After nung cliff diving act namin ni Salem ay ganoon nga ang nangyari. Everyone was happy when we did that. Of course, cliff diving act yun eh atsaka ang taas ng tinalon namin pero I wasn't happy. May magagawa ba ako? Lagi namang wala eh. I don't have the rights to say no because ako ang nangailangan.
"Grabe yun, girl." sigaw ni Irish at halatang kinikilig sa aming dalawa. I smiled fakely and continue to enjoy with Irish kahit hindi naman kaenjoy enjoy talaga.
.
Later that night, sa may bonfire kami sa beach house nila kumain. It was a serene night at puno ng kwentuhan ang buong grupo. My mind went off for a moment kaso hindi ko maiwasang hanapin si Salem at si Imee. I know they are making most of their time kaya umiling na lang ako at kumain ng barbeque.
"Saan kayo galing ha?" asar ni Ajeer sa bagong dating na sina Imee at Salem. Salem just smiled at Ajeer and they all laughed.
"I know you are not clueless of what is happening." narinig kong bulong ni Johan sakin. Binigyan niya ako ng barbeque at kinain ko naman iyon.
"You have a say in this, you know." sabi niya and I shrugged.
"We had a deal eh." sambit ko at tumango lang siya.
"The so-mabait-Savannah na kilala ko is always there." he said and I smiled.
"Wala naman akong magagawa, Johan." bulong ko.
'Lagi namang wala.'
"Meron kaya. Andaming pwedeng gawin. Say it directly to him na crush mo siya, maybe he'll consider." sabi niya at dinaluhan ako sa pagpapak ng barbeque.
"O, sabihin nating sinabi ko nga. What will happen? Wala parin naman diba. Mahirap mag-risk."
"Mas mahirap if you let him and my other cousins." umiling lang ako at narinig ko ang buntong hininga niya.
.
Hindi ako makatulog ng gabing iyon kaya lumabas ako para magpahangin. The sea breeze calms me a lot. Niyakap ko ang sarili ko at hinayaan ang sarili kong pakinggan ang agos ng tubig.
"Gabi na." hindi ko siya nilingon. Funny, how I know the sound of his voice kahit hindi ako nakatingin.
"Hindi ako makatulog eh."
"Thanks, Savannah." he said at napalingon naman ako sa kanya. I smiled and nodded.
"Wala 'yon." sagot ko at binalot kami ng katahimikan. "Babalik nako. Goodnight." I told him and he nodded. Papaalis palang ako ng tawagin niya akong muli.
"Goodnight." I smiled at pumasok na sa loob. Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili na makatulog. Bukas ang balik namin at kailangan kong makatulog para naman ay may magawa akong productive bukas.
.
Lumipas ang ilang araw na ganon ang set up namin ni Salem. Lagi silang magkasama ni Imee. Sa umaga, sinusundo niya ako tapos ihahatid sa Uni. Tapos aalis siya para sunduin si Imee. Pag-uwi naman, binababa niya ako sa may kanto para hindi kami paghinalaan ng mga tao sa campus. Nandon naghihintay si Imee. Even Imee knew what was going on. Nag-sorry siya sa akin pero alam niyang didistansiya na siya kapag ikakasal na kami.
"I didn't know na he made a deal like that." paumanhin ni Imee.
"Ano ka ba? Okay lang yon." sagot ko. She held my hand and smiled at me.
"Promise, kapag kinasal na kayo. I'll distance myself na to the both of you." sabi niya at tumango naman ako.
"Thank you." she said at pumasok na sa sasakyan ni Salem. Nagbeep naman sa akin si Salem at kinawayan ko lang sila.
BINABASA MO ANG
Destined (Montenegro Series #1)
Teen FictionMontenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in front of her. Hindi man lang niya naranasang mag-desisyon para sa sarili niya dahil lahat ng ito ay...