Shannen's POV,
Nang makarinig ako ng busina'y lumabas ako para pagbuksan si Dean.
I'm wearing the dress na binili ni Faith para sa 'kin kanina. Ginamit ko rin ang pouch kong red na bigay sa akin dati ng nanay ni Dean.
Nang mabuksan ko na ang gate ay sakto namang nasa harap ko na si Dean.
Kitang-kita ko sa reaksyon niya kung paano siya nagulat sa naging ayos ko. Nakatitig lang siya sa akin na para naistatwa.
Naiilang ako sa titig niya kaya I snap my finger in front of his face para matauhan siya. He blink for how many times saka lumulunok-lunok pa.
Am I attractive to him?
Naramdaman ko namang parang nag-iinit ang mukha ko sa isipin na yun.
"Ah right! A-aalis nga p-pala tayo." Sabi niya at agad na nag-iwas ng tingin. Ramdam kong naiilang din siya.
Ganon pa rin ang suot niya kaniyang umaga.
Hindi man lang siya magbibihis?
Agad naman siyang lumapit sa sasakyan niya para pagbuksan ako. Pumasok nalang ako kaysa mag-ilangan pa kami.
Umikot na siya para sumakay sa driver's seat. Pagkapasok niya'y kita ko pa rin ang paggalaw ng adam's apple niya kaya alam kong napapalunok pa rin siya.
Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa harap pero kita ko pa rin sa peripheral vision ko na hindi pa rin siya gumagalaw kaya nilingon ko na siya.
"A-are you ok?" Tanong ko sa kaniya na naging dahilan kung bakit gusto kong batukan ang sarili ko sa tanong na iyun.
Nilingon niya naman kaagad ako saka tumitig na naman sa mukha ko. Naiilang ako kaya ililihis ko na sana ang paningin ko nang bigla niya kong hapitin para halikan.
Nagugulat lang akong nakatingin sa kaniya habang siya'y nakapikit at ninanamnam ang paglapat ng mga labi namin. Dahan-dahan ko namang pinikit ang mga mata ko hanggang sa maramdaman kong pababa na ang halik niya.
Natauhan naman ako kaya napahiwalay ako sa kaniya. Baka kung san na naman 'to mapunta at maudlot ang pinapangarap kong date namin.
"A-ah D-Dean, a-aalis pa t-tayo." Utal kong sabi habang nakatingin sa harap.
"S-sorry." Sambit niya lang saka agad na binuhay ang makina ng sasakyan niya. Pinaandar niya na iyun.
Tahimik lang kami buong byahe. Pinapakiramdaman ko lang siya at sa tingin ko'y ganon lang din siya.
Hindi ko makontrol ang sarili ko at gusto ko ng lumabas para mabawasan ang pressure sa loob namin.
Ganon ang nagong atmosphere namin sa loob ng sasakyan hanggang makarating kami sa isang...
Hotel?
At saan naman ang gusto mo Shannen?
Napangiti nalang ako kahit ang iniimagine ko'y sa seashore kung saan kami lang dalawa ang tao. May orchestra na tumutugtog at may flower petals sa dinadaanan namin.
Well, at least Shannen, natupad pa rin ang kagustuhan mong maka-date si Dean.
BINABASA MO ANG
The Wife's Suffering [COMPLETED] ✔
Romance"Discomforts come not only to make us strong but also for us to bring out the best version of ourselves." -Shannen Mantilla / Shantal Guerrero "I'm sorry. Sorry for the late realization at umabot pa sa magsawa ka na." -Dean Del Prado "You know what...