16

9.8K 197 11
                                    

Kanina ko pa napapansin ang pagtingin-tingin sa akin ni Salem. Marahil siguro ay nararamdaman niya na nawalan ako sa mood. Hinayaan ko na lamang siya kasi baka malaman niya pa kung bakit ako nawalan sa mood at magkaproblema pa kami.

"You are quiet. What happen?"

"Wala. Medyo nadrain lang sa init kanina." excuse ko. "Nag-eenglish ka ba talaga lagi?" pag-iiba ko ng topic.

"Well, I just get used to it. Hindi halata but all of my cousins are speaking in English kapag magkakasama kami."

"Ang cool." komento ko. Alam kong alam niya na iniiba ko yung topic pero ayoko kasi talagang pag-usapan.

"Are you hungry? Tinatamad akong magluto."

"Drive thru na lang tayo. Tinatamad akong bumaba ng kotse eh." saad ko and he just nodded and didn't say a thing.

"Bakit ba kasi ang tahimik mo?" he asks habang nakapila kami dito sa drive thru.

"Pagod lang." tiningnan niya pa ako ng matagal bago siya bumuntong hininga at pinaandar ang sasakyan paabante.

"You do know na kapag may problema ka, pwede mo kong kausapin, diba?"

"Yes, pagod lang ako."

"Okay."

"Okay." nginitian ko siya at tinanguan niya ako bago nag-order.

Two weeks have passed and ngayon ang unang araw ng senior year namin. Excited ako kasi ilang linggo ko ding hindi nakasama ang mga kaibigan ko. Sa nakaraang linggo ay hindi ko masyadong inisip ang narinig ko noong enrollment, I focus myself with Rainne. Lagi kaming nasa bahay ni Salem kasi hindi ko macontain ang pagkahibang ko sa pamangkin ko. Ang cute kasi talaga sobra. Kulang na lang ay buhatin ako palabas ng bahay ni Salem para umuwi kami.

I know Salem is fond of taking care of Rainne, as well. Hindi niya lang pinapakita pero kapag iniiwan namin siya ni Kiana ay nakikita kong pinagmamasdan niya ang bata.

"Are you almost done? Maaga ako ngayon eh."

"Saglit. Maglilipstick na lang ako." he nodded at me and continue to tie his necktie. Kumunot naman ang noo ko sa nakikita ko. Ang uniform kasi nila ay may neck tie. "Akin na nga. Nakakainis ka tingnan."

"Ikaw ang nakakainis. You are too slow." hinablot ko sa kanya ang necktie at tumayo siya sa harap ko. Ang liit kong tingnan kumpara sa kanya. Hanggang leeg niya lang ako. Sinabit ko sa kanya ang necktie at medyo yumuko siya para maabot ko siya. "You're small."

"Ang pangit ng asar mo. Porket ang tangkad mo." inayos ko ang necktie niya at naramdaman ko naman ang tingin niya sa akin. "Ayan, done na. Tara na."

"Too small." kinunutan ko lang siya ng noo habang kinukuha ko ang bag ko. Inayos niyang muli ang sarili niya sa salamin bago kinuha ang bag niya at sabay na kaming bumaba.

"I will just park my car sa parking space like before. I can't drop you off sa building niyo."

"Okay lang. I have a lot of time to spare pa naman. Maglalakad na lang ako." he nodded and we enter the campus. Alam kong nakapark ang kotse niya sa may engineering side lagi.

"Matatapos yung class ko mga 4pm. Ikaw?" I put away my seatbelt bago kinuha ang bag ko na nakalagay sa baba.

"Mga 3pm." he nodded. "Wait mo nalang ako ng kunti." I nodded and we both got out of his car. As usual, dahil kilala ang pamilya nila and many girls admired him. Pinagtinginan agad siya. Napayuko naman akong sinara ang kotse niya at umikot para magsimula ng maglakad paalis.

"Psst." napalingon ako sa kanya ng tawagin niya ako.

"You wait there, later." I furrowed my brows at tiningnan siya ng matagal.

Destined (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon