"WHAT!?" Halos mapatayo sya mula sa kanyang pagkakaupo.
"Don't worry, magdidisguise kayo bilang Harietta Eyra Figuerias. Magsasalit-salitan kayo sa paglabas araw-araw. You should also change your looks at hin-"
"Dad! Are you out of your mind? Masisira ang pag-aaral ko and I won't let that happen."
"Well that's the only way you could save our family. Please iha, I'm begging you. Here's a tip- Tuwing hapon isusulat nyo lahat ng mga nangyari sa araw na iyon at ibibigay sa kung sino man ang nakaschedule sa susunod na araw."
Marahas na inilapag ni Harietta ang kutsara at tinidor sa hapag-kainan."Nawalan na ako ng gana. Pupunta muna ako sa kwarto ko, I have to relieve myself. And you A.K.A stepsister, don't call me ate. It does not suits you." aniya saka muling ipinaikot ang kanyang mga mata.
SUMALAMPAK kaagad sya sa kanyang kama. A new princess has arrived to take away her throne at hindi nya hahayaan iyon.
Napatingala sya sa kisame nang muling maalala ang mukha ni Zeriya. They look really the same. Nakakapangilabot iyon at the thought na hindi naman sila kambal o magkadugo.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagmumuni-muni biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Hey kamatis, wanna go out?"
Sa 'kamatis pa lamang ay alam nya na kung sino iyon. Kusang gumuhit ang malapad na ngiti sa kanyang labi. It was weird at nagsimula iyon kahapon, she kept on smiling sa tuwing nandyan si Andreleus.
"Ayoko. Inaantok pa ako." She replied.
"Tsk, hindi lalaki yung kamatis mo dyan. Wag ka ng umasa. :)"
Kahit talaga sa chat ay makulit ito.
"Where did you get my number alien?"
"Aba't nakaisip din ng ganti hah. Bumangon ka na dyan, susunduin na kita."
Dagli syang napaupo. Hindi alam ng binata na mayaman sya o kaya'y isa syang Figuerias. Paano nito nalaman ang address nya?
"Hey, alam mo ba kung saan ako nakatira."
Nanginginig ang mga kamay nya habang hinihintay ang reply nito. Wala dapat makaalam na isa syang Figuerias, masisira ang mga plano nya.
"Hindi,pero kaya kitang ipahanap sa tito kong detective."
"Fine. Meet me at the park. 3:00 P.M"
NAGLALAKAD-LAKAD si Harietta sa Park. 2:50 P.M pa lang kasi at wala pa doon si Andreleus. Naka suot sya ngayon ng kulay asul na dress with matching sandal at pouch na kulay asul din. Animo'y makikipagkita ito sa kasintahan.
"Hey kamatis, bakit ganyan ang suot mo?"
Nilingon nya ang lalaking nagsalita sa kanyang likuran. Pinagmasdan nya ito mula ulo hanggang paa.
"Bakit di mo sinabing sa bukid pala tayo pupunta?" Asar niyang wika.
Napahagikgik ang binata."E may sinabi ba akong makikipagmeeting tayo sa mga sikat na businessman."
Halos mapahawak ito sa kanyang tiyan sa katatawa. Hindi nakapagpigil si Harietta, nandilim ang kanyang paningin kaya kaagad nyang kinutusan si Andreleus.
"Bahala ka dyan Alien, makauwi na nga."
Aalis na sana sya nang hawakan ni Andreleus ang kanyang braso.
BINABASA MO ANG
Love In Trouble [¤ONGOING]
RandomSabi nila,"There are 7 people out there who looks like you or has the same face with you." Harietta didn't believe that at first pero nagsimula ang lahat dahil sa isang pangyayari. Mula nang pumasok sya ay mas pinili nyang magdisguise bilang isang n...