Katulad ng sinabi niya kinagabihan ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Excited ako kasi first time kong lalabas o makikipagdate sa opposite sex. Maraming nagtatangkang manligaw kaso kasi masyado akong pihikan pagdaying sa mga lalaki. Hindi ko kasi nakikita ang sarili ko noong panahong iyon na magkaroon ng boyfriend o ano. Kaya bago ko mahing asawa si Salem ay wala akong naging nobyo. Pinakahuling nanligaw siguro sa akin si Kian.
Buti na lang at may nadala akong dress kahit papano. Nakasuot ako ng pink long sleeves dress na pinartneran ko ng knee high boots. Sinuot ko rin ang necklace na bigay niya sa akin. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko at nagmakeup ng light para hindi naman masyadong full makeup ang gagawin ko.
Naglalagay ako ng gamit sa shoulder bag na gagamitin ko ngayong araw ng magsalita siya.
"Are you ready?" Nilingon ko siya at pinasadahan ang suot niya. Nakasuot siya ng white t-short na pinatungan niya ng long sleeves. Nakapantalon din siya at nakalow cut na sneakers. Nakita kong suot niya ang cross necklace na binigay ko. Napatingin ako sa mukha niya at nginitian siya.
"Wait lang." sabi ko at alam kong napairap siya kasi ang dami ng oras na ibinigay niya sa akin tapos hindi pa ako tapos. Nagspray ako ng pabango sa katawan ko at liningon siya. "Okay na."
Naging mabilis ang byahe namin at nakahanap kaagad siya ng mapagpaparkingan ng sasakyan. Napalingon ako sa kanya ng maita ang pinuntahan namin.
"Tokyo Tower?" he nodded and went out of his car. Excited na ginaya ko ang ginawa niya.
"I made a reservation sa restaurant near it. Let's go."
Sinundan ko naman siya at nagulat ako ng bigla siyang huminto kaya nabangga ako sa likuran niya.
"I forgot something. Diyan ka lang." sinundan ko siya ng tingin at nakitang bumalik siya sa sasakyan niya. Pinagmasdan ko na lang muna ang Tokyo Tower. I've been in that tower once and I can say na yun yung pinakamagandang memory na meron ako. The view is breathtaking and worth it puntahan.
"Here." napalingon ako sa kanya at namula ako ng makita ang dala niya. Isang bouquet of pink flowers.
"Thank you." nahihiyang sambit ko at tumango lang siya with a smile in his face. Mas lalo siyang gumwapo sa ngiti niya. Hindi ko alam pero napapatulala ako kapag nakangiti siya. I remember the very first time na ngumiti siya sa akin.
Again, nakasanayan ko ng dumaan sa tapat ng building nila tuwing lunch. Napapansin na rin niya ako siguro. Lagi ba naman akong nadaan don at hinihintay na masilayan man lang siya kahit saglit. Isang araw ay dumaan ako doon at saktong padaan siya kasama ng mga kaibigan niya. I recognize one of them dahil katropa ito ni Johan.
"Uy, Sav. Anong ginagawa mo dito at bakit nandito ka dumadaan?" tanong niya. Nahihiya akong napatingin sa mga kasama niya. Lahat sila ay nginitian ko pati na rin si Salem. Isinukli nilang lahat ang ngiti na ibinigay ko. Nagulat ako ng ganoon din si Salem. Hindi ko tuloy agad nasagot ang tanong ni Claude kasi masyado akong nabihag sa mga ngiting iyon ni Salem.
"Sav!"
"Mas malapit kasi dito yung building namin atsaka mas may lilim dito." alibi ko at tumango naman siya. "Sige una na ako. Babye." paalam ko at dali daling naglakad palayo sa kanilang magtotropa. Nakakahiya ang ginawa ko ng araw na iyon. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit paulit ulit na kahihiyan ang nangyayari kapag nakakahalubilo ko si Salem.
"Let's go." napatingin ako sa mga mata niya at tumango. Binuksan niya ang pintuan at nag-Japanese na naman. Hinatid kami ng lalaking waiter sa nireserba niyang pwesto at hinintay ang order namin. Nakaorder na daw kasi siya ng kakainin namin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun kasi baka kung ano pa ang maorder ko.
BINABASA MO ANG
Destined (Montenegro Series #1)
Teen FictionMontenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in front of her. Hindi man lang niya naranasang mag-desisyon para sa sarili niya dahil lahat ng ito ay...