TWS 22

8.8K 130 2
                                    

Shannen's POV,

Pagkaalis ni Dean ay umakyat ako ulit. Kinuha ko ang cellphone ko na binigay ni Dean sa akin. Tinitigan ko lang ang pangalan ng ina ni Dean.

Tama ba ang desisyon ko na pirmahan ang annulment paper?

Pero 'yun ang matagal ng gusto ni Dean diba?

Gusto kong magpaalam na sa ina ni Dean, kaso baka magtanong-tanong ang ama niya at maging dahilan pa para pagalitan siya.

Naalala ko pa naman ang sabi ng ama niya na ipapakulong siya nito kapag nalaman niyang sinasaktan ako nito.

Napangiti ako nang may planong nabuo sa isip ko.

Kailangan kong gawin ito para hindi ka masaktan Dean.

I'm sorry.

Nilapag ko muna ang cellphone ko at pumasok sa CR para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ko para pumuntang club.

Kailangan kong gumawa ng paraan para magkaroon ng dahilan ang mga magulang ni Dean na paghiwalayin kami. Gusto ko ring magliwaliw muna dahil nakakapagod na sa bahay.

Kumuha ako ng shorts at crop top na shirt sa cabinet ko at nagbihis na. Naglagay rin ako ng make-up para maging single-look.

Kinuha ko na ang purse ko at kumuha ng pera sa cabinet. Kinuha ko na rin ang cellphone ko saka tinawagan sila Jira at Faith.

"Ano 'yun tuta?" Bungad ni Jira pagkasagot sa tawag ko.

"Bar tayo." Yaya ko.

"WHAT? Seryoso ka?" Gulat niyang tanong.

"Oo. Samahan niyo ko." Sabi ko.

"Halaaa! Anyare? Nag-away ba kayo ng asawa mo?" Tanong niya. Hindi naman ako sumagot. "Oh siya, wait lang. Tingnan ko lang kung may sched ako ngayon. Tutal di pa naman ako nakakapag-day off. Text nalang kita kapag pwede ako." Sambit niya.

"Basta kaniya-kaniyang bayad ah. Wala akong pera ngayon eh." Sabi ko.

"G*ga, ano ba kasing nangyari sayo. Nubayan, pipingutin ko talaga sa tenga 'yang asawa mo kapag nalaman kong sinaktan ka niya. Nakuuu!" Sabi niya.

The Wife's Suffering [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon