"It's positive. I'm pregnant."
Alam mo yung nga salitang gusto mong paulitin kasi nakakabigla ito at akala mo sa oras na yon ay nagkaroon ng malfunction sa utak mo. Halos mabingi ako sa sinabi ni Imee. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi man lang ako umabot sa bukana ng pintuan. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapag-isip. Hindi ko alam ang gagawin ko. Her words are loud enough to make me stiff.
Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi dahil sa tuwa, sa kilig o sa kahit anong positibong emosyon. I am terrified.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, Salem. I'm sorry." iyak ni Imee. I saw Salem look at me. Unti-unti kong naramdaman ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Nanlamig ang buong katawan ko.
"Sav, let me explain." he begged. Hindi ko man lang namalayan na nasa harapan ko na siya. His eyes were begging for a chance to explain himself. "It's not what you think. Sav, please."
"Imee, p-pumasok ka muna." I sobbed at halos hindi naman makagalaw si Imee sa labas ng pintuan namin.
All this time I thought there casual meetings are nothing. Akala ko may sinasabi lang siya kay Salem na importante. Akala ko lang pala yun. Sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala.
"S-sav? I-i'm sorry." she sobbed. "H-hindi k-ko intensyong m-manira p-pero w-e, I mean, I can explain." hikbi niya.
"Please, Imee. Pumasok ka muna." I said while shutting my eyes close.
"Baby, look at me. Let me explain. It is a mistake." nakita ko na naman ang mukha ni Salem sa harapan ko. Everything is crystal clear. Bakit kailangan pang isampal sa akin ang katotohanan?
Hindi naman kasalanan ang ginawa nila eh because I know that all this time mahal nila ang isa't isa. Who am I to say na mali o mistake ang ginawa nila? Dapat nga ay matuwa pa sila. This is their chance to finally be together and as a woman, with full understanding of what is happening, I will be out of their sight. Para mabuo na nila ang happy ending nila.
"M-mag-usap kayo dito. May pupuntahan lang ako." hikbi ko at dali daling bumaba. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natutuliro ako sa mga kaganapan. Hindi ko alam kung tama ba na nalaman ko ang mga kasinungalingan nila o dapat nanatili na lang akong bulag sa katotohanan. Napagtanto kong living in a lie isn't bad at all as long as you weren't hurt.
Nang makababa na ako sa parking lot ay naramdaman ko ang yakap ni Salem para pigilan ako. Napaiyak ako ng sobra sa ginawa niya.
"Sav, please. I love you." he is sobbing. Masakit sakin na nasasaktan din siya sa sitwasyon. Hinarap ko siya and I cupped his cheeks. I think this will be the last time that I will see is face. I smiled.
"Bumalik ka na don. Please, Salem."
"No, Sav. Ipapaliwanag ko lahat sayo. Mahal na mahal kita." How I dream to hear him say those words? Napangisi ako lagi na lang wrong timing.
"Salem, you don't need to explain. Bumalik ka na don, please." he shook his head while I am still holding his face. He held my hand and kiss it.
"Huwag mo kong iwan." he whispered. His cheeks were damp dahil sa pag-iyak. Agad kong binawi ang kamay ko kasi alam kong rurupok ako sa kanya agad.
"Bumalik ka na doon." sabi ko at pinilit na bitawan niya ang kamay ko. Nakita ko ang taxi na pinatawag ko sa lobby kanina nung bumaba ako.
"Kuya, tara na po." sabi ko at nakitang palapit na si Salem sa akin. Nang makalayo na ang taxi ay doon lang bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng taxi driver pero wala na akong pakialam. I just cried my hearts out. Hanggang sa dumating ako sa amin ay umiiyak parin ako.
BINABASA MO ANG
Destined (Montenegro Series #1)
Teen FictionMontenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in front of her. Hindi man lang niya naranasang mag-desisyon para sa sarili niya dahil lahat ng ito ay...