"23rd Century, ito ang panahon kung saan patuloy ang pagdami ng populasyon sa buong mundo. Sa panahong ito mas lalong bumigat ang mga suliranin ng bawat bansa-pagkagutom, polusyon, krimen, pagkasira ng kalikasan at abnormal na pagbabago ng klima."
"Marami ang tumutol sa panukalang batas ng Presidenteng 'One Child Policy'."
"Kaliwa't-kanang protesta ang nagaganap ngayon sa palasyo."
"Nagkaroon ng madugong pangyayari kanina sa harap ng palasyo. Nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga sibilyan at mga militar. Sampu ang nasawi habang isang daan naman ang lubhang nasak-"
Pinatay ng dalaga ang telebisyon dahil paulit-ulit lamang ang kanyang nakikita. Inaamin nyang wala syang pakealam doon. Pagkatapos ay tinahak nya ang kinaroroonan ng kanyang ina.
"Magjejeep na lang ako ma, baka malate pa ako nyan." Suhestiyon niya sa kanyang ina na kanina pa may katawag sa telepono.
Saglit na ibinaba ng kanyang ina ang telepono bago sya nito tinapunan ng tingin."Maaga pa naman ija."
"Ma naman mukhang isang oras pa ho yata kasi kayo makikipagchismisan dyan eh. Isa pa malaki na ako kaya ko na ang aking sarili."
Dinampot nya ang kanyang bag tsaka tumakbo palabas na hindi man lang pinakinggan ang sinabi ng kanyang ina.
Harrieta Eyra Figuerias was a 17 year old girl. She was the sole heir of the Figuerias Empire, mayroon silang limang naglalakihang mansion sa Pilipinas at sa ibang bansa naman ay halos isang daan pang mansion. Halos sa lahat ng bansa sa Asia ay mayroon silang pagmamay-ari: kompanya, resorts, hotel at kung anu-ano pa. They own thousands of luxury cars.
"Ma'am Harrieta baka po kayo ay masugatan at madumihan dyan sa kalsada." Alalang-alalang sigaw ni Aling Minda, ang pinakamatandang kasambahay nila.
Isa namang gwardya ang lumapit rito. "Naku Nanay Minda hindi pa ho ba kayo nasasanay dyan kay Maam Eyra."
She was a different girl. Mayroon syang suot-suot na makapal na eyeglasses at bangs na halos umabot sa kanyang mga mata. Sa hitsura nya ay hindi mo talaga aakalaing isa syang Figuerias o kahit isang mayaman na nilalang.
She always wants simplicity, kung sa tutuusin ay kayang-kaya nitong magkaroon ng kahit ilang sasakyan yet mas pinipili nito ang magkomyut.
"Saan ang punta mo iha?" Bungad sa kanya ng mamang driver nang makasampa sya ng jeep.
"Sa Yvares Academy po." aniya na dahilan upang mapalingon sa kanya ang lahat ng mga pasahero doon lalo na ang mga estudyante.
Nagsitawanan ang mga tao roon at nagkaroon ng samu't-saring bulungan."Baka naman skolar." rinig nyang wika ng mga ito.
She doesn't care, as if naman kung maaapektuhan sya. Sanay na rin naman kasi siya sa mga ganyan.
Im not a boastful person pero I also need to fight for myself.
Inilabas nya ang kwintas na ibinigay sa kanyang ng kanyang ama na nasa Amerika tsaka sya nakipag video call rito.
"Dad natanggap ko na po ang Empress Hearts Diamond na ipinadala nyo.""Ganun ba iha? Naku ingatan mo yan ha, Sampung bilyon ang halaga nyan." Tugon ng kanyang ama.
Halos nakatutok ang lahat ng naroon sa kanya na halos maglaway na ang mga labi dahil sa nasisilayan. Lalo pa nyang nilakasan ang volume ng kanyang phone.
"Magkano po? SAMPUNG BILYON? Naku dad napakamahal naman pala."
They were all amazed at halos itago na nila ang kanilang mga mukha dahil sa kahihiyan.
"HEY miss move." Napaangat sya ng tingin nang huminto ang jeep. May lalaking siga na nakatayo ngayon sa harapan nya.
Ang lalaking iyon ay nakasuot ng shades at naka black na leather coat.
Umirap-irap muna sya bago tuluyang tignan ang binata."Excuse me? A-ko ba?" mahinahon nyang tanong rito.
He tsked."I said move."seryoso nitong sambit.
Isinawalang-bahala iyon ni Harrieta at isinuksok ang headset sa kanyang magkabilang tenga. As in WALA SYANG PAKEALAM.
"Are you insulting me?"
Tinanggal nito ang headset sa kaliwang tenga nya na dahilan para muli nya itong balingan ng tingin.
"I dont talk to strangers." ani Harietta at muling tinignan ang kanyang cellphone na animoy walang pakealam sa lalaking gumugulo sa kanya ngayon.
Ikinagulat nya nang bigla nitong agawin ang kanyang cellphone tsaka nito inihagis. They have got everyone's attention, ang pinakakinaiinisan ng dalaga.
Ikinuyom nya ang kanyang mga kamao at pinigilan ang galit na nararamdaman.
"Should I drag you out stupid nerd?"
Dumilim ang kanyang paningin at umikot ang buong kapaligiran. Biglang nagsigawan ang mga tao doon nang sipain nya ang pagmumukha ng binata.
How could a girl do that to a boy?
That's how things started to be complicated. Her life suddenly became a living hell.
*****************************
BINABASA MO ANG
Love In Trouble [¤ONGOING]
AcakSabi nila,"There are 7 people out there who looks like you or has the same face with you." Harietta didn't believe that at first pero nagsimula ang lahat dahil sa isang pangyayari. Mula nang pumasok sya ay mas pinili nyang magdisguise bilang isang n...