Sumunod ako sa kanya at nagsihiyawan naman ang mga tao. He put my hands around his neck and he pulls me closer to him. Hindi ko mapigilang maiyak sa pwesto namin. Para akong time bomb na ngayon lang sumabog at hindi ko mapigilan ito. No one can.
We are dancing to Perfect by Ed Sheeran. Funny how perfect our situation is. Note the sarcasm. Me, pathetically crying in front of him and him, well, not bothered by it.
"Why are you crying? Kanina ka pa." Salem asks. Alam kong naiirita na siya sa ginagawa ko. Kairita-irita naman. Wala na kasi akong ginawa ngayong araw kundi umiyak na lang. Para talaga akong time bomb. He let me buried myself in his chest para kunwari sweet kami. Also, to avoid confusion sa mga tao kung bakit umiiyak ang bagong addition sa Montenegro clan.
"I'm sorry." ang mga katagang unang lumabas sa bibig ko. Inulit ulit ko itong sinambit at naramdaman ko ang buntong hininga niya.
"Iuupo na kita. Tumahan ka muna." bulong niya sa akin at pasimple akong nagpunas ng luha. Pinaupo niya na ako sa upuan namin at bumuntong hininga ako.
"Kukunan kita ng tubig, saglit." sabi niya sa akin at tumango lang ako. Tiningnan ko siyang bumati sa ilang bisita habang papunta sa lugar kung saan pwede kumuha ng tubig.
"Congratulations, Sav!" bati ni Carson sa akin na kakalapit lang. Kumunot ang noo niya sa nakita niyang itsura ko. Mukha na siguro akong baliw dahil alam kong namumugto na ang mata ko. Nalate kasi ito dahil may ginawa pa daw kaya hindi nakadalo sa kasal kanina.
"Bakit ganyan ka?"
"Pagod lang. Thank you." sabi ko at alam kong hindi niya ako pinaniwalaan kaya ngumiti na lang siya sa akin at pumunta na kung nasaan sina Brielle para makichismis.
Alam kong sasabihin nila Brielle sa kanya ang dahilan kaya hindi ko na lang sila pinansin. Napapagod na akong umiyak. Bakit ba kasi ako umiiyak?
"Here, drink this." he handed me a glass full of water and I obliged. Binaba ko ang baso matapos kong maubos ito.
"I'm sorry."
"Stop saying that words. Nakakairita na." he whispered and I nodded and stop myself from uttering that word again.
Alam kong need ko talagang mag-sorry sa kanya at paulit-ulitin ito kaso mukhang sawa na siya sa mga sorry ko kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko.
"We were expected to spend the night together at a hotel near this reception. Bukas ang lipad natin papuntang Japan." he informed me and I nodded. Sana ay kahit papano ay mag-enjoy kami sa Japan. O kahit ako lang.
.
Katulad ng sinabi niya, after ng reception ay tumuloy kami sa hotel na nirentahan ng magulang niya of course. Kakatapos ko lang maligo at naglalagay ako ng lotion sa katawan ng lumabas si Salem na kakatapos lang din maligo.
Nagviview ako ng mga IG story and saw the wedding dress I worn. Sobrang ganda pala talaga non. Other stories were me and Salem kissing after the priest told na we are officially a married couple. Iniskip ko ang iba at nag-view ng ibang story.
"Nakapag-impake ka na ba?" he asks and I look at him sa mirror.
Kumukuha siya ng damit sa suitcase niya na ready na para sa trip namin sa Japan. Umiwas ako ng tingin ng makitang magbibihis na siya at inabala ang sarili ko na maglagay ng lotion.
"Yes."
"I hope na kalmado ka na." he stated and I nodded and smiled at him. Hindi ko alam kung kalmado ba talaga ako o nagpapanggap lang.
"Makakauwi ba tayo bago ang due date ni Kiana?" tanong ko. We need to spend atleast a month sa Japan para daw humupa ang news tungkol sa amin at hindi kami pagdiskitahan ng press after ng kasal namin.
BINABASA MO ANG
Destined (Montenegro Series #1)
Teen FictionMontenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in front of her. Hindi man lang niya naranasang mag-desisyon para sa sarili niya dahil lahat ng ito ay...