TWS 45

10K 177 27
                                    

Shantal's POV,

"You like to wear this?" I handed Deryne his eyeglasses. Umiling naman ito.

"Just give him his travel pillow." Sambit naman ni Dean kaya sinuot ko na sa leeg ni Deryne ang travel pillow niya. Dumungaw naman ito sa labas.

Maya-maya pa'y naramdaman ko na ang pagtakbo ng eroplano sa lupa. Napahigpit ang hawak ko sa pouch kong hawak. This is my second time in the plane kaya hindi ko maiwasang kabahan.

Napatingin naman ako sa kamay ni Dean nang hawakan nito ang kamay ko. Ngumiti naman ito sa akin.

"Relax. Gum?" Inabot ko naman ang bubble gum sa kamay niya at kinain agad ito. "Nagdala talaga ako niyan para sa 'yo. Baka manibago ka." Ngumiti pa ito sa akin kung kaya't ginantihan ko naman ito ng isa ring ngiti.

Humigpit ang hawak ni Dean sa kamay ko nang maramdaman namin ang pag-angat ng eroplano sa lupa. Napabuga nalang ako ng hangin nang magstay na sa ere ang eroplano.

"You can sleep, Shannen. Mahaba-habang biyahe pa 'to." Sabi ni Dean na siyang kinailing ko. "Ok, ikaw bahala."

Si Dean ang nag-ayos ng leave ko sa hospital. Ano pa bang aasahan ko sa isang Dean Del Prado na naging nagdonate ng maraming kagamitan like machines sa hospital na pinagtatrabahuan ko.

Isang linggo lang din naman kaya pumayag na ang President namin. Di na rin ako kumontra dahil first time kong makapunta ng ibang bansa, at sa Paris pa talaga.

Mag-aalas syete na rin nang makarating kami sa airport na malapit dito sa Paris daw. It takes us almost 16 hours flight from Manila to Paris. Nag-layover pa kasi kami sa Hong Kong, as what Dean said.

Sumunod nalang ako kay Dean papalabas ng airport. Sumakay na kami sa itim na kotseng sa palagay ko ay naghihintay sa amin.

"Nagpasundo ako sa hotel na tutuluyan natin." Napatango naman ako sa sinabi ni Dean. Mayaman talaga!

"Mommy, look!" Tawag sa akin ni Deryne kaya napatingin ako sa tinuturo niya. Para rin akong bata na palinga-linga sa paligid ko. Sobrang ganda at napakasaya ng mga ilaw.

"He likes traveling." Usal ni Dean habang nakanguso kay Deryne. Napatawa nalang ako dahil halata naman sa kakulita ng batang ito.

"Mommy-Daddy, is that the famous Eiffel Tower?" Lumapit naman agad ako kay Deryne sa balcony. Namangha ako sa kagandahan ng mga ilaw mula sa hotel namin. Kita rin dito ang Eiffel tower mula sa kalayuan.

Simula pagkabata, pangarap ko ng mapuntahan ang lugar na iyan. Gusto kong makapunta sa tuktok ng tore na iyan.

"Is it ok that we will sleep on the same bed---but don't worry, Deryne's in between." Sabi ni Dean kaya kahit nahihiya ay ngumiti nalang ako. Wala naman sigurong masama doon. Dati naman kaming mag-asawa.

Kinaumagahan, inayusan ko na si Deryne dahil maaga raw kami pupunta sa Musée du Louvre. Masyado raw kasing marami kapag hapon pa kami pupunta roon. Gusto raw makita ni Dean ang mga artworks doon, so as I.

"Is that the Mona Lisa painting Mommy that we'd discussed in our Arts class before?" Napangiti ako kay Deryne dahil sa tanong nito. Napakatalinong bata.

"Yes, anak. The one that Leonardo da Vinci painted. I don't if that's the real one, but yeah, that's the famous Mona Lisa painting." I explained to him.

"A portrait of a lady without eyebrows." Sambit ni Dean kaya napatingin din sa Deryne dito.

"Nakalimutan po ba ni Leonardong lagyan siya ng kilay, Daddy?" Tanong naman ng anak niya kay Dean.

The Wife's Suffering [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon