07

9.7K 223 45
                                    

Halos mapagod ako sa dami ng pinuntahan naming table. Tinawag na kami ng event organizer dahil gagawin namin yung engagement rites or something. Tinawag na kami sa stage. Nagulat ako ng biglang lumuhod sa harapan ko si Salem. Halos lahat ng tao ay nasiyahan sa nakita. If only they all knew.

"Savannah Quizon, unti lang ang panahon na pinagsamahan natin pero those days were worth it and worth reliving for. I want to formally ask you to spend the rest of my life with. Will you be Mrs. Montenegro?" he asks and I sighed. Again, I wanted to say no. Gustong gusto kong humindi pero sino ba ako?

"Yes." sabi ko. "Yes." ulit ko at ngumiti naman siya ng peke sakin at isinuot ang engagement ring namin. Niyakap niya ako na ikinagulat ko. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit pabalik.

Nakaupo ako ngayon sa table ng mga kaibigan ko. The other guests are gone now at puro kasing edad na lang namin ang narito. May after party palang nirequest ang magpipinsan. I am staring at my hand where the ring is located. Hindi ako makapaniwala na engage na ako. Engage na ako sa crush ko. I should be happy pero hindi ko magawang matuwa.

"You should be partying, Sav." saad sa akin ni Corrine ng makapunta siya sa kinauupuan ko. Nakita ko si Salem na halos magsaya na kasama ng mga kaibigan niya. "Sorry, if some of my cousins ay snob ah. Like I don't get it. Hindi lang naman si Salem ang nahihirapan sa sitwasyon na ito." sabi niya ata napangiti naman ako.

"I'm fine, Corrine. Don't worry about me." she shook her head at hinila na ako patayo.

"You should be partying bago ka matali sa pinsan ko at maging ganap na Montenegro." sabi niya at lumapit kami sa mga kaibigan nila. She handed me a glass and urged me to drink. Nag-comply na lang ako at chineer niya naman ako. Hindi ko na nabilang kung ilan ang nainom ko pero ayos pa naman ako.

"Dude, your fiance is wasted now. Iuwi mo na yan." narinig kong sambit ng isa sa mga kaibigan ni Salem. Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko at bumulong sa tenga ko. Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid pero kinakabahan ako. Lasing na si Salem dahil kanina pa siya umiinom.

"Stop drinking. Let's go na." bulong niya at tumango lang ako. Hinawakan niya ang braso ko at naglakad na kami palayo.

"Don't forget to use protection, bro." I heard Kian shouted at nagsitawanan naman silang lahat. Hindi ko alam kung kaya niya pa ba mag-drive. I can't drive.

"Kaya mo bang mag-drive?" tanong ko medyo tipsy na ako. Tumango lang siya at hindi ako pinansin. Sumakay na ako sa sasakyan niya at nakita ko siyang bumuntong hininga.

"Are you sure? I can call Kuya naman." saad ko at tumango lang siya ulit. He start the engine of his car and drove away from the venue.

Nakarating kami sa bahay ng safe. Akala ko lasing siya pero baka tipsy lang din siya katulad ko. My Mom offered na mag-stay siya sa bahay ngunit tumanggi siya. Hindi ko na sila pinansin at hindi na ako nakapagpaalam dahil pumasok na ako at umakyat papuntang kwarto ko.

.

Kinabukasan ay nagising ako ng masakit ang ulo. Nainis ako sa sarili ko dahil hindi pa ako nakakapagpalit ng damit at nakakahilamos. Napagpasiyahan ko na lang na maligo para pati katawan ko ay malinisan na rin. Nakarinig ako ng mga ingay sa baba namin siguro ay nagliligpit ang mga kasambahay namin.

"Tita, ang sarap po nito." narinig kong sabi ng isang lalake kaya napakunot ang noo ko at dali-daling pumunta sa kusina.

Nagulat ako ng kumpleto ang buong magpipinsang Montenegro sa kusina namin. Tumikhim ako at lahat sila ay napalingon sa akin. Hindi pa naman maayos yung suot ko ngayon. Nakat-shirt lang ako at maikling short na itim.

"Good morning, Sav!" bati ni Kian na siyang bumasag ng katahimikan sa kusina. Napatingin ako kay Mama at ngumiti lang siya sa akin. Inakbayan ako ni Kian.

Destined (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon