Chapter Nine:

58 10 0
                                    

MULI syang nilingon ng nakangiting binata. Hila-hila pa rin sya nito ngayon at kasalukuyang itinatakbo sa pasilyo. Everyone caught their presence, ang iba ay naguguluhan ang iba naman ay naaasar. Pero in that moment para bang bumagal ang takbo ng lahat, mayroong kakaibang kinang ang mga mata ng binata na tila nagsasabing huwag nyang pansinin ang mga iyon.

"Saan mo ba ako dadalhin hah?" hinihingal nyang tanong.

Huminto sila sa parking are ng Academy."Di ba ang sabi mo gusto mo ng mamatay. Kung mamamatay ka na rin naman bakit hindi mo gawin ang lahat ng mga bagay na gusto mong maranasan."

"Sakay na." Utos nito saka siya pinagbuksan ng pinto.

"Hey where would you take me? Oo gusto ko ng mamatay but seriuosly... Y-yung sinasabi mong gusto kong maranasan,"

Namula ang kanyang mukha at yumuko. Hinigpitan nya ang hawak sa kanyang palda at muling nag-angat ng ulo.

"Hoy ikaw! Ayoko pang maranasan yun ha! Don't you dare."

Tumaas ang isang kilay ng binata."Huh? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Oh seriously... Ayokong maranasan yung sex!" mabilisan nyang sigaw.

Kusang lumabas ang mga malalakas na halakhak sa bibig ni Andreleus. Halos mapahawak pa ito sa kanyang tyan.

"Kamatis ka talaga..." tumatawa nitong sabi.


Kumurba paibaba ang labi ni Harietta at nagcross-arms.

"Aalis na ako. Ayokong sayangin ang oras ko sa 'yo."

Biglang napahawak si Andreleus sa braso nito."I told you to trust me, kahit ngayon lang. Gusto lang naman kita patawanin e."








"GUSTO mo bang ikwento ko sa 'yo buhay ko?"

Nagbaling ng tingin si Harietta sa binata. Sa kalagitnaan kasi ng biyahe ay bigla itong nagsalita.

Huminga ito ng malalim." Meron akong nakababatang kapatid dati... his name is Adrieleus Raxell. We used to be best buddies, then one day nagbago ang lahat nang masunog ang resthouse namin sa Bulacan. Dalawa lang kami noon dun kasi busy sila mama at papa sa trabaho. Raxell was their favorite child, kaya ayun araw-araw ako ang palagi nilang sinisisi sa pagkawala nya. We migrated to U.S para doon muli magsimula ng bagong buhay but only for them kasi pati doon ako pa rin ang patuloy nilang sinisisi. Since may part-time job ako noon doon nakaipon ako ng pera. Tumakas ako and now I'm here-living independently. Yun lang, boring noh?" Natatawang paliwanag nito. Subalit alam ni Harietta na peke lang ang tawang iyon.

Mouth can lie but eyes cannot.

"I told you life's unfair. Kaya bakit mas gusto mong ipagpatuloy mabuhay? You crazy man."

He sighed."Gusto ko kasing baguhin ang takbo ng buhay ko. I want to be free and to live the life I want. By the way nandito na tayo kamatis..."


"Mall? Ano namang gagawin natin dito? It's so boring here."

Humarap sa kanya ang binata."Alam mo kung bat boring dito para sa 'yo? Kasi hindi mo naa-appreciate yung mga magagandang bagay na nandito. Hindi mo sinubukang lingunin yung mga positibong pananaw at nanatili kang nakapokus sa kadiliman. Now it's time to set out from the darkness."

Ngumiti ito ng nakakaloko at hinila ang mga kamay ng dalaga.

"Heyy! Nakakahiya, andaming tao o."

Love In Trouble [¤ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon