"No, ano ba? Hindi yan diyan. Sabi ko kasi ako na eh."
"Stop being so maarte. Okay na yan. Ano ba?!" he said and raised up the bottle of dishwashing soap para hindi ko maabot.
"Argh! Salem, give me."
"Okay na kasi yan."
"Ang gulo kaya tingnan. Hindi organize." saad ko at napairap naman siya at binigay na sakin yung bote.
"Bahala ka na nga diyan." iniwan niya ako sa kusina. Napabuntong hininga na lang ako. Kakabalik lang naming galing grocery at eto kami nag-aaway dahil ang gulo ng paglagay niya sa cabinet ng mga pinamili namin.
"After that, we'll watch." saad niya galing sala. Natapos ako ilang minuto bago maachieve ang gusto kong ayos.
"I'll call my parents first." tumango naman siya at umupo ako sa tabi niya atsaka dinial ang number ni Mama.
(Hello, anak.)
"Hi, mom. Nakarating na po kami sa Japan. Kakauwi lang galing grocery."
(Okay, ano ng ginagawa niyo?)
"Manonood po kami ng movie. Ay mom, when po due si Kiana?"
(Next month, anak. I am excited, really. First apo.)
"Ay, mom! Bukas lalabas yung grades. Can you check it for me?"
(Okay, anak. Enjoy kayo diyan. Say hi to Salem for me.)
"Will do, Mom. I love you." binaba ko na ang telepono at nakita ko siyang naglalaro ng Mobile Legends sa cellphone niya. "Sama ako mamaya." sambit ko at tiningnan niya lang ako ng sandali bago napipindot sa cellphone niya.
"You play?" tanong niya at tumango ako.
"Oo, madalas kasama ni Johan."
"Shit." bulong niya ng makita kong sumugod yung isa niyang kakampi sa kalaban.
'Double Kill.... Savage....'
Napanganga na lang ako sa kanya. Edi siya na magaling. Ilang minuto bago natapos ang laro niya at inopen ko na ang app na iyon sa cellphone ko.
"Ayoko na. Napapagod na ako." napasimangot ako.
"Andaya mo." he shook his head and open the TV. Tiningnan ko siya saglit at nagpatuloy lang sa paglalaro. Kasama ko sa laro si Johan kasi ininvite niya ako kanina.
"Shit ka. Johan!" sigaw ko ng sumugod siya bigla ng wala ako. Sinubukan ko siyang tulungan kaso namatay kami pareho. Narinig ko ang bungisngis ni Salem sa tabi ko.
"Ang yabang mo!" sabi ko at nag-shrug lang siya. Sobrang lakas ng nakalaban namin kaya sa huli talo kami. Tinawanan ako ni Salem at hinampas ko naman siya.
"Kaya ayokong maglaro tayo. Sasakit likod ko kakabuhat sayo. Mas mabuti pang maglaro sayo si Imee eh." sambit niya at nalungkot naman ako bigla. Mas gugustuhin niya pang maglaro kasama si Imee kaysa sa asawa niya. Grabe siya.
"Edi huwag. Ikamamatay ko ba kapag hindi tayo nakapaglaro?" pagsusungit ko at nanahimik lang siya at hindi niya ako sinagot. Okay pa naman na ako sa kanya tapos bigla niya akong ikukumpara kay Imee. Ano bang laban ko dun?
Si Imee ay isa sa mga pinakamaganda sa buong campus. People know her kasi nga maganda siya. Lagi siyang pambato ng course namin sa intrams and as a candidate, she is a tough competitor. Beauty and brains ika nga ng iba. Dahil sa mga naisip kong ito ay nainsecure ako bigla at hindi makapagfocus sa pinapanood niyang episode ng isang series.
"Aakyat na ako. Napapagod na ako. Goodnight." mabilis na paalam ko at umakyat na sa kwarto namin. Humiga na ako sa kama at napabuntong hininga.
Kinabukasan ay napagpasyahan naming mamasyal sa Disney Sea dito sa Japan. I am excited kasi first time kong makakapunta dito. Hindi kasi namin napuntahan ito nung bumisita kami. Nauna akong maglakad kay Salem at namangha sa mga nakikita ko.
BINABASA MO ANG
Destined (Montenegro Series #1)
Teen FictionMontenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in front of her. Hindi man lang niya naranasang mag-desisyon para sa sarili niya dahil lahat ng ito ay...