Maaga akong ginising ni Salem para sa flight namin pabalik ng Manila. Ayoko pa sanang umalis kaso kailangan na naming bumalik doon. Kumakain kami ng breakfast sa malapit na restaurant sa airport. He was talking to someone in his phone kaya hindi niya ako kinakausap. Isang linggo na ang nakalipas simula ng kiss namin sa Tokyo Tower. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol doon. Mukhang hindi na namin pag-uusapan kasi ayokong pag-usapan.
"Stop pouting. We will go here next time." sabi niya ng maibaba na niya ang tawag.
"Mamimiss ko ang Japan."
"Like I said, we'll go back here."
"Ano oras ba ang flight natin?" tanong ko. Hindi ko kasi alam. Agad niya lang akong ginising. Siya rin naman kasi ang nag-asikaso ng plane ticket namin.
"30 minutes. Are you done?" he asks and I nodded. Tingnan mo tong lalaking to. 30 minutes na lang pala at lilipad na ang eroplano at nandito pa kami nagbebreakfast.
"Dalian mo baka maiwam tayo." sabi ko at hila hila siya. Nakita ko naman siyang tumatawa habang hila hila ko siya. "Bakit ka tumatawa?"
"I was joking." hinmpas ko naman siya ng bitawan ko ang kamay ko.
"Gago!" bulyaw ko at mas lalo siyang tumawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi parin siya tumigil. "Sige, tumawa ka ng tumawa." akamng aalis na ako sa harapan ng hinila niya ang mga braso ko.
"Hindi na. Tara na, magboboard na."
"Alam mo ikaw anlakas mong mang-asar. Pag ikaw inasar ko." saad ko at sumunod na sa kanya.
Hinatid niya ako sa bahay namin pagkadating namin sa Pilipinas. Agad akong sinalubong ni Mommy at niyakap. Niyakap din niya si Salem at inaya sa dining room. Binati ko si Kuya at si Kiana. Hinawakan ko ang tiyan ni Kiana.
"Ang laki na. Excited nako." sambit ko at ngumiti naman siya sa akin.
"Sav, dali!" tinawag ako ni Kiana at ipinahawak ang tiyan niya. Sumisipa ang nany sa loob ng tiyan niya. Hindi ko mapigilang maluha. Napakamagical talaga sa feelinjg ng mga baby. Iba yung saya na naibibigay nila sa bawat tao. Kung pwede lang na hilingin na huwag na sana silang lumaki para hindi sila mamulat kung anong meron sa mundong ginagalawan nila ay gagawin ko.
"Hindi iniiyakan yan, Sav. Umayos ka." saway sa akin ni Kuya. Iniripan ko siya at patuloy na pinapakiramdaman ang tiyan ni Kiana.
"Ang arte mo, Kuya." binatukan naman niya ako at natawa lang ako. Nilapitan ko siya at niayakap ng mahigpit na siyang isinukli naman niya.
"Aalis na po ako. Hinahanap na po ako sa amin eh." paalam ni Salem. Tumango naman si Kuya, Kiana at Mommy sa kanya.
"Hatid ko lang."
Sinabayan ko siyang maglakad palabas ng bahay namin. Tahimik lang kami at inenjoy ang simoy ng hangin ng Pilipinas. Sumakay na siya sa sasakyan niya at ibinaba ang bintana ng kotse niya. Nginitian ko siya.
"Pumasok ka na don. Alam kong namiss mo ng sobra family mo."
"Ingat ka. Pakisabi sa Mama mo 'Hi!'." tumango naman siya at nginitian ako. "Bye!" sigaw ko ng medyo nakakalayo na siya sa bahay namin. Binusinahan niya lang ako at tuluyan ng umalis.
Kinabukasan ay sinugod ako sa bahay nina Brielle, Irish at Carson. As in literal na sugod kasi binulabog nila ang tulog ko. Ngayon ay nandito kami sa loob ng kwarto ko at tinitingnan nila ang pinamili kong pasalubong para sa kanila.
"Ano ng balita sa inyo ng asawa mo? Nag-churva na kayo no?" tanong ni Carson at hinampas ko naman siya.
"Ang halay ng utak mo kahit kailan."
BINABASA MO ANG
Destined (Montenegro Series #1)
Teen FictionMontenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in front of her. Hindi man lang niya naranasang mag-desisyon para sa sarili niya dahil lahat ng ito ay...