Chapter Four:

72 10 0
                                    


"ANO ka ba? Hindi ba't madalas naman natin 'tong ginagawa dati? Ngayon ka pa talaga nagkaganyan." wika ni Valeria habang pinapahiran ng lipstick ang kanyang labi.

Huminga ng malalim si Harietta."E kasi naman baka magalit sa'kin si dad. Alam mo namang matagal ko ng pinangarap makapasok sa Yvares diba, ayokong masira ang lahat kapag nalaman nyang nagcu'cutting classes ako."

Umirap-irap muna si Valeria bago humarap sa kanya."O c'mon, hindi nya 'to malalaman. Naalala mo yung insidente sa CR ng N-"

Biglang natuliro si Harietta."Please don't mention that... bahala ka nga dyan. Shit!"

Nagcross-arms sya tsaka lumabas ng restroom. Nag-iinit ang ulo nya sa tuwing maririnig ang pangyayaring iyon-ang pangyayaring matagal nya ng gustong kalimutan.

Napahinto sya saglit sa tapat ng bookstore. Wala syang pakealam sa kanyang kapaligiran dahil nga mainit ang kanyang ulo. Kahit pa siguro may magpatayan dyan ay hindi nya malalaman.

"Lights... Camera... Action..."

Napalingon sya sa kanyang likuran. May isang lalaking nakasuot ng shades ang humahakbang papalapit sa kanya. Kumunot ang kanyang noo dahil huminto ito sa harap nya.

Ikinagulat nya nang isandal sya nito sa glass wall at palibutan ng kanyang mga kamay. "I love you and you're mine. Mine alone."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang siilin sya ng marahas na halik ng estrangherong ito. Nandidilim ang kanyang paningin gaya ng parating nangyayari sa tuwing naiinis sya. Gusto nya itong pagsasampalin at pagmumurahin.

"You stupid jerk! Bastos! Manyakis!" Galit nyang bulyaw at kasunod non ang malutong na sampal na dumapo sa pisngi ng binata.

"What are you saying? You're my leading lady right? Bakit mo naman ako sinampa-"

Natigilan ito at saglit na pinagmasdan ang pagmumukha ni Harietta. Bigla na lamang nanlaki ang mga mata nito.

"Zeriya?! Ikaw ba yan? Kailan ka pa bumalik dito sa Pilipinas?" sunod-sunod nitong tanong sabay yakap sa kanya.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako! Hindi kita kilala!"

"Cut! Hance naman, hindi sya ang tinutukoy naming babae. Yan kasi e ni hindi ka man lang dumalo sa scriptreading. Pati pala magiging kapareha mo hindi mo pa kilala." Lumapit ang isang matandang babae sa kanila, ang babaeng ito ang direktor ng ginagawang pelikula.

Nanatiling nakatingin si Hance kay Harietta.

"I'm sorry iha pasensya na." Paghingi ng paumanhin ng direktor sa kanya. Yumuko lamang sya at muling ipinukol amg tingin kay Hance.

Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Bakit parang kilalang-kilala nya ako?

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

"WHAT the heck Harietta! Why did you leave me there! Urgghh saan ka ba kasi nagpupupunta?" Maktol ni Valeria habang inaayos ang kanyang sarili.

Hindi pa rin nakaka-move on si Harietta sa nangyari kanina. Sino nga ba ang lalaking iyon at ano ang koneksyon sa kanya ni Zeriya?

"Is it possible na magkaroon ako ng kamukha? Yung as in- para bang identical twins kami?"lutang nyang usisa kay Valeria.

Yung lalaki kanina, sa isip nya'y hindi naman siya nito mapagkakamalan kung hindi nya talaga kamukha ang Zeriyang iyon.

Nagsalubong ang mga kilay ni Valeria bago ibinaling ang tingin sa kanya."Are you out of your mind? Aba't saan naman nanggagaling yang mga tanong na yan?" anito at kapagkuwan ay iwinagayway ang kamay sa mukha ni Harietta.

Harietta rolled her eyes saka tumalikod. Alam na ni Valeria ang pag-asta nyang ganyan, she immediately get that she was not at the mood. Simula pa kasi dati ay ganyan na si Harietta, bigla na lamang ito mang-iiwan at magwawalk-out.

"Please lang wag mo muna akong sundan. Gusto ko mapag-isa."

Pumunta sya sa banyo at pumasok sa isang cubicle doon hindi para umihi o magbawas kundi tumambay. Ilang minuto lang ang nakalipas nang marinig nya ang pagbukas ng pinto ng banyo.

"Are you sure dito lumipat ang babaeng iyon? Duhh girl napakalawak ng Yvares, how would you find her?" sambit ng isang babae.

"Well hindi mo ba kilala ang dad ko? I'm sure he will do everything for me." sagot ng isang babae sa masayang tono.

"So what's the plan?"

"Do you know Harietta Garzia?"

Napakunot ang kanyang noo sa narinig. Yes she is Harietta Figurias pero Garzia ang ginagamit nya kapag nasa academy sya-as her disguise.

"Are you kidding? She's a nerd." Sagot nito saka humagikgik.

"Nagdududa ako sa kanya. If she was really a nerd, why did he fought with Andreleus?"

"You have a point Frea, maybe she was the girl you've been looking for."

"Here's the plan, ipapahiya natin sya bukas. If she fought back then she's not a nerd at iimbestigahan ko siya, but if she didn't fought back I will let her go and live freely. A wolf will always be a wolf even if it pretends to be a sheep. Pagbabayaran nya ang ginawa niya kay Alexandra."

Napatakip ng bunganga si Harietta, biglang nanginig ang kanyang mga tuhod at ramdam nya ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.

Muling bumalik sa isipan nya ang pangyayaring iyon. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at tinakpan ang kanyang mga tenga.

"No... I didn't do it... Hindi ko siya pinatay... I didn't..."

Buong buhay niya pinagsisihan nya ang pangyayaring iyon. Alam nyang may kinalaman sya sa pagkamatay ni Alexandra at matagal nya na iyong pinagbayaran.

Araw-araw ay umiiyak sya dahil doon pero kahit anong gawin nya hindi pa rin sya tinitigilan ng kanyang konsensya. Hindi nya na alam ang gagawin and all she could do was to cry.

"I'm sorry Alexandra ... I didn't do it... I'm sorry." Patuloy nyang hagulgol  habang hinahabol ang kanyang hininga. Para bang naninikip ang kanyang dibdib.

"Tulongg!!" She cried for help dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya. She couldn't breath. Para bang nandidilim na rin ang kanyang paningin.

"Oh shit..." tanging narinig nya nang may magbukas sa pinto ng cubicle na kinaroroonan nya.

Wala na syang sapat na lakas upang lingunin ang taong iyon.

Everything went black.

Love In Trouble [¤ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon