NAPASANDAL si Rendell sa isang puno na malapit sa admin buliding. Panay ang pagpapakawala nya ng hininga.
Limang taon nya ng gusto si Zeriya, ngunit hanggang ngayon hindi nya maamin amin. Alam naman kasi nyang hanggang ngayon ay si Andreleus pa rin ang laman ng puso nito. Higit sa lahat alam nyang si Andong lamang ang kayang magpatibok non.
Hindi nya alam pero mas lalo syang nahulog sa kanya simula nung insidente sa mall. He found Zeriya very cute with her disguise as a nerd. Kungsabagay ay lagi naman itong maganda sa kanyang paningin.
Suminghap sya saka tumingala sa kalangitan."When will you notice me Zeri-"
"OHMG! Anong plinaplano ni Harietta? Saan sya pupunta?"
Napatayo sya dahil sa umpukan ng mga estudyanteng nagbubulung-bulungan. Halos lahat ng mga estudyante mula sa matataas na palapag ay nagsipagbabaan.
Well I guess, she's now the new Queen of Y.A. And also my Queen.
NAPAIRAP-IRAP si Zeriya, nabalitaan nya kasi lahat ang nangyari kay Harietta sa party. Papunta sya ngayon sa silid na kinaroroonan ni Frea. Gusto nya itong gantihan hindi dahil concern sya kay Harietta kundi dahil sa dignidad nya.
She was acting as Harietta, but she was different from her. Mas matapang sya rito sa totoo lang kaya hindi nya papayagang apihin na lamang sya-kahit pa Harietta ang alam nilang pagkatao nya ngayon.
I will make her pay!
Nag cross-arms sya saka umirap-irap. Everyone was looking at her. "Hindi ba't sya yung babae sa party kagabi? Yung muntik ng magahasa."
"Sya nga 'yon, but why does she looks braver than last night?"
"Mukhang may binabalak syang gawin."
Huminto sya sa tapat ng classroom ni Frea. Marahas nyang sinipa ang pinto nito.
"What did you do to me last night?" maangas nyang tanong.Napataaas ng kilay si Frea."Hey for your information it was just a dare. How pathetic of y-"
"Nudity? Sex? Dare lang pala ang mga bagay na 'yon para sa 'you. How cheap!"
"So what are you saying huh!? Anong pinaglalaba-"
Sinampal nya ito ng ubod ng lakas at halos mapahawak si Frea sa kanyang mukha.Napangisi ito."How dare you, girls hawakan nyo ang mga kamay nya. Let's show her who's she's fighting with, napak--"
Sinampal nya muli ito sa pangalawang beses."Dare pala hah. Then game, let's pretend everything was just a DARE!"
Sinugod nya ito at pinagsasabunutan, unti-unti nyang tinanggal ang mga botones ng blouse nito at hinila paibaba ang suot nyang palda.Tanging ang mga panloob na lamang nitong mga underwear ang natira-she was almost naked.
"Hey give me back my c-clothes." pagmamakaawa nito habang tinatakpan ang sarili.Marami ang nagsisipagtawanan sa labas at sa loob ng silid."Zivada, Diana, please give me back my clothes." utos nya sa kanyang mga alipores.
Gagalaw na sana ang mga ito nang muling magbanta si Zeriya."Sige tulungan nyo sya at tignan natin kung sino ang mahuhubaran sa harap ng maraming tao." natatawang wika niya.
Napaatras naman ang dalawa nyang kaibigan."How dare you Harietta! Itigil mo na 'to." sigaw ni Frea.
"You! Give me that juice." bulyaw nya sa isang lalaking may hawak na nakaplastic bottle na juice. Kaagad din naman niya itong iniabot."Hey anong gagawin mo? Stop that."
"Well I told you, everything's just a dare so why not make it fun." Binuksan nya ang plastic bottle at ibinuhos sa katawan ni Frea. Again, wala na ring nagawa si Frea kundi ang umiyak.
"It's just a dare, I'm sorry dear." nakangiting aniya saka lumabas ng silid.Halos mamangha ang lahat ng mga estudyante sa kanya.
Samantalang gigil na gigil naman si Frea, halos magwala ito sa galit.
"I told you already, may sikreto ang babaeng yan. Magkakaiba ang kinikilos nya, sometimes she's a coward and sometimes she's a monster." Patuloy na mukmok ni Frea habang hinuhugasan ang sarili sa bathroom ng classroom nila.
"So are you saying she's a witch?" usisa ni Zivada.
"Or a bipolar?" opinyon naman ni Autumn.
Napahilamos sya ng mukha."I don't know basta alam kong may kakaiba sa kanya. She's hiding something from us at kailangan kong malaman kung ano yun."
NAGULAT si Zeriya nang may humablot sa kanyang mga kamay. Napasimangot sya nang mapagsino iyon, si Andreleus.
"Are you okay?"
Bumuntong-hininga sya. Alam nyang hindi talaga para sa kanya ang tanong na iyon, it was for her stepsister kaya naman tumango-tango na lamang sya.
Napakamot ng batok si Andreleus."Aishhh... hindi mo na dapat ginawa yon, hindi pa nga gumagaling yang mga sugat mo tapos makikipag-away ka na nam-"
Nagsalubong ang dalawang kilay nya. Tumayo sya at hinawakan ang pisngi ni Zeriya."Hey, nasan na yung mga sugat mo sa pisngi? Kagabi lang namamaga pa yung mga yun ha."
Kinabahan siya sa sinaad nito, nakalimutan nya nga palang gayahin ang mga sugat ni Harietta. Ipinilig nya ang kanyang at inilayo kay Andreleus."M-may, ano kasi... uhmmm.. m--"
"Bakit wala na yung m-ga s-sugat mo?" gulat na gulat na tanong ng binata. Halos tumirik ang mga mata nito.
"May inilagay na ointment si mommy, kaya mabilis na gumaling ang mga sugat ko." mabilisan nyang sagot, iyon na lamang kasi ang naiisip nyang maaaring idahilan e.
Napatulala si Andreleus.Imposibleng maglaho ang mga iyon kaagad kahit pa maglagay ng ointment. Ni wala man lang bakas ng sugat ang kaniyang mukha.
Sadyang nakapagtataka lang talaga, how did that happened?
![](https://img.wattpad.com/cover/215378909-288-k960877.jpg)
BINABASA MO ANG
Love In Trouble [¤ONGOING]
RandomSabi nila,"There are 7 people out there who looks like you or has the same face with you." Harietta didn't believe that at first pero nagsimula ang lahat dahil sa isang pangyayari. Mula nang pumasok sya ay mas pinili nyang magdisguise bilang isang n...