Pagkalabas ko ay nagtaka ako ng wala na si Imee. Hindi ko alam kungn magpapaalam ba ako kay Salem o hindi pero just to save myself from embarrassment I chose to do the latter. Kung mahihiya ako sa lahat ng ginagawa ko sa harap niya ay dapat ko ng sagadin no. Tumakbo ako at pumunta kung nasaan sina Irish.
"Ang init init te. Bakit ngayon mo pa napagpasyahang mag-jogging?" she asks and handed me the shawarma na pinabili ko.
"Nandon kasi sa Main Office si Salem and I embarrassed myself in front of him again. Kaya tumakbo na lang ako." sabi ko at kinagatan ang shawarma na binili niya sakin. Tinawanan naman ako ni Brielle at tiningnan ko siya ng masama.
"Himala hindi niyo kasama si Johan." pansin ko ng makitang wala ang nag-iisang Montenegro na lagi naming kasama.
"May pinuntahan daw. Hindi ko alam kung saan pero sinundo siya nung isa nilang pinsan si Gio ata." sabi ni Brielle at tumango lang ako.
.
Uwian na naman at narito ulit ako naghihintay sa may waiting shed habang kumakain. I sighed thinking na ang dami kong homeworks and school stuffs na gagawin ngayong araw. Bakit ba kasi sila ganon? Napabuntong hininga ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Gumala muli ang mata ko sa paligid at nagulat ako ng makita ko si Salem.
"Bakit ba lagi ko siyang nakikita?" bulong ko sa sarili ko. Hindi ko siya pinansin pero paminsan minsan ay napapadako ang tingin ko sa kanya.
Siya lang mag-isa ngayon at hindi niya kasama si Imee. Ang gwapo niyang tingnan lalo. Lagi ko na ata itong sinasabi pero kasi gwapo naman talaga kasi siya. Maraming babae ang kinilig ngn mapadaan siya. Napairap naman ako.
Hindi ako mapakali habang nakaupo sa waiting shed. Mas malapit sa akin ngayon ang kotse niya. Ang galing tumiming talaga ni Lord.
"Salem!" rinig kong tawag ng isang lalaki. Lumingon si Salem dito at nakita ko ang lalaking tumawag sa kanya. Si Kian. Shit. Bakit ang tagal ni Manong?
"Makiki-ride sana ako. Grounded ako eh. LIke bro, nagasgasan ko lang naman yung Hilux ni Dad, nagalit sa akin. I don't get it. Small scratch lang yon." sambit ni Kian at umiling.
Tumayo na ako para hindi sana nila napansin pero parangn nakalunok ng microphone tong si Kian ng tawagan niya ako.
"Sav!" napabuntong hininga ako at lumingon sa gawi nila. Lumapit si Kian sa akin at nakita kong sumunod sa kanya si Salem.
"Bakit andito ka pa?" he asks and I smiled at him.
"Hinihintay sundo ko." maikling sagot ko at tumango naman siya.
"Pahingi nga ako niyan." sabi niya sabay kukuha na sana ng cheesestick ko ng ilayo ko ito sa kanya. Napakunot ang noo ko.
"Bumili ka ng iyo." sabi ko at natawa naman siya.
"We should get going." putol ni Salem sa pagkukulitan namin ni Kian. Kian is a playful type of guy. Kaya nga sila on and off ni Irish eh dahil sa ganyang personality niya. He lives his life to the fullest not minding that someone is actually can't keep up with him.
"Umalis na daw kayo." sabi ko ng makitang naglalakad na patungo ng sasakyan niya si Salem.
"Bro, wait up." sabi niya kay Salem.
"Sumabay ka nalang samin. Masyado ng late kung maghihintay ka dito." saad niya. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ang text ni Manang sakin na wala daw susundo sa akin ngayon dahil umuwi ng probinsya si Manong.
"Fine." sabi ko at ngumiti naman ng pagkalawak lawak si Kian. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay naman ako.
"Bro, hatid muna natin to ah. Magagalit sa akin si Irish kapag hindi nakauwi ng maayos tong isang to." sabi ni Kian kay Salem. Tumango lang si Salem at nagsimula ng mag-drive.
BINABASA MO ANG
Destined (Montenegro Series #1)
Teen FictionMontenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in front of her. Hindi man lang niya naranasang mag-desisyon para sa sarili niya dahil lahat ng ito ay...