10

11K 207 32
                                    

Hindi naman ako kaagad nakagalaw sa inakto niya. Alam kong sinuot niya lang iyon sa akin kasi nilalamig na ako pero hindi ko parin maiwasang kiligin. Yung crush ko ginawa sa akin yun. Napangiti ako sa naisip.

"I thought you were hungry?" he look at me weirdly. I nodded and put on the jacket he gave me pati na rin yung gloves. I zip up the jacket and followed him papasok sa restaurant.

The place has this homey vibe. Medyo mainit din marahil na rin siguro sa heater na meron sila. Halos lahat ay gawa sa kahoy at napakaelegante nitong tingnan. Halos lahat ng kumakain dito ay turistang couple o kaya pamilya.

Pumila kami at napatingala ako sa menu ng restaurant. Nag-isip ako ng pwedeng kainin.

"What do you want?" he asks. Napalingon naman ako sa kanya at napaiwas ng tingin ng mapansing medyo malapit ang mukha namin sa isa't isa. Nakayuko kasi siya kasi hanggang balikat niya lang ako.

"Ano bang masarap?" I asks and he look at the menu for a moment.

"I prefer Miso flavor sa ramen." napasimangot naman ako. Ayoko kasi ng lasa ng miso soup. Natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Masarap yung Tonkotsu. Pork bone broth based siya." he suggested and I nodded.

"Yun na lang." saad ko at tumango naman siya. Nag-order na siya at kinalabit ko naman siya.

"Ano?"

"Gusto ko rin ng Takoyaki tsaka Salmon sushi." nahihiyang sabi ko. Natakam kasi ako sa menu nila. Tumango naman siya at sinabi ang order namin.

"Arigatōgozaimashita." saad niya at ngumiti naman ang kahera sa kanya at nagbow. Umupo kami sa malapit sa bintana.

"Marunong kang mag-Japanese?" hindi ko mapigilang magtanong kasi namangha ako sa accent niya kanina. Halatang sanay sanay siyang mag-Japanese sa hinawa niya kanina. May lahi ba silang Japanese? Parang hindi naman halata.

"Sukoshi." (A Little) tumango naman ako animo'y naiintindihan ko ang sinabi niya.

"Paano ka natuto?" tinanggal ko ang gloves ko para makakain ako ng maigi mamaya kapag dumating na ang pagkain namin.

"Lagi kami nandito for holidays dahil nandito nakabase ang Lolo ko sa mother side. I learn some words pero hindi ganon kabihasa." tumango ako sa nalaman tungkol sa kanya. Ilang minuto lang ay dumating na ang pagkain namin at akmang kakain na sana siya ng hampasin ko ang kamay niya.

"Saglit." sabi ko at pinicturan ang pagkain namin. He muttered something under his breath and waited for me to be done. Pinost ko ito sa IG story ko at tinag siya.

"Okay na." masayang sabi ko at kumuha na ng chopstick.

"Why do you need to take a picture of it?" he asks ng makita kong tiningnan niya ang tinag kong story sa kanya.

"Memories lang. Minsan lang mangyari ang mga bagay bagay so you need to treasure it." saad ko.

"That's why you have a lot of stories sa Instagram." he commented at kumain na ng ramen niya.

"Bakit mo alam? Stalker kita no?" I teased and he huffed in response.

"Napindot ko lang yung account mo one time." napangiti naman ako.

"I'm serious." he said at mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Wala naman akong sinasabi. Masyado kang defensive. Napag-hahalataan ka."

"Ha? Eh ikaw nga you are following me. It means sa ating dalawa ikaw ang stalker." he said and I giggled.

"Okay. Stop being grumpy." asar ko pa at napailing na lang siya. Ang cute niya lang.

Destined (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon