"IKAW?!"
Halos mapatirik ang mga mata ni Zeriya sa gulat matapos syang lingunin ng lalaking humila sa kanya.
Tinaasan sya ng kilay ni Andreleus."Hoy kamatis, anong ginagawa mo? Bakit binago mo yang sarili mo hah?"
Naguguluhan si Zeriya. Bakit parang malapit sila sa isa't-isa? Kung umasta kasi ang binata ay para bang matagal ng magkakilala ang mga ito.
"Nakikilala mo na ako?"
Napakamot ng batok ang binata."Malamang, at bakit naman hindi kita makikilala? Hoy Harietta Garzia a.k.a kamatis kahit pa baguhin mo yang itsura mo makikilala pa rin kita."
Napamasid na lamang si Zeriya sa pagmumukha nito. He has changed a lot, mas gwapo na ito kesa noon. Hindi nya lubos akalain na matapos ang ilang taon ay muli nyang makakausap ang lalaking pinakamamahal nya.
Napayuko sya nang bigla sya nitong akbayan.
Napaawang naman ang labi ni Andreleus dahil sa naging reaksiyon nito. Hinintay nya ang pagsapok sa kanya ng dalaga ngunit walang nangyari.
Ang kilala kasi nyang Harietta ay suplada at mainitin ang ulo pero laking pagtataka nya nang ganoon lamang ang inasta nito.
"May mga ex-girlfriends ka na ba?"
Out of the blue ay naitanong nya. Hindi nya kasi lubos maisip kung bakit tila hindi nga talaga siya nakikilala ni Andong.
Dahan-dahang pinilig ng binata ang kanyang ulo upang harapin si Zeriya.
"A-Are y..ou j-jealous?" Utal nitong tanong.
Umiling lamang ito at kaagad ding yumuko.
"Can you tell me their names? Pleasee."
Hindi naman malaman ni Andong kung anong gagawin. Nalilito kasi siya sa mga pinagsasasabi at ikinikilos ng dalaga. Again, ang kilala nyang Harietta ay hindi magsasayang ng oras para lamang sa mga ganyang bagay.
"Ah eh... Faye, Liza, Arzuria, Selena at... Hazel. B-bakit?"
Ikinuyom ni Zeriya ang kanyang mga kamao. Pilit nyang pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak mula sa kanyang mga mata.
Bakit ang sakit para sa kanya na kausapin ngayon ang lalaking ito?
Bakit bigla nya na lamang ito binura sa kanyang isipan?
Bakit nasasaktan syang makita ang lalaking pinakamamahal nya na masaya sa piling ng babaeng kamukha pa nya?
Why did the lose each other?
Bakit naging komplikado ang lahat?
"Hey tomatoe bakit parang malungkot ka? May masakit ba sa 'yo ha? May nang-"
Hindi nya ito tinapunan ng tingin."I'm fine."
"Can you promise me one thing?..." hinawakan nya ang magkabilang pisngi ng dalaga.
"Ipangako mo sa akin na hindi ka na muling masasaktan. Please promisee that you'll be safe."
Niyakap nya ito ng mahigpit na mahigpit.
"Kung may mang-aapi sa 'yo, malalagot sa 'kin. Diba nga ako lang pwede kumitil sa buhay mo? I am now your gwapo at cute na superhero bestfriend."
Ngumiti ito at itinaas pa ang kamao na parang akala nya siya si Superman.
Gustong sumabog ng puso ni Zeriya. It's obvious namang may pagtingin ang binata sa kapatid nya.

BINABASA MO ANG
Love In Trouble [¤ONGOING]
RandomSabi nila,"There are 7 people out there who looks like you or has the same face with you." Harietta didn't believe that at first pero nagsimula ang lahat dahil sa isang pangyayari. Mula nang pumasok sya ay mas pinili nyang magdisguise bilang isang n...