Chapter Thirteen:

58 10 0
                                    


NANG makapasok si Zeriya sa kotse ay kaagad nyang ihinagis ang suot nyang makapal na eyeglasses. Inayos nya ang kanyang buhok at tinanggal ang unipormeng suot nya. Nakapadoble kasi sa loob nito ang unipormeng mas maiksi at mas hapit sa kanyang katawan.

Ayaw nyang pumasok sa ganoong suot, nakakahiya. Alam nyang magsisilbi iyong hudyat upang mag-away sila ng kanyang kapatid gunit wala syang pakealam roon.

"Manong park the car kung saan ako ang magiging center of attraction. Yung maiinggit silang lahat sa akin."aniya saka maangas na inilibot ang paningin sa academy na papasukan nya.

This would be fun.

Paloob na sila ng gate nang may makakuha sa atensyon ng dalaga. Mayroong apat na kalalakihang may bitbit na timba. That's unusual kasi Y.A was the most prestigious academy in the country yet mayroong nag-iigib?

"Stop the car for a while."

Binuksan nya ang bintana. Akmang magsasalita sana sya nang biglang magsalita ang isa sa mga ito.

"Saan natin to ilalagay? "

"Sa gym saan pa ba? I'm sure nandun na si Harietta ngayon. Hahaha."

"Dalian nyo na napakabaho pala ng dugo ng baboy."

"Lagot tayo kay ms. Frea kapag pumalpak tayo dito."

Nagulantang sya sa narinig. There's something wrong going on, bakit narinig nya ang pangalan ng kanyang kapatid.

Isinuot nya ang kanyang sunglasses at isinawalang-bahala iyon. Everyone's attention was on her car, paano ay bagong labas palang ito na model na nagkakahalaga ng isang bilyon.

Bumaba ang driver nya upang pagbuksan sya ng pinto. Halos hindi makagalaw ang mga tao sa paligid at tila nagpipigil ng hininga upang mapagsino ang lalabas ng kotse.


Everyone was amazed na pilit kinikilala ang kanyang pagkatao.

May bagong chicks!

Ugh, ang hot naman niya.

Transfer student?

I'm sure napakayaman niya.


Maangas at dahan-dahan nyang ibinaba ang suot nyang sunglasses. Everyone is waiting to see her face.

"OHMYGASH! IS THIS FOR REAL?"

"HARIETTA? SYA BA TALAGA YAN?!"

"NO! NO ! NO! HINDI SYA YAN"


Ngumiti nang nakakaloka si Zeriya at iniligid-ligid ang paningin. Ilang sandali lamang ay may humahangos na babaeng lumapit sa kanya.

Pinagmasdan nya muna ito mula ulo hanggang paa. Masasabi nyang hot din ito tignan kasi maiksi din ang palda hindi gaya ni Harietta. Maporma din ito at sa unang tingin ay aakalain mong siga-siga.

"Harietta bakit ngayon ka lang?"

Kumunot ang noo ni Zeriya. Hindi iyon ang ineexpect nyang itatanong nito. Ni hindi man lang kasi nito napuna ang bagong hitsura nya. She must be Valeria.


"That's all? Hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit ganito na ang itsura ko ngayon?"

Suminghal ito."There's nothing new. Duhh Harietta ganyan ka kaya pumorma back when were high school, so ano namang nakapagtataka dyan?"

Love In Trouble [¤ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon