Aux's POV
One big damn.
Ugh. Anong ginawa ko kagabi? Baliw ka na, Aux. Did I just really confessed to her?-- Nah, baka panaginip lang.
Pero hindi eh.
Pwede din.
Hindi nga kasi.
Pwe---
Jeez. You are really driving me crazy. Bakit hindi ako mapakali? Damn.
Erase, erase, Aux.
Pumikit ako at inayos ang takbo ng utak at muling dumilat na parang hindi nangyari ang mga inakto ko kanina-- wala namang makakaalam.
Nasa sasakyan na ako at pinaharurot na ito. Sobrang maaga pa ngayon. Alas singko? Yeah, tapos ang pasok namin is eight.
Pretty early.
Naglalakad na ako sa pasilyo ng paaralan, halos wala pang tao at ganoong kadaming ilaw na bukas.
I like these kind of athmosphere, so damn quiet.
Napadaan ako sa gym. Ang gym ng paaralang ito ay higit na malaki pa sa inaakala mo. Bawat sports at may kasing normal na laki ng basketball court ang isang room. At syempre ang basketball court ay doble pa ang laki. Malaki ang paaralang ito, let's say beyond the imagination?
Papunta ako sa room ng firing upang malaman ang mga iba't-ibang uri ng baril na gagamitin, I miss using one. Pero napansin ko namang bukas ang lahat ng ilaw sa katabing room, which is archery.
Nagdadalawang isip man ako kung papasok ba ako o hindi, but in the end I want to explore. No, I mean I want to know kung sino ang nandito ng ganitong kaaga.
Sanay na kasi akong around five to seven ay walang ibang tao sa university kun'di ako at ang mga taga-bantay lang.
Marahan kong pinihit ang doorknob at sumilip, mayroong isang bulto ng babae na nag-aaim na ng pag-tama.
Bull's Eye.
Player ba s'ya? Pero hindi siya pamilyar sa mga kalahok ng archery. Pero alam kong kilala ko s'ya.
Lumapit pa ako upang tuluyang makilala ito. Naningkit ang mata ko kasabay ang pagwawala ng puso ko. Hell, knowing that she's a few meters away from me making me crazy.
Bumunot ito ng isa pang arrow at pinakawalan na iyon, bull's eye again. She's really something, pretty amazing.
Seryoso ito at halata mong may malalim na iniisip--- wait, hindi naman siguro 'yong kagabi diba?
Aish. Snap out of it, Aux Savero. Stay natural, 'wag pahalata masyado.
"I didn't know you play archery."
"Now you know." wika nito ng hindi tumitingin sa akin at muling nagpakawala, nahati ang isang arrow dahil sa intense ng pwersa patungo sa pinaka-gitna.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE: We Are Enemy
ActionUp and Down. Right and Left. Love and Hate. Kill and Spare. Totally opposite, is there a chance to make it together? OPPOSITE: We Are Enemy •MAGIC SERIES #3 COMPLETED. ©All Rights Reserved.