Chapter Three:

84 11 0
                                    


"Hey stupid nerd, nakapaghanda ka na ba?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Harietta, muli na namang nandidilim ang kanyang paningin.

"Hindi mo ba tatanggalin yan?" Iritadong tugon nya rito.

Pano ay bigla sya nitong inakbayan. Most of all she hates pervert guys.

Lalo pang hinigpitan ni Andreleus ang pagkakaakbay niya sa balikat nito."Siguro naman natatakot ka na sa akin?"

"Nagpapatawa ka ba? Why would I be afraid?"

"I can kill you right now, in front of them." There goes again his terrorizing voice. Sa tono ng pagkakasalita nito ay sadyang nakakatakot.

Hindi kumibo si Harietta, she closed her eyes trying to calm herself down.

"Hey bat wala kang boobs."

Tila may kung anong bomba ang sumabog sa kalamnan ng dalaga. Tuluyang nandilim ang kanyang paningin at umikot ang kapaligiran.

"ANONGGG SINABBIII MOOO!!!!!!!!"

Nakatingin ang lahat sa kanila ngayon. She couldnt help it.

"Omegash! Did she just-"

"Kick Andreleus's banana?"

Yeah you heard it right. Sinipa nga nya ang pagkalalaki ng binata. Halos mapahawak ito sa sinipa ng dalaga.

Nanatiling nakatulala ang lahat ng mga estudyante, hinihintay ang gagawing ganti ng tinaguriang secret mafia boss.

"Better stay away from me." banta ni Harietta sa binata.

Paalis na sana sya nang may humarang sa kanyang mga kalalakihan. Nakangiti ang mga ito.

Pumaharap ang isang lalaki habang ipinapalakpak ang kanyang mga kamay."Brave girl. Sabi ko nga ba walang ipapalag 'tong si Andreleus e. He's just a naughty, coward and stupid jerk acting like a mafia boss." litanya nito at kasunod non ang malakas na paghalakhak.

Kita sa mga mata ngayon ni Andreleus ang galit, halos mapakuyom ang mga kamao nito.

"She can't even fight a girl. Walang silbi." dagdag pa nito at akmang aalis na nang biglang itulak ni Andreleus si Harietta dahilan para bumagsak sya sa sahig.

He tsked."Who told you so na hindi ko kayang manakit ng isang babae?" maangas nyang sambit at kapagkuwan ay binalingan ng tingin ang dalaga.

"I can kill this girl infront of you." He seriously said.

Palapit sya ng palapit kay Harietta dahilan upang bahagya itong mapaatras mula sa kanyang kinauupuan.

Lalo pang tumindi ang kabang nararamdaman ni Harietta nang maglabas si Andreleus ng baril at itinutok sa kanya.

"Please don't..." nanginginig na pakiusap ng dalaga. Hindi nya naman kasi lubos maisip na ganito pala ang kahahantungan ng lahat.

"What are you waiting for? Shot her now." panunukso nila.

Iba ang sinasabi ng mga mata ni Andreleus. Harrieta could see that right now,tila ba sinasabi nitong hindi nya gusto ang kanyang ginagawa.

Ipinikit nya ang kanyang mga mata at hinintay ang kanyang katapusan.

"Ennouughh!"

Nang ipaputok iyon ni Andreleus ay may humila sa kanya. Hindi sya natamaan subalit nadaplisan ang kanyang balikat.

Tila ba nawala sya sa kanyang ulirat, nanatili syang nakatulala habang tumutulo ang kanyang mga luha. She never thought a day like this would come to her.

Nag-angat sya ng ulo at tinignan si Andreleus. He was staring at her too na dahilan upang magtama ang kanilang mga paningin. Muli na naman nyang nakita ang kakaibang kislap sa mga mata ng binata pero nawalan na sya ng pakealam doon. Para sa kanya'y demonyo ang lalaking ito.

"I told you to stay away from me." Huli nitong bigkas bago tuluyang umalis.

"Harrieta okay ka lang ba? Urgh that guy was a bastard." Nanggigigil na anas ni Valeria. It was her, sya ang humila kay Harietta kanina.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

"HEY sigurado ka bang ok ka lang dito mag-isa?" Nag-aalalang wika ni Valeria.

Tumango-tango lamang si Harietta. Hanggang ngayon kasi ay lutang na lutang pa rin sya dahil sa mga nangyari kanina.

"Babalik na lang ako mamaya. May mga classes pa kasi ako. Bye bye honeybunch, pagaling ka." Pagpapaalam nya tsaka tuluyang umalis.

Kasasarado pa lamang ng pintuan ng clinic nang muli itong magbukas. Iniluwa nito ang pinakakinaiinisang halimaw ni Harietta.

"Bakit ka nandito? Are you going to kill me? Then fine! Alam ko namang kating-kati kang patayin ako, nang dahil lamang sa insidenteng nangyari sa jeep kaya ka nagkakaganyan. Ang babaw mo naman pala e. Sige patayi-"

"Masakit pa ba yan?"seryosomg tanong nito habang nakatingin sa balikat ng dalaga.

"Wala ka ng pake don. Just go away! Ayokong makita ang pagmumukha mo! Halima-"

Natigilan sya dahil sa ginawa ng binata. Pano ay bigla nitong isinubo sa kanya ang isang malaking mansanas.

"O ayan, kapag kumain ka ng maraming prutas gagaling din yan."wika nito tsaka ngumiti.

Kaagad nya naman itong iniluwa sabay tingin ng masama kay Andreleus. Kanina lamang kasi para itong demonyo tapos ngayon kung umasta ay para itong isang batang anghel.

"Tungkol nga pala sa sinabi ko kanina..." aniya saka tumayo.

Ngumiti muna ito bago ipinagpatuloy ang sasabihin."Actually meron ka naman talagang boobs. Hindi nga lang kalakihan."

Dumidilim ang paningin ng dalaga, gusto nyang sipain muli ang lalaking nasa harapan nya subalit alam nyang di nya magagawa dahil sa kalagayan nya ngayon.

"Humanda ka saking duwag na halimaw ka. Kikitilin ko ang buhay mo sa oras na makaalis ako dito." Tila kamatis na ang buong mukha nya dahil sa pamumula nito.

"Don't think about it to much. Sadyang may mga babae lang talagang ipinaglihi sa pader. That's normal." Mapanuksong dagdag nito habang pinipihit ang door knob.

"Lumayas ka na bago pa ako masaniban dito at baka kung anong magawa ko sa 'yo."

"Ah there's one more thing, hindi ba't sinipa mo kanina 'tong talong ko? Humanda ka sakin kapag nabaog ako at hindi na ako makabuntis."

"Tch. And so? Are you sure about it?"

Ngumisi ito ng nakakaloko."Bakit di natin subukan?"

After saying those words tuluyan nya ng isinarado ang pinto leaving Harietta blushing because of anger.


I really don't know what's on that guy. Is he a monster? Or a secret angel?

Love In Trouble [¤ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon