no ba 'yan.
Oh kapit ng mabuti baka matangay kayo. -_-
Napa-isip naman ako kung sakaling malaman na nila kung sino talaga ako ay magaganap pa ba ang ganitong kulitan?
Tanong na nabubuo sa ating isipan pero 'di malaman ang kasagutan.
May mga bagay kasi talaga na kailangang mag-pakita ng ilang kataga at ikaw na mismo ang tutuloy sa pagsusulat. Confusing? Then find out.
'di naman 'yan kusang lalapit sa iyo at mag papaalam. Move and do something. That is a must.
Nandirito kaming lima sa cafeteria at nalamon na ng mga makakain.
Pero kanina pa ako kinukutuban. Kinukutuban sa kung ano bang nangyayari sa ngayon. Parang-- basta ayun. I know this feeling of mine. It's kinda serious and dangerous? Well, maybe yes and maybe not.
"Namumula ka pa ba, Aux?" biglang tanong naman ni Dellio kaya't napatingin ako sa gawi nito at umiling.
"Yieh, concern ka? Dude?" pilyong saad ni Raze. Kahit kailan talaga eh. Tss.
"Gago."
"Gago too, Yiehhh."
"Para kang tanga, Raze."
"Ice lang, basta sayo natatanga. Enebe."
"Yikes. Kilabutan ka nga!"
"'di ka naman multo maliban nalang kung ghostingin mo ako."
"Ulol. Putangina. Tumigil ka nga."
"Kiss muna?"
"Kiss? Kisskissin ko kamao ko sa labi mo?"
"Hmmp. Inaaway mo ako. 'Di tayo bati."
"Geh lang."
"Dellioooooooooooo!" napa-iling na naman ako sa kulitan ng dalawang mongoloids.
"Bak---"
*Loud door destroyed sounds.*
Napatigil at napa-tingin kami sa gawi noon. Maingay ang paligid, puno ng sigawan at tilian.
Ilang armadong mga lalaki ang pumasok, madami. May mga armas, patalim at baril.
'Bullshit. Sabi ko na.'
"Are they the one's who we beat at the Yground?" bulong ni Wage sa amin na tinanguan ko nalamang.
Tss. Kung kailan gusto ko ng kapayapaan 'saka sila susugod at manggugulo. Really? Nice. Hell.
Ilang sandali pa ay tumahimik na ang paligid na parang mga pipi at tanging paghinga na lamang ang iyong maririnig, tunog ng orasan at mahihinang hikbi.
Maya-maya pa ay biglang pumasok na sa pinto ang lima naming bantay. Parang right timing naman sila. Pwedeng gawin namin itong test upang matantya ang kanilang mga lakas at kakayahan.
Sa oras ng kanilang pagpasok ay nagmasid sila na tila alam na at expected na ito ang mangyayari, pero wala silang hinto o saglit na tigil man lang sa lakad patungo sa aming lima.
I shrugged at umupo na ulit. Napatayo kasi kami kanina.
Kumain na lamang ako ng kumain and i guess ganoon din ang ginawa nilang apat.
Ramdam ko naman ang pag-iling nila sa amin, na hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin.
"Well, well, well." Sabat ng isa sa mga kalaban na kala mo naman ay miybro ng mafia para magdala ng ganitong karami ng tauhan. Mga duwag.
"Parang mas bagay ang 'Hell, hell, hell?' kuya." wika naman ni Xiena.
"Bakit? natatakot ka na ba?"
"Nah, I mean. Baka kawawa kayo, we are known for making hell."
"Ganda mo, bata. Pero 'wag ka na lang epal at hindi naman kayo ang pakay namin."
"Tinatanong?" sabat naman ni Khyler.
"Tumahimik kayo at tumabi bago ko pa iputok ang baril na hawak ko." pananakot nito pero wala lang sa kanila iyon.
Sabagay, Words are nothing without actions. One point, guardians.
" 'wag puro salita, Kuya." saad naman ni Ghionna. Hmm. Parang movie marathon kaming lima. Nakain habang nanonood. Cool.
Nakita ko namang sumenyas ito sa nga kasamahan na sugudin sila.
Hindi halata sa kanilang lima na na-alerto sila. Dahil kung isang ordinaryong tao ka lang, 'di mo mapapansin ang tahimik na galaw nila. Napaka-linis at parang banta na walang sino man ang dudumi.
Isang grupo ang sumugod, mga sampung miyembro. Wala itong anumang armas at naka-ngising naka-tingin sa gawi nila Serge.
"That smirk, be careful." nag-aayos sa kwelyo si Diego habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Are not you trained na hindi dapat minamaliit ang kalaban lalo na't hindi lubusan na kilala?" naka-ngisi din si Serge sa gawi nila.
"Students are nothing to deal of." sabat naman ng isa sa kabilang grupo.
"Students? Really? Oh come on, daming satsat." nakita ko namang napa-irap si Xienna.
As if on cue, sumugod na ang ilan sa kanila at nauna si Xienna kesa sa lima.
Napatingin naman ako sa ibang studyante na tulala at takot na takot ang ipinupukol ng tingin.
I grab my phone and dial some numbers.
'Yes, Sir?'
"Clean the cafeteria, i don't want any students exepts us here. It can be a very distruction, I'm watching an interesting movie." binaba ko na ang tawag at wala pang kalahating minuto ay nandirito na sila. Tinatakas ang mga studyante.
I smirk. Now, shall we continue? Kinuha ko na ang pagkain ko at nagsimula ng manood muli.
Not bad. Solid ang mga galawan, may angking kakayahan. May taglay na lakas.
Mabilis lang nila natapos ang sampung tao na nauna, sumugod na din ang iba sa gulat. Pero sa pagkakataong ito ay may dala na silang mga patalim.
"My, my, my. Isn't it a little unfair? Can we use knife as well?" Saad ni Khyler at sabay sabay silang naglabas ng dagger na nagmula sa mga sapatos nila. That was cool, I guess?
Natapos nadin nila iyon, sumugod na ng sabay-sabay ang lahat. Naging mas alerto sila. Sipa doon. Suntok dito. Saksak kahit saan. Marami na ang natalo. They are really something, huh?
Natuon naman ang atensyon ko kay Xienna, dahil nakita ko ang isang tao na may hawak na kutsilyo na sasaksak sa kaniyang likod.
Naramdaman n'ya ito at agad na lumingon, sinangga n'ya 'yon. Pero nadali parin ang damit n'ya sa likod na sanhi ng bahagyang pagpunit ng kan'yang damit.
That perve---- Wait, what?
Parang natigil ang lahat ng mapansin ko ang kaunting pag silip sa likod n'ya. May tattoo. Pero kakaiba ito, alam ko iyon.
Pero 'di ko maalala kung saan ko iyon nakita. Shit, who the hell are you? Xienna?
Why is that tattoo on your back giving me this bullshit feelings?
Anong ibig sabihin no'n?
Buong atensyon ko ay napako sa senaryong nakikita ko ang likod n'ya. Buong isip ko ay naka-sentro sa isang bagay.
(Photo is in the multimedia.)
BINABASA MO ANG
OPPOSITE: We Are Enemy
AksiUp and Down. Right and Left. Love and Hate. Kill and Spare. Totally opposite, is there a chance to make it together? OPPOSITE: We Are Enemy •MAGIC SERIES #3 COMPLETED. ©All Rights Reserved.