Opposite 27: Ngisi.

77 10 1
                                    

Shendy's POV

I'm pissed.

Nanatili si Xienna sa pwesto n'ya habang ako naman ay tahimik na tinatahak ang upuan kasama ng ibang archers. Iba-iba ang isinisigaw ng mga tao, may negatibo at positibo. Putangina.

Naka-salubong ko naman si Viette. Lalong namuo ang galit ko kay Xienna, this is a total shit. 

Dumiretso ang mukha ko ng tumigil ito sa mismong harap ko at 'saka ngumisi. " What happened? Inaasahan pa naman kita sa final." 

Hindi ko na ito pinansin at ihahakbang na sana ang paa ko ng magsalita muli ito, "Who is she? She must be something to BEAT you."

Pumikit ako upang pigilan na mag-labas ng inis at galit, iba ako magalit. Kilala ako sa pagiging isang maamong tupa at hindi pwedeng mag-labas na lang ako basta at tiyak na magugulat at may mangyayaring kakaiba. 

Tumingin ako dito ng walang emosyon, "Anong pakiramdam ng malamangan? I should be friend with her." Mula sa diretsong mukha ay nagbago ang tingin ko sa kan'ya. She's insulting me, indeed. And I hate it. 

"Worst. Nararamdaman ko ngayon ang nararamdaman mo tuwing dinudurog ko ang isang tulad mo."  Ako naman ang ngumisi dito, matalo man ako kay Xienna. Hinding hindi ako matatalo kay Vietta. Not in a times. May panahon upang gumanti sa kan'ya, sa ngayon ang kaaway ko muna ay ang babaeng nasa harapan ko at masama ang tingin sa akin.

"Magdidiwang tayo parehas na talunan ngayong araw. Dahil sigurado naman akong dudurugin ka din ng babaeng 'yon. Kung ngayon ay natalo n'ya ako, ano ka pa kaya? Eh dinudurog-durog lang kita."

Akmang hahakbang ito papalapit pa sa akin upang sampalin ako ng sumakto ang pagsabi ng MC na kailangan na s'ya. "Mag pasalamat ka na lang at umepal 'yon, kung hindi pula na 'yang pisngi mo."

"Nah, kahit naman hindi umepal 'yon. Sa oras na dumapo 'yang madumi mong kamay sa pisngi ko, ilang ganti ang matatanggap mo. Kilala mo naman kung anong kaya kong gawin diba?" Nilagpasan ko na ito at ramdam ko din namang inis itong nag-tungo sa pwesto n'ya at simulan na ang laban.

Pero nahagip ng mata ko sa hindi kalayuan, si Aux. S'ya ang ex-boyfriend ko sa France, mahabang kwento ang nangyari at wala ako sa mood mag-kwento. Tama na ang nangyari ngayon, ayoko na munang balikan ang nangyari noon. Naka-tingin ito sa kung saan at may maliit na ngiti sa kan'yang labi. Sinundan ko ang tinitignan nito--- Xienna?

Anong namamagitan sa kanilang dalawa? napunta sa akin ang tingin nito at naglaho ang ngiti nito. Binigyan ako ng isang walang emosyong tingin na nag-tulak sa akin na umiwas ng tingin at mapa-tingin ulit sa gawi ni Xienna.

Sarkastiko akong napatawa ng tahimik. Ikaw na naman. Sino ka ba talaga, Xienna Vigre? Sana naman walang namamagitan sa inyo ni Aux. Dahil nagtungo ako dito upang balikan ang naiwan ko noon dahil sa isang pagkakamali. Umuwi ako dito upang ibalik ang minsan na naming pinasok na relasyon. He is mine. Nagkaroon man ng linya sa pagitan naming dalawa, buburahin ko iyon at ibabalik sa dati naming pagsasama.

Sa oras na malaman kong mayroong namamagitan sa kanilang dalawa, namamagitan na higit pa sa pagkakaibigan. Gagawin ko ang lahat upang mawala s'ya sa istorya naming dalawa.

Sinulyapan ko muli ito at tuluyan ng nag-tungo sa upuan. Kukunin ulit kita, Aux. Itataga ko sa bato, magiging akin ka muli. Mamahalin mo ako muli sa ayaw at sa gusto mo.

Mauunang mag-pakawala ng palaso si Xienna, at nakita ko naman na may ibinulong si Vietta dito. I'm sure na iniinis n'ya ito upang mawala sa konsentrasyon ang kalaban. Pero ngumisi lamang si Xienna at nagpakawala, Bull's Eye.

Aaminin kong magaling ito humawak ng Archer at palaso. Oo, natalo n'ya ako. Gusto kong tanggapin na lamang pero hindi eh, naiinis at nagagalit ako. Siguro nasanay akong ako lang, at ako lang dapat. 

Ito naman ang may sinabi kay Vietta. At kung ano man iyon ay sigurado akong malala dahil mula dito kitang-kita mo ang bahagyang panginginig nito habang nakuha ng palaso. Pinakawalan n'ya ito at naka-kuha lamang s'ya ng 8 puntos.

Patuloy lang at walang nagbabago sa mga puntos nila. Nanalo ang unibersidad namin, nanalo si Xienna.

Napunta naman kay Vietta ang paningin ko at nanginginig parin ang kamay nito at naihulog n'ya ang archer. Nakita ko ang bahagyang pagyuko nito at may sinabing kung ano. At tumakbo na ito na para bang may humahabol. 

Anong pinapatungkol ng akto n'yang iyon?

Xienna's POV

Napa-iling na lamang ako at tinahak na ang daan patungong labasan, hindi ko na hinintay pa ang resulta at ang permiso nila dahil alam na naman ng lahat na panalo na ang unibersidad namin.

Naka-labas na ako ng archery room at napa-tingin sa cellphone ko, eksaktong alas dose na ng tanghali at obviously na lunc--- "Putangina mo!" 

Biglang may umakbay sa akin at lubha akong nagulat, Ibabalibag ko na sana s'ya ng magsalita ito at nakilala ko naman. "Chill, It's me. Grabe ka naman maka-mura, halikan kita d'yan eh."

"Ulol ka, eh kung ipahalik ko sa'yo kamao ko?! At ano namang ginagawa mo dito, tapos na laban mo?" Tinanggal ko ang akbay nito kaso bumabalik lang din so ayun hinayaan ko na lamang.

"Hindi tuloy ang laro namin, bukas na lamang daw. Tara na, lunch na tayo. Nasa cafeteria na sila."  At naglakad na kami.

"Nandito rin pala sila kanina, kaso nauna na sa cafeteria at ako na nag-hintay sa'yo." Wika nito at tinanguan ko na lamang ito. 

"Ang galing mo palang mag Archery, Xienna!" Salita ni Raze, I mean pamungad nito. Paano ba naman kakarating palang namin at hindi pa nga nakaka-upo, rinig mo na agad ang boses nito. Tinanguan ko na lamang ito at tipid na ngumiti. Tinatamad na ako.

"Oo nga, Lahat Bull's Eye!" Dellio, nginitian ko lang din ito.

May mga pagkain na dito at nag-simula na kaming kumain, ng may mapansin ako. "Where's E?"

"Ah, may meeting daw sila." Ghionna, habang nalamon at punong-puno ng pagkain ang bibig. Kaya ang kaharap n'ya na si Wage ay natalsikan ng kinakain n'ya. Bahagya akong natawa at napatingin sa akin ang lahat, pagkatapos ay napa-tingin naman sa kanila. Sabay-sabay kaming nag-pipigil ng tawa.

"Pwede ba babae lunukin mo muna 'yang kinakain mo bago ka mag-salita." Hasik nito kay Ghionna.

"Hehehe, Sorry panget." -Ghionna.

"Anong sabi mo?" -Wage.

"Bingi ka?" -Ghionna.

"Ano?!" -Wage.

"Aba'y bingi nga." -Ghionna.

"Basketball na ang sunod na laro diba?" Singit ko sa bangayan nila dahil tiyak na aabutin kami nito ng pasko.

"Hindi ako pupunta." Simpleng salita ko at uminom ng tubig.

"ANO?!"

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon