"Tigilan mo yan. Naiinis na ko." sambit ko kasi hindi pa siya tumitigil kakaasar sa akin. Imbes na tumigil tinawanan niya pa ako lalo.
"Bakit ayaw mo ba? Tayo lang dalawa dito oh."
"Sasapakin kita. Hindi ako natutuwa." nakita niya siguro na seryoso ako kaya tumigil siya. Lumapit siya sa akin at kinabahan naman ako. "Sasapakin kita talaga." banta ko at nagulat ako ng hilahin niya ako at yakapin.
"Joke lang." namula naman ako sa ginawa niya. Pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya pero dahil malakas siya ay hindi ko nagawa. Hinampas ko siya ng hinampas at tawa lang siya ng tawa.
"Hoy! Ano yan?!" naalis ko kaagad ang pagkakayakap niya sa akin. Sinampal ko siya kaya nagsitawanan naman ang mga pinsan niya.
"Kayo ah." pangangasar ni Kian sa aming dalawa. Sinamaan ko ng tingin si Kian at itinaas naman niya ang kamay niya.
"Tara na. Manood tayo." yaya ni Corrine at kanya kanya naman kaming pwesto sa sala nila. Umupo ako sa tabi ni Isla. Nagulat ako ng tabihan ako sa kabila ni Salem.
"Bawal MOMOL ah." binatukan naman ni Salem si Kian na ikinatawa naman ng huli. Napailing na lang ako at nagpokus na sa panonood.
Isang linggo ang lumipas at ngayon ang araw na lilipat na ako sa condo ni Salem. Tinutulungan ako ngayon ng mga kaibigan ko kasi magkakaroon din ng house blessing dahil ngayon lang ito matitirhan.
"Pakilagay nga nito." utos ko kay Brielle na malapit sa akin. Kinuha naman niya ang inuutos ko at nilagay sa tinuro ko.
"Okay na?"
"Yes. Thanks, girls for helping me." sabi ko at pinagpag ang damit ko.
"Maligo ka na. Kami na magbaba nito don." utos ni Carson at tumango naman ako. Matapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng white spring dress at brinaid ang buhok ko. Naglagay ako ng light make up at sinuot ang kwintas na binigay ni Salem sa akin. I also wear a gladiator sandals na kulay brown.
Bumaba na ako matapos kong magbihis at nakita na inilalagay na sa likod ng sasakyan ni Salem ang gamit ko. Kinuha ko ang ibang gamit ko at tinulungan sila.
"Here." sabi ko at binigay ang isang box kay Salem. "Morning!" I smiled and he smiled back.
"Yan na ba lahat ng gamit mo?" tumango ako at isinara naman niya ang likod ng sasakyan niya.
"Salem, anak, this is the first time na mahihiwalay ang anak ko sa amin. Please take care of her. Alam kong hindi kayo masyadong okay dahil sa sitwasyon niyo pero I hope that this will be a way for you to start over." Mom said. Hindi ko alam na napapansin niya pala ang pakikitungo namin sa isa't isa noon. Medyo ilang pa rin ako sa kanya pero hindi na ganon kalala katulad ng dati. Medyo maayos naman ang pakikitungo niya sa akin ngayon kaysa noon.
"I will, Tita. Don't worry po."
"O siya sige. Susunod na lang kami doon kapag house blessing na." paalam ni Mommy. I kissed her cheeks and hug her tighter.
"Kahit sa ibang bahay ka na nakatira, you will always be my baby. Okay? Welcome ka parin dito." she whispered and I nodded.
"I love you, Mom."
"I love you too."
Humiwalay na ako sa kanya at sumakay na sa sasakyan ni Salem. Agad naman niya itong pinaandar at umalis na kami.
"Are you hungry? Nagugutom na ako."
"Medyo. Daan muna tayo sa McDonalds or something." sabi ko at tumango naman siya. Ipinark niya ang sasakyan niya ng may madaanan kami. Sabay kaming bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto. Madali kaming nakabili ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Destined (Montenegro Series #1)
Teen FictionMontenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in front of her. Hindi man lang niya naranasang mag-desisyon para sa sarili niya dahil lahat ng ito ay...