Xienna's POV
Hanggang ngayon, nakalumbaba pa din ako. Hindi ko kasi maintindihan kung anong nangyari? Bakit biglang nagkaganito?
Matapos ang gabing iyon, dito ako dumiretso sa University. Pumunta ako sa sarili kong silid.
Yup, I own this school and the other one. Pina-handle ko lang ito sandali kay Aunty, that annoying old hag.
Dito ako nagtungo dahil wala na akong mukhang ihaharap sa mga kaibigan ko, i'm worst. I'm hurt. I'm broke.
Nandito ako dahil kahit papaano ay nakikita ko pa din kung ano bang ginagawa ng mga kaibigan ko. They are seems down. They are finding me.
But, I feel sorry for them. Hindi ko muna kayang humarap sa kanila. Nagagalit at nasasaktan pa din ako.
Si Lux 'yon eh, Si Aux. Nagtiwala ako. Pero lokohan lang pala. Boredom? Word of the year.
Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. Nagtataka ako kung bakit natawag ang sekretarya ni Ama.
"What?"
"Young lady? I have a bad news."
"What is it?"
"Please get a hold of your self."
"Cazzo! Sabihin mo na."
"Young master is gone."
Tama ba ang narinig ko? Putangina?
"What do you mean?! What happened to my brother!?"
Napa-sigaw na ako sa galit.
"On his way here in Italy, Something happens to him. We can't find any trace of the murderer. His body is in here, we want you here. Your father wants you here."
Bawat salita nito bumabaon sa puso ko. Napahawak ako ng madiin sa cellphone ko at kasabay noon ang sunod-sunod na patak ng luha ko.
Huli ko na ng matanto na nasira ko na ang cellphone sa diin ng pagkakahawak ko.
"Why? Why? Why? FUCKING WHYYY?!!!!" I scream as loud as I can.
What? Why? Anong nagawa ko? Bakit kailangang lokohin ako? Bakit kailangang iwanan ako? Bakit sabay pa?!
Anong nangyari sa kambal ko?!
Xienno.
Napatitig na lang ako sa kawalan. Bakit mo agad ako iniwan? Bakit hindi ka man lang nag-paalam? Bakit? Hindi pa nga tayo nagkakasama ng matagal. Puro trabaho ang inaatupag natin. Sabi mo dadating ang araw na tayo lang dalawa at walang halong anumang trabaho. Sabi mo. Pero bakit? Xienno, kambal ko. Bakit? Ano bang nagawa ko para madanas ito?
Napahalakhak nalang ako sa kawalan. Halakhak na puno ng lungkot at galit.
Hindi ko pa nga nakikita ang pumatay kay Ina, sumunod ka naman? Why are you so unfair? Why world is so unfair?
Napahawak ako sa buhok ko at bahagyang napasabunot doon habang malakas na naiyak at nakasandal sa gilid ng kama.
"Why?" bulong na wika ko.
Tumunog ang telepono ko. Pumikit ako at bago magmulat. Sinisigurado kong magiging matatag ako at pagbabayaran nila ang pagpatay sa kapatid ko.
Ipaparamdam ko sa inyo ang galit ng isang dimonyo. Ipaparamdan ko sa inyo ang sakit na nararamdaman ko. Ipaparamdam ko sa inyo. Maghintay kayo. Hahanapin ko kayo.
Tumayo na ako at inabot ang telepono.
"Young lady? Are you okay?" hindi ako tumugon.
"I just want you to come back here with his right hand and also yours to make sure of your safety."
"Nandito ang kanang kamay n'ya?"
"Yes."
"Who is he?"
"Eduard Sentille, young lady."
Naibaba ko ang telepono at nawala ang reaksyon sa mukha ko. E? Ikaw? How small world.
Huminga ako ng malalim at nag-ayos ng sarili.
Lumabas ako sa silid na ito. Naglakad ako patungong cafeteria, dahil sigurado naman akong nandito sila.
Madaming mata ang pumupukol sa akin. Mapanghusga at iba pa.
Nakakita ako ng humarang sa daanan ko. Huminto ako at tinignan sila.
"Move."
"Why would we? Kamusta? Sabi na nga ba at pinaglalaruan ka lang ni Aux eh."
"Huwag kasi masyadong assuming."
"Ikaw magugustuhan n'ya?"
"You are just a cheap slutty girl."
Tinitigan ko sila, ang ayoko sa lahat ang humaharang sa daan ko lalo na kung may importante akong pupuntahan.
"Move."
"A-ang lakas talaga ng l-loob mo ano?!" akmang sasampal s'ya, sinangga ko iyon at sinuntok s'ya.
Napa-atras ang mga kasama n'ya at ang ilang kumpulan dito.
"Kapag sinabi kong tumabi kayo. Tumabi kayo. Ayokong masyadong madaming satsat. Nangangati ang kamao ko. Now, move."
Mabilis naman silang umalis sa harap ko at nagpatuloy na ako. Mga peste, pasalamat kayo at mabait pa ako. Kung hindi, wala na kayong hininga.
Nasa entrance na ako ng cafeteria at bahagya pang sumandal bago inilibot ang mata.
Nahagip ko naman ang Brute at ang babaeng 'yon. Nagtama ang mata namin ni Aux at nilagpasan ko lamang ito ng paningin.
Nakita ko na sila Ghionna, pero wala ang hinahanap ko. Kaya nilibot ko muli ang paningin ko. Dumating na si Khyler sa lamesa nila. Tumingin ito sa gawi ko at nginisian ko. Nabitawan n'ya ang bitbit n'ya.
Naglakad na ako papunta sa harap ni Khyler. Wala akong sinabi hanggang sa marinig ko ang boses ni E.
Nabitawan din nito ang pagkaing dala ng humarap ako.
Sinuntok ko ito at tinignan ng masama. Natumba ngunit nakabawi din at bumangon.
"What the hell? Anong nangyari sa kapatid ko?!"
Yumuko ito at nagulat sa sinabi ko.
"I-i don't know what h-happened to hi---" Sinuntok ko muli ito. Kinuha ko ang kwelyo.
"Hindi mo alam?! Anong silbi mo?! Ikaw dapat ang laging nasa paligid n'ya, pero anong nangyari sa kapatid ko?! Putangina!"
Nanlilisik na ang mata ko at alam kong itim na itim na ito.
Lumuhod ito at humingi ng tawad. Madami ng mata ang nakatingin sa amin. Pero wala akong pakialam.
Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Naiinis ako. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kung bakit nangyayari 'to!
May pumihit naman sa akin patalikod at hinawakan ang kuyukom kong kamay. Tinitigan ang nanlilisik kong mata. Walang takot at tanging pag-aalala.
"Xienna?" Tumingin ako sa dito at naka-ngiti ito sa akin. "It's okay, i'm here. Hanggang nandito ako, sasamahan kita harapin ang mga ito. Sasamahan kitang hanapin ang lahat ng may kagagawan nito. Ako si Khyler Sismuego, simula ng makilala kita. Ako ay tagasunod mo na, ako ang kuya mo. Sasamahan kita. Kaya please? Magtiwala ka sa akin at maging matatag ka."
Niyakap ako nito at hinagod ang buhok ko. "Let's go to Italy, tayong tatlo. Let's go, I badly want to see my late brother."
Bulong ko dito at yumakap din. Tumango naman ito. Kaya ngumiti ako at pumikit na kasabay ang pagtulo ng luhang walang tigil sa pagpatak.
I will kill hunt them, I will kill them.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE: We Are Enemy
ActionUp and Down. Right and Left. Love and Hate. Kill and Spare. Totally opposite, is there a chance to make it together? OPPOSITE: We Are Enemy •MAGIC SERIES #3 COMPLETED. ©All Rights Reserved.