TWS 23

9K 141 3
                                    

Shannen's POV,

Agad akong tumakbo papunta sa CR nang makaramdam ako ng pagsuka. Hinang-hina ako habang nakahawak sa bowl at sumusuka.

Nang maisuka ko na ang lahat ng pwede kong isuka ay napasandal nalang ako sa dingding.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko nang maalala kong naglasing nga pala ako kahapon.

Nang mahimasmasan ako'y tumayo ako para pumunta sa sink. Nagmumog ako para mawala ang lasa ng alak sa hininga ko. Nagmouthwash nalang din ako dahil iba talaga ang amoy ng bunganga ng lasing.

Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kong nasa ibang bahay ako ngayon.

Pagkatapos kong maghilamos at mag-ayos ng sarili ko'y lumabas na ako.

"Oh, gising ka na pala." Bungad sa akin ni Faith nang makalabas ako ng kwarto na pinagdalhan niya sa 'kin.

"Tita-ninangggg!" Napalingon ako sa batang biglang yumakap sa akin.

"Trixieeee!" Yumuko ako para magpantay kami ni Trixie, anak ni Faith. Kinurot ko naman siya sa pisngi dahil sa kakyutan niya.

"Tara na. Baba na tayo para makakain ka na." Sabi sa akin ni Faith saka naunang bumaba. Sumunod naman ako.

"Sorry pala tut---"

"I didn't bring you home dahil wala naman akong susi ng bahay niyo. Wala rin si Dean nong hinatid kita kaya dito na kita dinala sa bahay." Faith cut me off.

"Salamat." Nakangiti kong pagpapasalamat sa kaibigan ko. Hinawakan niya naman ako sa kamay. Bumuntong hininga naman siya. 

"Hindi na kita papangaralan dahil malaki ka na and I know dadating din ang panahon na mapapagod ka na sa kaniya. And when that time come, always remember that we're here for you. Lumapit ka lang sa amin ah." Sabi niya sa akin. Ramdam ko ang sincerity sa bawat salita na binitawan niya. Ngumiti naman ako sa kaniya.

At least I have them.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag wala ang mga kaibigan ko. Baka maisipan kong magpakamatay nalang.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kong umalis na. Uuwi na ko dahil alam kong hinahanap na ko ni Dean...sana.

Pagdating ko palang ay kinabahan na agad ako nang hindi nakalock ang gate ng bahay namin. Nasa loob si Dean.

The Wife's Suffering [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon