Chapter Eight:

54 12 0
                                    



"WALANGYA ka! Matagal mo na akong niloloko tapos ngayon mo lang yan sasabihin sa akin... How could you do this to me Harry?"

Pababa pa lamang si Harietta mula sa kanyang kwarto nang marinig ang sigaw mg kanyang ina. Dali-dali syang humakbang pababa ng hagdanan upang tignan kung ano ang nangyayari.

Dad? Bakit nandito sya? Kailan pa sya umuwi?

Naguguluhang tumunganga si Harietta habang pinapanood ang pag-aaway ng kanyang mga magulang. Nagtataka siya kung ano ang pinag-aawayan ng mga ito.

"Mom, dad? Anong ibig sabihin nito?" bungad nya sa mga ito habang pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala mula sa kanyang mga mata.

Saglit na pinunasan ng kanyang ina ang mga luha sa pisngi nito.

"Ask your dad." tugon nito saka nagmamadaling umakyat papunta sa kanyang kwarto.

Bumuntong-hininga ang kanyang ama at umupo sa sofa."Patawarin mo ako iha."

"Dad pwede ba diretsuhin nyo na ako? I'm desperate to know what's going on."

Yumuko ito."Nagkaroon ako ng ibang anak sa ibang babae, please forgive me..."

Nabitawan nya ang mga hawak niyang libro. Hindi iyon ang inaasahan nyang sasabihin ng kanyang ama.

"Kailan pa ha? When did you start lying to us? Kailan mo pa kami niloloko?"

This time walang tumulong mga luha sa kanyang mga mata. She was filled with anger.

"Anak, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya, I was drunk that day. Nag-away kami ng mom mo and I th-"

"I don't need your explanations. Kailan pa 'to papa?" She blankly asked.

Umiiyak na ang kanyang ama."Noong isang buwan ka pa lang sa sinapupunan ng mommy mo. I'm really sorry anak, I was a coward, I was weak. Nasaktan lang ako dahil noong mga panahong iyon hindi ako matanggap ng lolo mo para sa mama mo. Trust me I tried to fi-"

"Pero nagsinungaling ka. You should've told us earlier."

After saying that umalis na sya. May pasok sya ngayon pero nawalan na sya ng gana. Hindi nya lubos inakalang ang lalaking pinakamamahal nya ang unang nanloko sa kanya.



NAAWA sya sa kanyang sarili. Oo, nasa kanya na ang lahat-kayamanan at kagandahan ngunit bakit ganito ang kanyang nararamdaman? Pakiramdam nya sya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo.

Nasa rooftop sya ngayon ng E.A building, naglalabas ng sama ng loob. Kapagkuwan ay biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya agad nya itong dinukot mula sa kanyang bulsa.

"A sexy bitch nerd being exposed."

-Ohmygash! That bitch has a sexy body.

-Sayang, I want to taste her.

-Ugh! Baka may bulutong yan hah?

-Damn! Sarap naman this bitch.



Tumingin sya sa ibaba ng gusali, nasa ika-pitong palapag sya at sadyang nakakalula ang tingin mula roon.

Ipinikit nya ang kanyang mga mata, gusto nyang tapusin ang kanyang buhay. Gusto nyang takasan lahat ng pangungutya at problemang kinakaharap nya ngayon. Sa tingin nya ay iyon ang tanging paraan upang magawa iyon. No one cares for her, wala na rin naman syang silbi at wala na ring magandang nangyayari sa kanyang buhay.




Umakyat sya doon at muling tumingin sa ibaba.

Goodbye to all my worries, maybe the world would be happy without me...


"It hurts right?"

Napalingon sya sa kanyang likuran.

"It hurts to see yourself in pain, it hurts to know that you're alone and no one cares for you and it hurts to know na wala kang silbi. Pero hindi ba't mas masakit yung hindi ka lumaban? Yung mas pinili mo na lang iwanan ang lahat when infact you can do something to change it. Hindi ba't mas masakit yung mas pinili mong ilugmok ang iyong sarili kesa humanap ng paraan para muling umahon? Most people really doesn't know to appreciate the brighter side of life because they focus on darkness..."


She sighed."Most people doesn't know how to appreciate the brighter side of life because even their love ones block their sight."

"Sapat na ba yun para sumuko ka?" Muling tugon ni Andreleus.

Napa-irap si Harietta pagkatapos ay lumingon sa kawalan."Don't act as if you know everything. Wala kang alam at wala ka na ring pakealam sa buhay ko."

"Is that so? Ngayon alam ko na kung bakit walang gustong umaruga sa 'yo. Kasi para kang isang masamang ahas, magagawa mong tuklawin kahit ang taong umaaalaga at nagtatanggol sa 'yo."

Hindi kumibo ang dalaga. She was about to jump nang muling maramdaman ang presensya ng binata sa kanyang tabi.

"Total pareho lang naman tayong nasasaktan, maybe we should jump together." nakangiting anas ni Andreleus.

"Are you out of your mind?"

"We're both out of our minds."

Nang makahanap ng timing ang binata ay kaagad nyang hinatak pababa si Harietta.

"Ano ba?! Why do you always save me? Bakit hindi mo na lang ako hayaang mamatay! Why?... Just let me finish my life, pleasee..." napahagulgol na sya sa harapan ng binata.

Ayaw pa man din nyang ipakita ang mahina nyang pagkatao. She kept on pretending to be brave kahit sa totoo lang she was scared of everything. She was a coward.

Ngumiti si Andreleus at kapagkuwan ay hinila si Harietta patungo sa kanyang bisig. Niyakap nya ito ng mahigpit kahit pa alam nyang maaasar lang si Harietta.

Hindi nya alam kung bakit sya nagkakaganto. He keeps on denying the fact at ang tanging ipinapasok nya sa kanyang utak ay dala lang ito ng kanyang konsensya.

"I told you before, ako lang ang pwedeng pumatay sa 'yo. So don't dare to disobey me."

"Let me go! Stay away from me, you don't know my real identity! Wala kang alam so pleasee-"


"Identity does not matter as long as you are who you want to be."  nakangiti nyang wika habang lalo pang hinihigpitan ang yakap kay Harietta.

He let go saka tinignan sa mata si Harietta."Would you trust me, kahit ngayon lang. I want you to see the brighter side of life.I want to see a single smile from your face."

He registered the sweetest smile he could give at hinawakan ang kamay ng dalaga at pagkatapos ay patakbong hinila.


Hindi ko alam kung ano ang intensyon ng lalaking ito but I somehow saw the sincerity in his eyes. It's my first time na makarinig ng ganitong concern. A bad guy wants me to continue living and to see the brighter side of life. And why does it makes my heart flutter so much that I let him take control of me.



Why?


Love In Trouble [¤ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon