29

11.1K 188 7
                                    

"Can we talk tomorrow?" napapikit ako sa tanong ko. Ano ba namang tanong yun, Sav? Nakakahiya. "Kung may gagawin ka, okay lang. Hindi naman ako nagmamadali." mas lalo akong napapikit sa sinambit ko.

I heard him chuckle. (I am definitely free tomorrow. Saan mo gustong mag-usap?)

"Kahit saan. Ikaw bahala." saad ko at namula sa sinabi ko. Para akong nagpapaligaw sa ginagawa ko. Get yourself together, Savannah.

(Can I pick you up tomorrow after class? We have an early dismissal tomorrow.) mungkahi niya at kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko na kiligin masyado.

"Okay." sagot ko. "Goodnight." he muttered a goodnight bago ko binaba ang telepono. I sighed. I hope everything will turn out good tomorrow.

"Alam mo ikaw ang landi mo." nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Irish is standing there with her eyes teasing me.

"Tsismosa." komento ko at pumasok na sa loob ng kwarto ko. Tulog parin si Brielle at Carson. Hindi nila pinansin ang lakas ng tunog ng phone ko kanina.

"I've made my decision." she whispered and I look at her. She sadly smiled at me. Sa mga ngiti niyang iyon alam ko na ang gagawin niya. Nilapitan ko siya at niyakap.

"I am proud of you." sabi ko at niyakap niya ako pabalik.

"I know, I am proud of myself also." mayabang na sabi niya at natawa ako ng mahina.

"Matulog na nga tayo. Maaga pa tayo bukas." sabi ko at hinila na siya papuntang kama ko at humiga na kami.

Kinabukasan ay halos maistress ako sa dami ng pinapapasa. Malapit ng matapos ang finals at ilang linggo na lang ay mag-eexams na. Kasalukuyan kong tinatapos ang isang project na due bukas. Ayokong gawin ito mamaya kasi may usapan kami ni Salem.

"Alam mo mas lalong hindi matutuwa si Salem kapag nagkita kayo at nalaman niyang hindi ka mag-lulunch." sabi ni Irish an pinagmamasdan akong gumawa.

"I need to finish this, Irish. Tulungan mo na lang kaya ako. Atsaka mabilis na lang to." sabi ko habang nagdidikit ng border sa cartolina na binili ko kanina nung vacant ko.

"Ayoko ngang tulungan ka. Nagugutom na ako, Sav. Mamaya na lang yan may vacant naman tayo after nito eh. Tara na." pagmamaktol ni Irish kaya napabuntong hininga ako.

"Okay. Okay. Ito na." sabi ko at ngumiti naman siya sa akin. Yung ngiting tagumpay na klase ng ngiti. "Bibilhan mo ko ng banana cue dahil sa ginawa mo." hamon ko at tumango lang siya.

"Kahit sampu pa gusto mo." sambit niya at niligpit ko ng mabilisan ang gamit ko bago bumaba.

Nang makababa na kami ay nakita ko si Kian na nag-aantay sa baba. Nakatingin siya sa aming dalawa.

"Akala ko ba decided ka na?" I whispered and she nodded.

"Pwede namang makahingi ng kunting araw diba?" she said and I smiled. Kinawayan ko si Kian at ngumiti ito sa akin.

"Saan niyo gustong kumain, girls?" He asks.

"Wag kang ano. Manlilibre ka ba?" asar ni Irish at nag-scoff lang si Kian sa kanya.

"Bilhin pa kita eh." paglalandi ni Kian at tumawa naman ito ng hampasin siya ni Irish.

"I will sure miss this Kian-Irish banter." sambit ko. Tinakpan ko ang bunganga ko ng tumigil silang dalawa.

"Uhm, tara na?" Kian lead the way and I shut my mouth.

"Pasmado bibig mo no?" Irish whispered at kinurot ko naman siya. Napadaing siya ng mahina.

Destined (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon