Opposite 11: Attack?

113 9 0
                                    

Xiena's POV

Isang madilim na silid, narito ako nakayakap sa sarili't tuhod. Walang anumang ingay ang aking naririnig. Walang ibang bagay ang nakalagay. Tanging ako lang ang nasa isang sulok ng silid na aking kinagisnan.

Oo, alam ko ang silid na ito. Silid na aking pag-aari. Silid na nakakubli ang bawat sikreto sa likod ng aking pagkatao.

Pagkatao na hindi mo gugustuhin pang makilala. Ito ay higit pa sa demonyo.

Ilang sandali pa at biglang may lumabas na salamin sa aking harapan. Napa-ayos ako ng upo sa sahig. Tinitigan ang sarili, I'm worst.

Puro sugat at pasa, ang daming saksak. Pero 'di ko alam kung saan ang pinanggalingan.

Unti-unti kong nilalapit ang kamay ko sa salamin na tila gusto itong damhin at hawakan.

Ngunit sa hindi inaasahan, sa bawat galaw ng galamay ko papalapit sa repleksyon ko ay kasabay din nito ang unti-unting pagwasak ng anyo nito.

Huling galaw upang mahawakan at nagtagumpay, kasabay nito ang tuluyang pagwasak ng salamin.

Sa talas ng pagkawasak, aking darili ay nasugatan. Gulat ko itong inilayo at tinignan, kay liit ng sugat ngunit ang lakas ng pag-agos ng dugo.

'Xiena.'

Unti-unti akong napa-angat ng tingin sa salamin, upang makita lamang ang sarili kong ibang-iba sa anyo ko. Isang 'di mo inaasahan, na kahit mismo ako ay 'di makapaniwala't nagtataka.

'Xiena.'

Banggit nito, alam kong sarili ko ito pero 'di ko mawari kung papaanong naging ganito? Imposibleng maka-usap ko ito. Nasaan ako? Anong mundo ito? Anong nangyayari?

'Xiena.'

"Sino ka?" Tanging banggit ko.

'Xiena, ako ay ikaw. Ako ang nabuo pagkatapos ng pagkawasak mo.'

"Ano? What do you mean?"

'Maraming bagay ang hirap ipaliwanag, hayaan mo na ang sarili mo ay ang humanap mag-hayag.'

"Ano bang sinasabi mo?!"

'Pagmamahal ang wawasak sa iyo, tiwala ang tataksil sa iyo. Sila ang sasaksak sa iyo. Ako ang bubunga para sa iyo.'

"Putangina?"

'Dalawang paraan ang tanging nandirito. Dalawa ang pag-pipilian mo. Ang mahal mo o ang taong kabiyak mo.'

"Ano bang sinasabi mo? Nababaliw ka na!"

'Bawat galaw ay subaybayan. Bawat salita ay tapatan. Bawat emosyon ay pabayaan. Bawat sakit ay iwasan.'

"What the hell?"

'Sila ang kalaban mo, hahayaan mo bang masako----'

"BULLSHIT!" hinihingal akong napabangon sa higaan. Inaalala ko ang bawat detalye sa aking panaginip. Ano iyon?

Agaran kong kinuha ang cellphone ko at pumunta sa recording. Nagsalita ako ng mga naaalala ko dahil tiyak na paglipas ng minuto mawawala ito sa aking isipan.

Inabot ko ang tubig sa gilid ko at uminom ako. Naka-tatlong baso ako.

What was that dream? Ano ang ipinapahiwatig nito?

Napa-iling na lamang ako at nagtungo na sa banyo upang maghanda.

Daloy ng malamig na tubig ay tuluyang nagpapagising sa diwa ko. Nakapikit na inaalala ang iba't-ibang senaryo.

Nakaraos din at bumaba na ako't dumiretso sa kusina. Nagtungo ako sa Refrigerator at kumuha ng isang yogurt at kinain na ito.

Lumabas na ako ng unit at nagtungo sa parking lot.

Sa pagmamasid naka-alis na ang mga abno kong kasama. Actually, kanina pa talaga ako late. Pesteng panaginip. I forgot to set an alarm too. Fuck this stupidness.

Sumakay na 'ko sa big bike ko at pinaharurot ito patungo sa paaralan.

Habang naglalakad sa pasilyo ay wala kang makikitang studyante. Matatanto mo na simula na talaga ang klase.

Hindi na ako nag-aksaya ng lakas na magmadali. Sa halip ay naglakad ako ng normal sa bawat yapak. Para saan pa ang pagmamadali, kung late ka rin naman kahit saang anggulo pa tignan?

Wala nang katok-katok na binuksan ko ang pinto ng silid namin.

Ramdam ko ang pagtahimik at pagtingin nila sa gawi ko. Wala na akong pinansin at maglalakad na sana patungo sa aking silya ng banggitin ng guro ang pangalan ko. Napa-irap nalang ako ng wala sa oras.

"Ms. Vigre, that's not a proper attitude of a student." ma-awtoridad na wika nito.

'And that's not a proper way of teaching techniques of mathematics.' Napatingin ako sa board at napa-iling. Tinignan ko lamang siya ng blangko.

"Deliquent. Ms. Vigre, would you mind if you show us the answer of this problem?"

'Naturingang guro 'di maalam sumagot ng sariling problema. Tss.'

Kinuha ko na lamang ang whiteboard marker dito at sinimulan na ang pagsulat at pagsagot. Ang matimatika ang subject namin at aakalain mo talagang mahirap ang mga aralin--- well, not for me.

Natapos ko na ito ng wala pang isang minuto, agad ko naman nilapag ang marker sa lamesa at nagtungo na sa upuan ko at tumanaw sa labas.

"T-that was fast. Awesome." rinig kong hasik nito, na tila ay gulat na gulat sa pagkamangha. I know right.

"Uyy, bakit ka late?" Bulong naman ni Diego na obviously, remember? Katabi ko.

"None of your business."

"Dali na? Bakit nga?"

"Sikretong malupet. Kayo nga 'tong 'di man lang ako sinabay at iniwan pa. Tss."

"Luh s'ya, so late ka ng gising?"

"Maybe yes, maybe not."

"Wewz, 'di mo ata alam sarili mo. Kami ang natatakot sa'yo kapag nakukulangan ka sa tulog."

"Tss. Diego the Duwag."

"Bawiin mo 'yan! Tigre ka kayaaa!"

'Di ko pinansin ang salita nito dahil may nahagip na kung ano ang mga mata ko.

"Hmp. 'Di mo ako pinapansin! "

Parang isang grupo? Teka nga? Pamilyar sila. Sila ang nakalaban nila Aux sa YGround.

"Huy! Xieeeeenaaaaa!"

Ramdam ko ang pagsundot sa bewang ko ngunit ipinasawalang bahala ko iyon. Patungo sila sa loob ng paaralan. Ang dami nila, as in. Naghakot talaga. Tss, tss, tss.

Pero nanganganib ata? Napansin ko ang mga hawak nilang iba't-ibang uri ng armas at patalim? Mga baril, kutsilyo, dagger, shurikens?----- espada? What the hell? Feeling Ninja lang ang peg?

*Bell Rings.*

Saktong pag-tunog ay ang pagtayo ko sa upuan. "Gather them, someone will attack the five." sabat ko kay Diego na bigla namang sumeryoso ang mukha at tinawag silang lahat.

Nagtungo na kami sa cafeteria, damn. Bakit kasi nauuna ang oras ng awasan ng mga gagong 'yon?

Sigi lang kami sa takbo at tama nga ako. Sila ang pakay ng mga iyon.

Napapalibutan nila ang buong cafeteria. Tahimik ang paligid, walang ingay ang malilikha maliban sa mga yapak namin na patungo sa kanila.

"Nice." naka-ngising hasik ko.

Boredom Reliever. Shit, exciting.

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon