Xienna's POV
Nakasimangot ako at taimtim na naka-sandal sa upuan, katabi ko si Aux sa kanan ko at sa kaliwa naman ay si Ghionna.
Obviously na nasa basketball court kami at nag-wawarm up na ang mga gunggong.
Sabi na kasing ayaw ko eh, pa'no ba naman ay kinaladkad ako ng mga iyon. Hindi daw pwedeng hindi ako pumunta at manood.
As if naman sisigaw ako at mag checheer sa kanila. Nah, not in a times.
At isa pa it's so crowded here at sobrang ingay, puro tilian. Bruh, I want a peace and quite place.
Tumingin naman ako sa gawi nila Serge at kumaway ito sa akin at naka-ngiting aso.
I raised my middle finger at him at 'saka s'ya inirapan. At ang gago naman ay tawang-tawa.
Alam naman nilang ayoko sa mga ganito dahil maingay pero anong ginawa nila? Nanguna pang humila sa akin.
"Hindi magandang makita 'yan sa isang babae." napa-tingin naman ako sa kanan ko at umirap.
"Well, lalaki 'ata ako."
"Nah, 'di pwede. Mamahalin pa kita." Naka-ngisi ito. And once again ladies and gentlemen, I raised my fucking middle finger to him.
"Ulol."
Nangunot naman ang noo nito at sa gulat ko nalang ng hawakan n'ya ang kamay kong naka-taas pa din at pilit n'yang binubuka iyon, pagkatapos ay 'saka n'ya ipinagsalikop ang kamay n'ya sa kamay ko.
"Oy! Mali 'ata ako ng tinabihan, kawawa ako sa inyo eh. Huwag kayong PDA, nakaka-hurt sa mga katulad kong walang lavidabi!" biglang wika naman ni Ghionna, tinatanggal, pilit ko namang tinatanggal ang kamay ko sa kamay nito kaso ayaw n'ya talaga itong pakawalan.
"Bumitaw ka nga, chansing ka na eh." hasik ko sa lalaking ito.
At guess what? Nginisian lang ako ng gwapo-- este gago. Wala kayong nabasa diba?
Sumuko na ako at hinayaan na lamang s'ya. Tinuon ko na lamang ang pansin sa laban nila Raze. Ang pangalan ng grupo nila ay 'Black Ball' at ang sa kabila naman ay 'White Ball'.
Ang c-cute ng pangalan, nakaka-dumi ng utak. Ayoko na kila Khyler, Black daw 'yong ball--- Shit, snap out of it.
Halos dikit lang ang laban, lamang lang ang amin ng isang puntos.
"GO BLACK BALL! GO! GO! GO! ITIM NA BOLA! HUWAG PAPATALO SA PUTI! MAPUTI LANG 'YAN SA PANLABAS PERO MAITIM BUDHI N'YAN---ARAY!" Hinampas ko sa braso si Ghionna.
"Bibig mo, babae." diretsong wika ko dito at nag-peace sign lamang ito.
"Sorry na, hehehe." Ghionna, pero napatingin naman kami nito sa katabi kong gago na natawa.
"Anong nakakatawa?" tanong ni Ghionna dito, pero lalo lamang itong natawa. 'Baliw.'
"Bakit? Maitim budhi mo 'no?" Nanlaki ang mata nitong tumingin sa akin at gulat ang naka-ukit sa mukha n'ya. Seryoso lang ako.
Nawala ang tawa n'ya at si Ghionna naman ang tawang-tawa sa tabi ko. Really? Haping-hapi. Tss.
"Anong sinabi mo, my lady?" -Aux.
"Bingi ka?"
"Ya! Hindi ito maitim!" sumigaw ito at may ilang naka-rinig, mga nag-pipigil ng tawa. Pati ako at natawa na rin.
"T-talaga lang h-huh? HAHAHA!" tawang tawa na ako.
"Baka gusto mong ipakita ko pa sa'yo." naka-titig ito sa akin at tila seryoso sa sinabi kaya naman ay natigilan ako at naramdaman kong bahagyang namula ako.
"Hala, Xienna? Totoo ba nakikita ko? Namumula tenga mo? Hahaha! Ano lang pala ni Aux ang katapat mo--- Aray ko, bwisit!" sa mga salita ni Ghionna ay nabatukan ko ito ng malakas.
"Mga ulol kayo! Manahimik kayo kung ayaw n'yong putulin ko mga dila n'yo." hasik ko at napatikom naman ng bibig si Ghionna pero halata mo paring nag-pipigil ng tawa ito, napa-tss na lamang ako.
Napa-tingin naman ako sa kabila ko at titig na titig ito sa akin. "Staring is rude. Dukutin ko 'yang mata mo eh."
Ngumiti ito at nagtataka naman ako, baliw na ata. "Ang ganda mong tumawa."
"Matagal na, ngayon mo lang nalaman?"
"Oo, ngayon ka lang naman tumawa ng ganoon. Lalo na kung ako 'yong dahilan." ngumiti muli ito, dumiin ang hawak n'ya sa kamay kong hindi pa rin pinapakawalan.
"Nucxx, dumada-moves si Aux. Mukha talaga akong third wheel dito eh." -Ghionna.
"Edi hanap ka ng kasama mo, para may fourth wheel." pang-aasar ko dito at hindi pinansin ang sinabi ni Aux.
"Tss. Hmp!" -Ghionna.
Napa-tingin naman ako sa kabilang banda, sa may harapan namin. Sa bandang dulo. May nakita akong naka-itim na lalaki. At sigurado akong kilala ko ito.
Napa-liit ang mata ko at pilit na kinikilala ang nandoroon, wait? Is that Xienno?
Kumaway ito sa gawi ko at nangunot naman ang noo ko.
"Aray!" inis naman akong napa-lingon sa pumitik sa noo ko at nakita ko si Aux. Inirapan ko na lamang ito at ibinalik ang tingin kung nasaan ang kambal ko.
Pero bigo na akong makita ito, wala na ito. Anong ginagawa n'ya dito? Sigurado akong s'ya iyon.
Napa-kurap ako at napa-mulat, sa mismong pwesto kung saan ko nakita ang kambal ko ay nakita ko si E. Ngumiti ito at kumaway. Pero naguguluhan ako at hindi binigyan ng tugon ito.
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa laro sa ibaba. Panalong-panalo na ang amin. Makikita mo ang lamang. Lamang na lamang.
Napa-balik ang tingin ko sa harapan at nanduon pa rin s'ya. Titig na titig sa akin, na para bang may gustong sabihin ito. Sabihin at may nilalaman na kung ano ang mga mata nito.
I mouthed him 'Come here.'
Pero umiling ito at ngumiti, ano bang meron? May nararamdaman akong kakaiba. Lalo na ang presensya ng kambal ko dito. Ano ang ginagawa n'ya dito? Ano ang dahilan ng pag-punta n'ya dito? Alam kong may plano at binabalak iyon, kilala ko s'ya.
Kaso ang tanong ay ano?
Mahirap pa naman basahin ang isang 'yon.
"Oy! Xienna? Ok ka lang?" Tanong naman ni Ghionna at napa-lingon ako dito at tumango.
"Sure ka?" tanong muli nito.
"Oo naman."
"Eh bakit parang ang putla mo?" wika muli nito at hinipo ang noo ko.
Akmang tatanggalin ko na ang kamay nito, "Teka ang init mo. May lagnat ka!" sigaw nito at dahilan ng pag-lingon ni Aux. Hinawakan din n'ya ang noo ko.
"Teka? Halika dalhin kita sa clinic." agad akong umiling sa sinabi nito. Sa lahat ng lugar, ayoko sa hospital o sa kahit na ano. May naaalala ako.
"Take me anywhere, basta 'wag lang sa hospital o clinic? Please?" pumayag na akong dalhin ako nito dahil kanina ko pa talaga nararamdaman na paramg may mali sa akin at nilalamig ako ng bahagya.
"Ghionna, dito ka na lang muna. Ikaw na bahalang mag-paliwanag sa kanila. Dadalhin ko na lamang s'ya sa unit, ako na ang bahala." sambit nito kay Ghionna.
"Sige lang, pero Oy! Bata pa kayo, baka may gawin kayong kakaiba at ---" pinutol ko ang mga kataga nito sa isang banggit ng pangalan nito at bahagyang pagsama ng tingin.
"Oo na, sorry akin."
"Mauna na kam--- Xienna?!" naramdaman ko ang panghihina ko, 'di ko alam kung anong nangyayari sa akin. Pagod lang 'ata ako.
Naramdaman ko naman ang pag-buhat sa akin at tuluyan ng nandilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE: We Are Enemy
AkcjaUp and Down. Right and Left. Love and Hate. Kill and Spare. Totally opposite, is there a chance to make it together? OPPOSITE: We Are Enemy •MAGIC SERIES #3 COMPLETED. ©All Rights Reserved.