Chapter Seven:

58 11 0
                                    


"BAKIT ka na naman nakialam? Bakit m-mo ginawa y...yun?" nanghihinang tanong nya sa lalaking may buhat sa kanya ngayon.

Bumuntong-hininga lamang ito saka ipinagpatuloy ang paglalakad."Hindi ako ganun kasama para hayaan kang mamatay. I told you already hindi pa ako tapos sa 'yo. Ako lang ang pwedeng pumatay sa 'yo."

"T..thank you."

Napangiti ang binata."Marunong ka pa lang mag-thank you e, kahit panget ka."

Hindi kumibo ang dalaga at pumikit na lamang, nanghihina sya at wala na syang lakas upang rumesbak pa sa unggoy na nasa harapan nya.

"Hoy panget na lampa na pader na kamatis! Huwag kang mag-isip ng kung ano dyan hah. Tsaka isa pa huwag mo akong tsansingan."

Patuloy pa rin ang paghalakhak ng binata kahit parang wala na syang kausap. He was so happy sa hindi nya mawaring dahilan.

Tumikhim ang binata nang mapagtantong nagmumukha na syang tanga. "Should I take you home? Kaso kamatis di ko alam bahay ny-"

"Don't. Hindi ako pwedeng magpakita kila mama sa ganitong kalagayan. Take me anywhere... pleassee." kaagad nyang tugon na hindi man lang nagmumulat ng mata.






"BUBUHATIN na kita. Huwag ka ng gumalaw kamatis."

Umirap si Harietta."Why do you keep on calling me with that name?" iritado nyang tanong.

Ngumiti ang binata."Ganun kasi kalaki yang boobs mo." tugon nito saka nag peace sign.

"Shut up! It's not funny."

Inayos ni Andreleus ang kanyang sarili."Binibiro lang kita. Tara pasok na tayo." seryoso nyang wika at binuhat si Harietta.

"Makikiligo lang ako tapos uuwi na ako. I have no plans to stay here." litanya ni Harietta nang maibaba sya ni Andreleus.

"Wala naman akong sinabi hah, you're overthinking. Ang tanong may pagbibihisan ka ba?"

Napayuko si Harietta. Naalala nya wala nga pala syang bihisan, pero hindi sya pwedeng umuwi na ganito ang suot nya.

Ngumiti si Andreleus saka umalis. Kapagkuwan ay bumalik din ito bitbit ang isang paper bag.

"Except if you'll wear that." sambit nya saka inihagis ang paper bag na kaagad ding nasalo ni Harietta.

Sinilip nya ang laman nito at kaagad sinamaan ng tingin ang binata."Yucks! Are you serious?"

T-shirt at short iyon ng binata.

"You know what? You're totally different from a normal girl. Nagkakandarapa silang mahawakan ako and you? Are you really a nerd? Tch." dismayadong wika ng binata saka sumalampak sa sofa.

"Whatever. Saan yung banyo?"

"There."

"Hey you, don't try to touch my used stuffs there. Huwag mo'kong pagnasaan." Muli na naman syang humalakhak ng napakalakas.

Umirap lamang sya at nagdire-diretso sa itinurong direkyon ng binata. Pagkapasok nya doon ay namangha sya dahil napakalinis ng loob nito. Organisado ang lahat maliban sa...

"OMG! My innocent eyes!"

Kaagad nyang tinakpan ang kanyang mga mata nang mahagip nito ang mga boxers at brief ng binata na nakasabit sa kanang bahagi ng banyo.

Humarap sya sa shower at binuksan iyon. Napaatras sya nang tumulo ang mga patak ng tubig sa mukha niya. Muling bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari kanina.

She was a total mess, naaawa sya sa kanyang sarili. Bakit hindi nya sinubukang lumaban? Bakit niya hinayaang apihin sya ng ganun na lamang? Maybe she deserves to be in pain, baka ito ang kabayaran sa mga kasamaang ginawa niya noon.

Tears slowly came falling from her eyes. Naalala nya ang mga kababuyang ginawa sa kanya. She remember everything.

"Tama na!!! Please huwag... tama na..." hagulgol nya saka tinakpan ang kanyang mga tenga.




"Hey are you ok?"

Nagmamadaling lumapit si Andreleus at niyakap siya.

"Please don't... ayoko, pleasee nagmamakaawa ako sa 'yo."

Humahagulgol na pagmamakaawa ng dalaga habang mahigpit na nakakapit sa dibdib ng binata.


Napatingin si Andreleus sa mga mata niya. It was very deep yet filled with sadness and pain.

"Don't worry. I won't hurt you, kaya tahan na ok?" anas nya at pagkatapos ay pinunasan ang mga mata ng dalaga. Mahigpit nya itong niyakap.

"After you take a bath ihahatid na kita sa inyo. You'll be safe."







HALOS isang oras din naghintay si Andreleus. Ginagamot nya ang mga pasang nakuha nya kanina. Akala nya ay tuluyan na syang papatayin ni Phiero, mabuti na lamang at may mga pulis na nagsidatingan.

Kapagkuwan ay napatayo siya nang lumabas ng banyo si Harietta. She was wearing his shirt and his short, gusto nya sanang matawa kaso mukhang hindi iyon ang tamang oras.

"Ok ka na ba? May masakit pa ba sa 'yo?" tanong nya.

"Wala." She coldly replied tsaka ipinalikod ang kanang kamay nya.

Napagtanto kaagad iyon ng binata kaya kaagad nyang kinuha ang kamay nito. Nang maipaharap nya ito ay biglang sinampal ng dalaga ang kanyang kamay.

"Bakit ba napakatanga mo? You keep on asking me kung ok lang ako, samantalang ikaw yung mas nasaktan dyan. Don't be stupid Andreleus, care about yourself first."

"It doesn't hurt. Mas malakas kaya ako kesa sa 'yo." sagot nya at ngumiti.

"Can you stop acting na para bang ok lang ang lahat,na para bang hindi ka nasasaktan. You foolish man."

Nagulat sya nang itulak siya ni Harietta paupo sa sofa. Kinuha nito ang first aid kit na nasa lamesa pati ang 'ice compressor' at inilagay sa mukha ng binata na may pasa.


Nanatiling nakamasid si Andreleus sa mukha ng dalaga. Pakiramdam nya ay concern ito sa kanya.




"Why did you do that?"

Napakunot-noo ang binata."Anong ibig mong sabihin?"

"Alam ko na ang lahat. Nung araw na iyon may usapan kayo ni Phiero. Bakit mo ako niligtas kahit pa alam mong kamataynan ang kabayaran nun?" tanong ni Harietta na hindi mam lang tumitingin sa mga mata nya bagkus ay ipinagpapatuloy lamang ang ginagawa.


"I can't just stand there. Hindi ko kayang panoorin ka o hayaan kang mamatay. Baka makonsenaya lang ako kap-"

Inihagis ni Harietta ang hawak niya. Galit nyang tinignan si Andreleus.

"Sana iniwan mo na lang ako! Sana hinayaan mo na lang akong mamatay! Hindi mo dapat inuuna ang iba kesa sa sarili mo! Do you know what you called that? Katangahan. Don't be a fool Andreleus."


"If that was being a fool then i would like to be a fool forever."




Nagulat si Harietta nang biglang syang yakapin ni Andreleus mula sa likuran. Ramdam nya ang mainit na hininga nito na dumadampi sa kanyang tenga.

"I'm sorry for everything."







♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡













Love In Trouble [¤ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon